Chapter 5

374K 5K 189
                                    

Chapter 5


KEI'S P.O.V

Maaga akong pumasok sa trabaho ko kahit nakakaramdam ako ng katamaran. Anong oras na kasi akong nakatulog kagabi. Actually, pagkaalis ni Kyle natulog na kaagad ako, tapos nung mga 2:30 ng madaling araw nagising ako sa sunod-sunod na door bell. Si Kyle lang pala, tuwang-tuwa pa siya dahil nakita niya na naman daw ang gulo-gulo kong buhok galing sa pagtulog. Ang sexy daw tignan. Hindi ko alam kung paano niya nasisikmurang magsalita ng gan'on.

Dinalhan niya ako ng caldereta, luto daw ng Mama niya. Luto ng Mama niya? Maniwala tanga. Rinig na rinig ng dalawang tenga ko kung paano niya pinaalala dun sa Love niya na ipagluto siya ng caldereta. Kapal ng mukha niya para pakainin ako ng luto ng babae niya.

"Good Morning, Kei," bati sa akin ni Tom. Supervisor namin siya rito sa restaurant ng hotel pero sanay akong tawagin siya by name dahil tatlong buwan na siyang nanliligaw sa akin. Kahit ganoon ay palagi kong sinasabi sa kanya na hanggang kaibigan lang talaga ang kaya kong ibigay sa kanya.

"Morning."

"Oh. Dalawang araw kang nag-leave, bakit parang pagod na pagod ka pa rin?" usisa niya sa akin.


Humawak ako sa batok ko at minasa-masahe iyon.

"Inaantok lang ako, hindi kasi ako nakatulog ng maayos," sabi ko. Nakatayo ako rito sa may cashier. Nabigla ako nang hawakan ni Jade ang gilid ng leeg ko. Kahera namin siya.

"Ano yan ha? Kiss mark 'yan Kei ah!" gulat na gulat na mungkahi niya dahilan para mapaatras ako. Naalala ko bigla ang ginawa ni Kyle na paghalik sa leeg ko.

Hinawakan ni Tom ang magkabilang pisngi ko at tinignan ang gilid ng leeg ko. Pilit kong tinatakpan 'yon pero nabigla ako nang sumigaw siya at hinuli niya ang mata ko.


"Stay still!" May pagbabanta sa kanyang boses at napakagat ako sa ibabang labi ko nang mapansin ko ang paglunok niya.

Laking gulat ko nang hilahin niya ang kamay ko at kinaladkad ako papasok sa isang function room. Marahas niya akong pinaupo. Kinakabahan ako kahit hindi naman dapat. Napansin kong nag-dial siya sa phone niya.

"Bryan, ikuha mo ako ng band aid sa clinic. Dalhin mo rito sa function room."

Si Bryan ay isa sa mga employee dito sa Brenz Hotel. Umupo sa harap ko si Tom at hinawakan ang leeg ko kung saan may marka ng halik ni Kyle.

"Sino siya?" Mahinahong tanong niya. Pero imbis na sagutin ko siya tinignan ko lang ang mata niya. Parang nasasaktan siya. Sa huli napagdesisyunan ko na rin na sabihin sa kanya.

"Si—"

Pero bago ko pa matapos ang sasabihin ko, bigla niya akong hinalikan sa labi, dahilan para itulak ko siya palayo at dama kong masama ang pagtitig ko sa kanya.

"I'm sorry, ayoko lang marinig kung sino man 'yang gago na gumawa sayo niyan," bulong niya saka naihilamos ang kanyang palad sa kanyang mukha.

Biglang pumasok si Bryan. Tinanguan niya muna ako bago niya inabot kay Tom ang band aid saka umalis na. Mas lalong lumapit sa akin si Tom at napapitlag ako nang hawakan niyang ulit ang leeg ko saka nilagyan ng band aid ang marka na kagagawan ni Kyle.

"Hindi mo pwedeng ilugay ang buhok mo sa labas, kukwestiyonin tayo ng mga guest. Pero hindi ko naman kayang tignan na may ganyan sa leeg mo," bulong niya at napasinghap ako nang ihaplos niya ang kanyang palad doon sa leeg ko. Muli ko siyang itinulak palayo sa akin. Pakiramdam ko ay nagtataksil ako kay Kyle kahit na alam kong wala naman kaming relasyon.

"Wala ba talagang pag-asa?" malungkot na tanong niya. Hindi ko alam kung bakit hindi ko magustuhan si Tom. Gusto ko siya bilang isang kaibigan dahil napakabuti niyang tao.


"Tom, napag-usapan na natin 'to di ba?" paalala ko sa kanya.

"Dahil ba sa kanya?" nakakunot noong tanong ni Tom. Actually, malaki na ang effort na naibibigay sa akin ni Tom, pero gano'n yata talaga kapag alam mo sa sarili mo kung hanggang saan lang ang kaya mong ibigay.

Magkakilala na sila ni Kyle, pero puro tanguan lang ang ginagawa nilang dalawa sa tuwing magkikita sila. Alam din ni Kyle na nililigawan ako ni Tom at ngayon ko lang naisip na sa tuwing makikita ni Kyle si Tom sa unit ko, pilit niyang ginugulo ang pagdalaw ni Tom sa akin.

Inilahad niya ang kanyang kamay sa harap ko. Kinuha ko naman 'yon at tumayo na ako.

"Can you give me a hug?" hiling niya. Sandali ko muna siyang pinagmasdan bago binigyan ng yakap. Naramdaman kong ipinulupot niya ang kanyang braso sa katawan ko.

"I love you. And I'm willing to wait." Bulong niya kasabay no'n ang mas lalo niyang pinahigpit na yakap sa akin.

*

4pm ang out ko sa trabaho. Hindi ko dinala yung kotse ko dahil coding ako ngayon.

"Kei! Ihahatid na kita! Coding mo ngayon 'di ba?" nakangiting offer ni Tom. Ngumiti rin ako sa kanya.

"You sure? May ginagawa ka pa yata," pinilit kong siglahan ang boses ko sa kanya dahil ayokong maging bastos ang dating nito sa kanya.

"Kailan ba ako hindi naging sure pagdatingsa'yo?" magiliw na sabi niya at napapitlag ako nang alalayan niya ako saaking bewang upang maglakad patungo sa parking lot.

Nagtatawanan pa kaming dalawa ni Tom dahil bigla niya akong kiniliti sa bewangko. Sanay naman akong ginagawa niya 'yon tuwing napapansin niyang medyonagbibigay ako ng malungkot na expression. Pero natigilan ako nang makita ko siKyle na nakatayo sa tapat ng kotse niya at naka-cross arms. Nakakunot ang nooniya at hindi ko mabasa ang mga mata niya na ngayon ay nakatuon sa kamay ni Tomna nakapulupot sa bewang ko.

Nagulat si Tom nang bigla kong tanggalin ang kamay niya sa bewang ko. Ano bangnangyayari sa akin? Bakit pakiramdam ko may kasalanan ako kay Kyle kahit walanaman? Naramdaman kong tinitigan ako ni Tom, pero kaagad din nabaling angtingin niya kay Kyle.


Umalis si Kyle sa pagkakasandal sa kotse niya at lumapit sa amin. Bigla niyanghinila ang bag ko at kasunod n'on ang paghila niya sa kaliwang kamay ko nanadidikitan ng kamay ni Tom.






"Pare, nasasaktan si Kei!" seryosong sambit ni Tom, pero hindi niyainaalis ang tingin kay Kyle.


Nanlaki ang mata ko nang bigla akong hapitin ni Kyle sa bewang at siniil niyaako ng malalim pero sandaling halik. Pagkabitaw na pagkabitaw ng labi niya salabi ko tumingin ulit siya kay Tom at nagsalita.

"Pasensya na pre, kinukuha ko lang ang alam kong sa akin."

Akin Ka [Published under Sizzle/Summit Media]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon