Chapter 50

305K 3.7K 272
                                    

 Chapter 50

KEI'S P.O.V

Hinawakan ko ang kamay niya ng halikan niya ang noo ko... Tapos na kaagad ang dalawang araw, bakit ang bilis? Nandito pa rin kami sa ospital, sa isang araw pa ang labas namin ng mga anak ko.

"Baby...mukhang mas mahirap 'to kesa sa unang alis ko ah?" Nakangiting sabi niya, pero kita ko sa mata niya na malungkot siya... Marahan kong hinila ang kamay niya para mayakap ko siya, nakahiga kasi ako sa kama, bawal pa magkikilos dahil hindi pa hilom yung tahi ko...

"Kyle..." Pinipigilan kong h'wag tumulo ang luha ko, kasi naman mamimiss ko nanaman siya... Naramdaman kong hinaplos niya ang braso ko.

"Eleven more months baby..." Bulong niya sa tenga ko, tumango tango ako...

"Ingat ka Daddy..."

Narinig kong tumawa siya ng mahina...

"I will Mommy...gagawa pa tayo ng kambal di ba?" Bulong niya, alam kong nakatingin saamin ngayon ang mga magulang namin at kaibigan ko, pero hindi na ako mahihiya, bakit pa? Aalis ang asawa ko kaya kailangan maiparamdam ko sakanya kung gaano ko siya kamahal.

"Oo Daddy...kambal ulit." Pag sang ayon ko sakanya, lumayo ulit siya ng kaunti sa akin at napapikit ako ng halikan niya ako sa labi ng sobrang tagal, yung tipong hindi niya ginagalaw yung labi niya... Nakatigil lang yung labi niya sa labi ko at maya maya pa dahan dahan na niyang iginalaw iyon na mabilis ko namang tinugon.

"I love you...mag iingat kayo ng mga anak natin ha?" Bulong niya bago niyakap ulit ako, napansin ko namang mamasa masa yung mata niya, pero kaagad siyang tumalikod sa akin at lumabas na ng kwarto ko. Ang kaninang luhang pinipigilan ko bumagsak na, ngayon ko nararamdaman yung hirap na malayo sakanya. Pero kakayanin ko, para rin naman saaming dalawa ito. Lalong lalo na sakanya, pangarap niya yon at naniniwala akong para sakanya talaga ang bagay na yon. Napatingin ako sa bedside table ng magvibrate ang cellphone ko, kaagad kong kinuha iyon... Isang text mula kay Kyle.

From: Daddy Kyle <3

Sobrang mahal na mahal po kita. Ang hirap magpaalam, pakiramdam ko maghihiwalay tayo kahit hindi naman. Mamimiss nanaman kita, pati yung kambal. Babalik ako baby, at pagbalik ko pinapangako kong hindi na ako aalis ulit. Magulang na rin tayo, may anak na...ang sarap sa pakiramdam Mommy, lalo na at ikaw ang asawa ko. Mahal na mahal kita. Payakap. Pahalik ng matagal......

Para akong timang na nakangiti habang umiiyak, kaagad naman akong inabutan ni Marie ng tissue, nginitian niya ako.

"Don't worry sis...mabilis na lang ang eleven months..." Nakangiting sabi niya sa akin.

"Sana nga bukas tapos na yung eleven months na yon." Natatawang sabi ko.

_____

"Happy Valentines day Mommy!"

"Happy Valentines day Daddy..." Nakangiting bati ko sakanya, magkachat nanaman kami sa skype. Ganito rin kami nung pasko at bagong taon. Nagpadala din siya ng mga gamit para sa kambal, limang buwan na ang anak namin at habang tumatagal mas lalo silang nagiging kamukha ng Daddy nila, grabe lang talaga yung dugo ni Kyle ang lakas! Haha.

"Thank you sa chocolates at flowers baby...pero bakit parang ang dami?" Natatawang sabi ko sakanya, kasi naman halos mapuno ng bulaklak yung labas ng bahay namin, nandito pa rin naman ako nakatira sa Frog House.

"Okay lang yan baby...pinaparating lang ng mga bulaklak na yan na sobrang miss na miss na kita!" Nakangising sabi niya, alas dos na ng madaling araw don, at alas dos naman ng hapon dito... Kita ko sa itsura niya na pagod siya sa trabaho, hindi pa nga siya nakakapag palit ng damit, kauuwi lang niya.

Akin Ka [Published under Sizzle/Summit Media]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon