Chapter 46

314K 3.4K 231
                                    


Chapter 46

KEI'S P.O.V

Hawak hawak ni Kyle ang kamay ko ngayon dahil manganganak na ako. Joke lang. Ultra sound palang, malalaman na namin kung babae o lalaki ba ang kambal namin. Napatingin ako sakanya kasi hindi siya mapakali.

"Huy..." Tawag ko sakanya, kaagad naman siyang tumingin sa akin. Nakahiga na kasi ako ngayon, siya naman nasa gilid ng kama.

"Kinakabahan ako baby..." Halata ngang kinakabahan siya.

"Bakit?!" Sigaw ko sakanya, umiling iling siya. Maya maya lang pumasok na ang Oby ko, nilagyan niya ng liquid na malamig yung tiyan ko at sinimulan na ang ultra sound, pareho kaming nakatingin ni Kyle sa monitor.

"Aba..." Panimula ni Doctora.

"Ano po Doc?" Naeexcite na tanong ko.

"Mukhang matutulala nanaman ang asawa mo Mrs.Cando." Pang aasar ni Doctora! Grabe ang lakas mambitin ni Doc.

"It's a boy!Parehong lalaki ang kambal!!" Masayang balita ni Doc! Nagkatinginan kami ng asawa ko at nanlaki ang mata niya!

"Lalaki?!!" Sigaw niya! Ngumiti si Doctora at tumango tango! Napahagalpak ako ng tawa ng ilapit ni Kyle ang mukha niya sa monitor saka hinimas ito!

"Mr.Cando, ito yung katibayan na lalaki ang kambal mo..." Turo ni Doctora dun sa monitor.

Pagkatapos ng ultra sound ko lumabas kaming dalawa ni Kyle na buhat buhat niya ako! Ayaw niya akong ibaba kahit nagsusumigaw ako!

"Pre!Lalaki ang kambal ko!!" Pagyayabang ni Kyle dun sa lalaking may kasamang asawa rin.

"Ayos yan pre! Congrats!" Bati nito saamin!

"Kyle ibaba mo na ako!" Suway ko sakanya, pero nginitian niya lang ako!

Pagkadating namin sa parking area, dun na niya ako ibinaba... Kaagad akong sumakay sa kotse niya.

"Yes Dad lalaki!" Masayang balita ni Kyle kay Tito Michael sa phone, habang nagmamaneho siya. Nakaloud speaker siya kaya naman naririnig ko rin ang Daddy niya.

[Ayos yan anak! Isa lang ang ibig sabihin niyan may magkakalat pa ng gwapong lahi natin!] Nanlaki ang mata ko at hindi ko na napigilan ang pagtawa ko ng malakas! Maging ang asawa ko napatawa na lang!

"Tito, mukhang tama nga po ang sabi ni Tita Sabrina, sa inyo po nagmana itong si Kyle!" Sabi ko, napalingon siya sa akin at kinindatan ako pero mabilis din niyang ibinalik ang tingin sa pagmamaneho.

[Syemre naman iha. Sa gwapo ba naman niyang anak ko kanino pa ba magmamana? Sa akin lang!— Haaay nako! Si Daddy pinupuri nanamang ang kayabangan ni Kuya!] Narinig ko pa ang boses ni Kesiah sa kabilang linya!

"Hahaha! Pano Dad? Malapit na ho kami diyan."

[O sige na, hinihintay na rin kayo ni Love...] Yun lang at naputol na tawag. Dun kasi kami pinagla-lunch ng Mama ni Kyle.

"Thank you so much baby..." Napalingon ako sakanya ng magsalita nanaman siya.

"Para saan?" Nakangiting tanong ko.

"Sa pagkakalat ng gwapo kong lahi." Pagyayababang niya! Grabe ha? H'wag niyong sabihin na sakanya pa magmamana ang mga anak namin?

Akin Ka [Published under Sizzle/Summit Media]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon