Chapter 1

620K 7.4K 704
                                    


Chapter 1

KEI'S P.O.V

Nagmamadali na ako dahil baka maiwan na ako nila Tita. Uuwi kasi kami ngayon sa Laguna. Pagbukas na pagbukas ko ng pinto sa condo ko bumungad kaagad sa harapan ko ang nakakainis na pagmumukha nitong stalker ko!

"What are you doing here?!" inis na tanong ko sa kanya. Pagkatapos nang ginawa niya kagabi, may gana pa siyang magpakita sa akin! Nilagay lang naman niya yung brief niya sa bag ko. Nakakadiri talaga! Sinong matinong lalaki ang gagawa n'on?

"Sasamahan ko lang naman ang kaisa-isang babaeng nagpapatibok ng puso ko!" nakangising aniya na siyang nagpanguso sa akin.
"Tumabi-tabi ka nga r'yan!" angil ko sa kanya.
"Kei, hija, hihintayin ko kayo ni Kyle sa baba," nakangiting ani ni Tita na nagpalaki sa mata ko. Paano niya nakilala si Kyle, samantalang ngayon lang nakapunta rito sa tinitirahan ko si Tita?

"Sinabi ko sa kanilang boyfriend mo ako. Akalain mo yun nagwapuhan sila sa akin!" aniya saka kumindat. Hinila ni Kyle ang dala kong bag pati ang kanang kamay ko. Pilit kong hinihila pabalik ang kamay ko pero sobrang higpit nang pagkakahawak niya sa akin. Wala na akong nagawa kundi magpatianod na lang sa kanya patungo sa elevator.

"Siguro naman hanggang parking lot ka lang?" angil ko saka hinila ko ang aking kamay sa mahigpit na pagkakahawak niya.
Narinig ko namang tumawa siya.

"No. Sasama ako sa'yo hanggang Laguna. Tutal naman ayaw mong dalhin yung brief ko, ako na lang ang dalhin mo," nakatawang sabi niya.

Alam niyo yung nakakainis? Yung ngiti niya! Ang lakas mang-asar, tapos pinaalala na naman niya yung brief niya! Ano ba? Nakakadiri talaga kapag naaalala kong nakalagay sa loob ng bag ko yun. Malay ko ba kung malinis o nasuot na pala niya yun. Kadiri talaga.

Saka ano raw? Sasama siya sa Laguna? Hah! Bahala siya! Tignan ko lang kung matiis niya ang init sa Aplaya! Malapit kasi sa dagat ang bahay ng Lolo ko, kaya mainit dun lalo na kapag tanghali.
Pagdating namin sa parking lot mas lalo akong nainis dahil pinaalis kaagad ni Kyle ang mga kamag-anak ko! Isang van lang dapat ang sasakyan namin eh.
Binuksan niya yung passenger seat ng kotse niya.

"Get in, my one and only Kei," nakangiting sabi niya. Tinignan ko lang siya nang masama. Hinila niya ang kamay ko at pilit akong pinasakay sa kotse niya. In fairness, ang bango ng kotse niya, mas mabango pa yata sa kotse ko. Dun ko lang napansin na may bag sa backseat, mukhang planado talaga niya ang pagsama sa akin.

Umikot naman siya sa harapan upang sumakay sa driver's seat, pero napapitlag ako nang ilapit niya ang kanyang mukha sa akin. Ngumiti siya. Shit. Hahalikan niya ba ako? Lumunok ako. Hindi ako ready, ano ba! Hindi ito ang unang pagkakataon na mahahalikan ako ng isang lalaki! Nagka-first kiss na kaya ako sa naging pangalawang boyfriend ko!
Ayan na, naaamoy ko na yung mabangong hininga niya. Ipinikit ko ang mata ko at ikinapit ko sa aking T-shirt ang mga kamay ko.
Napamulat ako nang marinig kong parang may nag-lock.
"Easy, hindi pa kita hinahalikan namumula ka na. H'wag kang mag-alala darating tayo r'yan, sa ngayon importante muna na safe ka. Para matuloy natin yang gusto mo," nakangising sabi niya matapos akong suotan ng seatbelt na nagpalaki sa mata ko. Mabilis ko siyang itinulak palayo sa akin!
Buong biyahe ay hindi naalis ang ngiti sa kanyang labi, para bang ligayang-ligaya siya sa buhay niya sa tuwing nakikita niyang naaasar niya ako. Hindi ko matandaan ang araw kung kailan ko siya nakilala, basta sa natatandaan ko lagpas na ang dalawang taon mula nang sumulpot siya sa buhay ko at asarin ako nang asarin. Hindi ko rin akalain na classmate ko siya noong kinder kami. Nakaka-amaze lang dahil siya tandang-tanda niya pa yung mga memories niya noong bata siya, samantalang ako hindi ko na maalala ang lahat.

Akin Ka [Published under Sizzle/Summit Media]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon