Chapter 12

1.1M 26.6K 5.6K
                                    

Chapter 12

Ang Calling Card

Nang nakarating na kami sa Bantayan, panay ang selfie ko gamit ang cellphone. Mag fo-flood ako mamaya sa Instagram ng mga pictures ko. Maiinggit ng husto yung mga pinsan ko dito. Mamaya sa sobrang inggit nila, baka pumunta pa ang mga iyon dito.

"What are you doing?" Tanong ni Jayden.

Nag dirty finger pa ako malapit sa karatulang 'Bantayan'. Ang ganda ng buhangin, puting-puti. Buti nagdala ako ng sunblock, maliligo ako mamaya ng sunblock para in case na maisipan kong maligo at magbilad sa araw, hindi ako magkakacancer.

"Hey, pati pa naman sa pictures mo kitang-kita parin yung attitude mo?"

Ewan ko talaga sa Jayden na ito. Okay lang sana kung pinapansin niya ako dahil gusto niya ako. Kaya lang, tuwing pinapansin niya ako, pinapagalitan o sinasaway naman.

"Jayden, wala lang naman ito. It's just a picture." Nakangiting sinabi ko.

Umiling siya at nag inarte.

"Okay, if you don't like it, I'll delete it. Sabi ko naman sayo, willing akong mag bago para magustuhan mo ako." Ngumisi ako kaya lang tinalikuran niya lang ako.

"Sungit talaga ng hunk na ito!" Sabi ko.

Hindi niya ako pinansin. Sus!

"Asan na yung kiss mo? Diba sabi mu pag mag iingay ako hahalikan mo ako? Asan na?" Talak ako nang talaka habang siya naman ay mabilis ang lakad.

Mukhang nahuli na yata kami. Nauna na yata ang tatlong supervisors sa loob ng resort. Paano ba naman kasi, panay ang picture ko kanina. Nag flood na yata ako ng selfie pics ko sa Instagram. Pinicture ko si Jayden nang nakatalikod at dala-dala ang bagahe ko.

Napangiti ako at agad inupload na may caption, 'I want you so I'm ready to go'. Linya iyan sa paborito kong kanta.

"Faster!" Untag ni Jayden nang tumigil ako sa paglalakad.

Pwede naman niya akong iwan pero hindi niya ginagawa. I really need to observe him. Masungit siya pero may mga pagkakataong sweet ang pagiging masungit niya.

"Okay... Okay..." Sabay lakad ko ulit.

Nang napunta na kami sa hotel proper, wala akong ibang ginawa kundi ang picturan ang halos lahat ng furniture. Ibang klase talaga itong mga Castillo. Kung makapuhunan ng mga negosyo, wagas!

Nakita kong nagkakamayan si Jayden at yung dalawa pang pormal na lalaki. Nandoon din ang tatlong supervisor, nakikipagkamayan din sila. I think I need to go there.

"Hi! I'm Charity." Sabay lahad ko ng kamay sa isang chinitong kakamayan kanina ni Tina.

"Charity?" Bumusangot yung mukha ng kinakamayan ko. "Charity Rama?"

"Yep!" Tumango ako.

"Ah! Ikaw yung nakasayaw ko last year sa Life Dance?"

Kumunot ang noo ko at inisip kung sino ba itong lalaking ito. Wala akong maalala noong Life Dance kasi papunta pa lang kami doon, lasing na lasing na ako.

"Really? Anong pangalan mo?" Tanong ko.

Ngayon lang nag register sa utak ko yung features sa mukha niya. Inisip kong mabuti at inaalala kung talaga bang naisayaw ko siya, pero di kaya ng powers ko. Talagang wala akong maalala.

Why Do You Hate Me? (To be Published under Majesty Press)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon