Chapter 16

1.1M 26.6K 7.2K
                                    

Chapter 16

Ang Selos

Nagising ako sa amoy ng kape. Napangiti ako nang naalala ko ang nangyari kagabi. Panaginip ba iyon o hindi? Tinignan ko sa ilalim ng kumot ang sarili ko. Naka t-shirt ako ni Jayden! Hindi ko matandaang sinoot ko ito kagabi. Siguro ay siya yung nagsoot sakin!

Bumangon ako para hanapin si Jayden. Nakita ko siyang nakatitig sa tanawin sa labas. Nakabukas ang malaking slide up door ng terrace at umiihip ang hanging galing sa labas, nililipad nito ang puting kurtina.

"Good morning!" Niyakap ko siya galing sa likuran.

Natigilan siya sa pag inom ng kape. Hinawakan niya ang kamay ko.

"Mornin'." Aniya.

Napangisi ako sa napapaos niyang boses. Hinarap niya ako at napailing siya nang nakitang ginawa kong damit ang kumot niya.

"Gusto mo ng kape?" Alok niya pero yung titig niya ay nasa katawan ko parin.

"Sure..." Kinuha ko ang kape niya at uminom ng konti.

Umiling siya sa ginawa ko. Nagkatitigan kaming dalawa. Naka ilang boyfriends na ako. Minsan, long term, pero mas madalas yung isang buwan lang, break na agad.

Hindi naman sa madali akong nagsasawa, nagkakamali lang talaga ako. Nakikilala ko yung mga lalaki as mature at ma experience sa relationship, hindi clingy. Pero kalaunan, hindi ko nagugustuhan. Kailangan may text oras-oras.

"Nasaan ka ngayon?"

"Sinong kasama mo?"

"Bakit ang tagal mong mag reply?"

"May ginagawa ka ba?"

"May kasama ka bang iba? May kabit ka?"

God, it was suffocating! Hindi naman ako palaging may lakad, madalas nasa bahay ako, sa condo o di kaya sa bahay ng pinsan ko. Bakit parang laging dapat nakaabang sila? I want freedom. Ayaw ko ng nilalagay ako sa hawla. Pero ngayon, nagbago na ang pananaw ko. Pakiramdam ko, kahit na tanungin ako ni Jayden oras-oras tungkol sa whereabouts ko, okay lang. Mas gugustuhin ko sigurong makapiling siya kesa magbarhop kasama ang mga pinsan ko.

Hinawakan niya ang braso ko.

"Bakit ka lumalabas dito sa terrace na ganyan ang soot mo. You should wear your clothes." Kinaladkad niya ako papasok sa loob at papunta ulit sa kama niya.

Nakita kong nandoon lang pala sa gilid ng kama yung mga damit ko.

"May t-shirt mo naman ako, ah?"

Kumunot ang noo ni Jayden.

"I can see your nipples from here, Charity. You should wear your undies."

"Yes, po." Biro ko kay Jayden.

Tumalikod agad siya nang nakitang dinampot ko na yung panty at shorts ko. You are really a gentleman. Kahit anong gawin mong pagpapakipot at pagiging masungit sakin, nangingibabaw parin yung pagiging gentleman mo.

"Mag sho-shower lang ako." Sabi ko sabay suklay sa buhok ko gamit ang mga daliri ko.

Pinulupot ko ang braso ko sa leeg niya at hinalikan siya ng mariin sa labi. AH! YES! I can kiss him anytime I want now...

Napaawang ang bibig niya sa ginawa ko.

"See you later." Kinindatan ko siya at umalis na sa kwarto niya.

Why Do You Hate Me? (To be Published under Majesty Press)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon