Chapter 33

1.1M 23.5K 4.5K
                                    

Rated SPG pala

Chapter 33

Ang Proposal

Gusto ko ng prenup videos! Gusto ko ng prenup photoshoot! Gusto ko ng mahabang preparasyon.

Lutang pa ako pagkaalis namin ng Waterfront. Si Jayden naman ay mabilis ang lakad kaya kinailangan ko pang maghabol sa kanya.

"Let's go." Aniya sabay bukas sa pintuan ng front seat.

"What in the world is happening?" Nakatulala parin ako nang umupo sa sasakyan niya.

Umikot siya at mabilis na umupo na rin sa driver's seat.

"We're getting married tomorrow." Aniya.

Napalingon ako sa kanya at nakita kong malaki ang ngisi niya pero nagmamadali niyang pinaandar ang sasakyan at pinaharurot ng diretso palabas sa Waterfront.

"What about my gown-"

"You heard your dad, Cha, sa huwer muna. Wa'g mong problemahin iyan." Ngumisi siya at sinimangutan ko.

"Wait a minute, Jayden. Ni hindi pa kita nasasagot sa panliligaw mo. Ni hindi pa kita nasasagot sa tanong mo."

Umirap siya at diretso parin ang kanyang takbo papuntang I.T. Park.

"You're asking for the gown, then you'll tell me hindi mo pa ako nasasagot?"

Kinagat ko ang labi ko.

"Gutom lang yan." Aniya sabay hinto sa sasakyan sa tapat ng grassy part doon sa I.T. Park.

Humalukipkip ako. He sound too relaxed! Para bang sakin lang big deal iyong kasal. Damn!

Pero bago pa ako makapagprotesta ay umalis na siya sa sasakyan at pinagbuksan ulit ako ng pinto.

"What are you waiting for?" His brows furrowed.

Suminghap ako at padabog na lumabas ng sasakyan.

"Sungit mo namang fiancee." Tumawa siya.

I glared at him. Damn! It's really not a big deal, huh?

Hinawakan niya ang kamay ko at agad ko itong binawi. Nauna akong magmartsa sa damuhang kadalasan ay puno ng taong nag s-stargazing pero ngayon ay parang ghost town.

"Saan tayo kakain?" Pumihit ako at sinimangutan siya.

Naabutan ko siyang nakahalukipkip at ngumingisi.

"Why are you so mad?" Tanong niya.

"Because..." Nanuyo ang lalamunan ko.

Gusto kong magtanong tungkol sa unang monthsary nila ni Trisha. Gusto kong magtanong kung paano niya nisurprise si Trisha. But I don't want to look stupid and insecure. He's marrying me, that's all that matters, right?

Humakbang siya palapit sakin. Nangatog agad ang lutang kong binti. Nag iwas na lang ako ng tingin para hindi na ako masyadong kabahan.

Tumigil siya sa harapan ko at humalukipkip ulit. Unti-unti kong tinignan ang ekspresyon niya. Nakita kong nakangisi parin siya. Para bang tuwang-tuwa siya sa nangyayari saming dalawa.

Kahit kulang siya sa effort... I mean, effort sa pag popropose ay tanggap ko parin siya. Bibigay parin ako. Laging maayos ang lahat tuwing nakatitig ako sa mga mata niya. Ganoon na talaga ang epekto niya saakin noon pa man. Ilang beses niya na akong tinulak pero hanggang salita lang ako. Babalik parin ako sa kanya. Nalulusaw parin ang galit ko.

Hindi naman ako demanding na tao. Okay sakin kahit ano ngunit mula yata noong nasaktan ako ay natuto na rin akong pahalagahan ang sarili ko.

Hinaplos niya ang pisngi ko. Kasabay nito ang pagpikit ko. Kasabay rin nito ay ang pagsabog sa taas. Agad akong napadilat. Bumungad sakin ang nakangisi paring mukha ni Jayden.

Why Do You Hate Me? (To be Published under Majesty Press)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon