Chapter 34

301K 3.1K 207
                                    

Chapter 34


KEI'S P.O.V


Ngiting ngiti sa akin ang doctora ko dahil sa dami ng tanong ko, maging si Tom natatawa na sa akin. One and a half month na akong buntis, hindi pa rin naman halata ang tiyan ko syempre, pero napapansin ko ang kaunting pagbabago sa katawan ko, medyo tumataba nga din ako ng kaunti dahil ang takaw takaw ko.


"Basta inumin mo palagi yung mga vitamins na ibinigay ko sayo, iwasan mo rin ang pagpupuyat." Suway sa akin ni Doc.

"Hindi naman po ako nagpupuyat..." Pagsisinungaling ko, gabi gabi lang naman akong umiiyak.

"Bawal magsinungaling, kitang kita ang eye bags mo." Natatawang sabi ng Doctora.

"Tom, sabihan mo nga itong kaibigan mo baka sakaling sayo makinig." Bilin niya kay Tom, family friend kasi nila Tom ang Oby ko.

"Matigas ang ulo niyan Doc." Pang aasar niya sa akin, tinignan ko siya ng masama pero kinindatan niya lang ako. Naalala ko si Kyle...

Hinimas ko ang tiyan ko. Baby. Anong gagawin ni Mommy? Namimiss ko na ang Daddy mo lalo na ang pagmumukha niya.

Hindi ko alam sa sarili ko pero isa talaga sa namimiss ko kay Kyle ang guluhin ang mukha niya.




May mga ibinilin pa sa akin ang Oby ko bago kami lumabas ni Tom.

"Gutom ka ba?" Tanong niya sa akin.

"Gusto ko si Kyle..." Bulong ko, nasabunutan ko ang sarili ko dahil sa sinagot ko kay Tom.


"KEI?!Sir Tom?!" Napalingon kami ni Tom ng may sumigaw at lumapad ang ngiti ko ng makita kosi Jade at Jelly! Miss na miss ko na sila!!


"Jade!Jelly!!" Kaagad akong lumapit sakanila para yakapin sila! Napansin kong medyo bundat ang tiyan ni Jelly. Pinanlakihan ko siya ng mata.

"Hay nako Teh! Ang galing lang magtago ng sikreto nitong si Jelly! Dalawang buwan na buntis yan! Limang buwan na pala silang okay ni Paul!" Paghihimutok ni Jade habang pabirong hinahampas ang braso ni Jelly.

Tinignan ko si Jelly, nasa likod niya si Paul... Nakaramdam ako ng inggit, dapat kasama ko siya ngayon.

"Congratulations!" Pilit kong siniglahan ang boses ko.

"Thank you Kei." Nakangiting sabi niya sa akin.

"Ikaw? Anong ginagawa mo dito?!" Tanong ni Jade, napatingin siya kay Tom at nanlaki ang mata niya.

"Oh my ghad! Don't tell me--" Napagasp si Jade at tinakpan ang bibig niya habang pabalik balik ang tingin niya saamin ni Tom!

"Sira hindi!!" Sigaw ko sakanya! Tanong ng tanong si Jade pero umiiling lang ako, hinintay na muna naming matapos ang check up ni Jelly bago kami pumunta sa mall.




"ANO?!!" Magkasabay na sigaw nilang dalawa, nabitawan pa ni Jade ang kutsara at tinidor niya, kumakain kasi kami ngayon sa isang restaurant.

Tumango ako.

"Gaga! Seryoso? May kakambal ka?!" Sigaw pa ulit ni Jade! Tumango na lang ulit ako, ikinuwento ko sakanila ang nangyari sa akin nitong nakaraan, pati na rin ang dahilan ng pagreresign ko.

"Kaya nakipaghiwalay ka sakanya?" Usisa ni Jelly.

"Oo." Mapaklang sagot ko.

Nasapo ni Jade ang noo niya.

"Ang tanga mo teh." Napakunot ang noo ko sa sinabi niya, sumang ayon naman sakanya si Jelly, napatingin ako ng subuan ni Paul si Jelly ng salad, si Kyle nanaman ang naalala ko.

"Hindi lang tanga. Martyr pa." Dagdag ni Tom, tinignan ko siya ng masama! Kaagad siyang nagsorry sa akin, hinampas ko naman siya sa braso niya.

"True! Martyr ka nga... Teh! Maaaring kamukha mo yon pero hindi mo ba naisip? Ikaw ang kasama ni Kyle noon! Ikaw yung minahal niya!" Sigaw ni Jade sa akin.


"Pero sinabi na rin niya noon na kinder palang siya alam na niya kung sinong gusto niyang makasama... At si Marie yon." Sagot ko...




"Hay nako! Tama na yang childhood story na yan ha! Naiirita na ako sayo, bata pa siya nun! Pero tignan mo naman ikaw yung mahal!" Halata sa mukha niya ang pagkainis niya sa akin!




"Hindi mo naiintindihan Jade... Hindi biro kay Kyle yon, para sakanya naniniwala siya na matagal niya akong hinanap, or let me say matagal niyang hinanap si Marie..." Bulong ko, hindi ko na namalayang tumulo yung luha ko, binatuhan naman ako ni Jade ng tissue, kaibigan ko talaga 'tong baliw na 'to!




"Sabagay Jade... Buong akala rin kasi ni Kyle siya yon." Biglang sang ayon ni Jelly sa akin.




"Masakit lang kasi na malaman na akala ko ako talaga... Yun pala hindi." Pumiyok na ako sa huling sinabi ko, naramdaman ko ang paghaplos ni Tom sa likod ko, pinapatigil niya akong umiyak. Ewan ko ba simula ng magbuntis ako napaka iyakin ko na, saka isa pa ang hina hina ko.





Huminga ng malalim si Jade bago nagsalita ulit.




"Anong sabi ng kakambal mo?" Medyo mahinahon na siya. Umiling ako.




"Wala... Gusto niya si Kyle." Nahihirapang sagot ko.




"Jusko naman. Gusto agad?!" Bumalik ang pagkairita sa boses ni Jade.




"Teh naman... Hindi naman kasi mahirap mahalin si Kyle! Kita mo nga ako nabuntis niya kaagad dahil pumayag ako!" Humihikbing sigaw ko, napansin kong natawa si Jade sa akin, maging si Paul.




"Oo nga! Sakanya mo sinuko ang bataan mo eh, ang swerte mo lang sharp shooter pa ang loko ayan ka ngayon buntis." Natatawang sabi niya sa akin.




Nagtawanan kami, pero yung luha ko patuloy sa pagtulo.




"Tama na..." Bulong sa akin ni Tom.




"Pero Kei, dapat sabihin mo pa rin ang totoo... Pati yung kakambal mo kausapin mo." Suhestiyon ni Jelly.




"Sinasabihan ko siya, hindi yan makikinig sa inyo. Saka isa pa kabaliktaran ni Kei yung Marie." Sermon ni Tom.




"Panong kabaliktaran?" Pagtataka nilang dalawa.




Biglang may dumaan na babae na sobrang arte maglakad at magsalita.




"Ow my ghawdd! Hinalikan niya ako!!" Hiyaw nito habang hinahampas yung kasama niya.




Ngumuso si Tom para ituro yung babae.




"Ganon?" Nakataas ang isang kilay ni Jade.




"Wala akong pake... I'm sure mahahalata din ni Papa Kyle yon." Paninigurado ni Jade, umiling si Tom.




"Artista yon Jade." Natatawang sabi ni Tom.




"Wala pa rin akong pakialam! Basta hindi ako papayag na hindi ka lalaban! Nasaan na yung dating Kei?! Yung palaban? Ghad! Ganyan ba nagagawa ng pagmamahal?! Naduduwag? hindi ba dapat mas tumapang ka?!" Sermon sa akin ni Jade!




"Simula ng maging buntis ayon, masyadong bumait." Dagdag ni Tom, hinampas ko siya, kanina pa rin kasi siya nakikisang ayon kay Jade!




"Sir.Tom, este Tom! May balak ka bang panagutan 'tong si Kei?" Biglang pagbabago ni Jade ng usapan, nagkatinginan kaming dalawa ni Tom pero kaagad din siyang nag iwas ng tingin sa akin.




"Basta ba sabihin niya lang, bukas na bukas pakakasalan ko na siya." Seryosong sagot ni Tom, nanlaki ang mata ko, narinig ko naman ang pagtili ni Jelly, si Paul naman nakangiti lang, masyadong tahimik.




Pero si Jade, ang sama ng tingin sakanya.




"Damn you!Isa ka pang martyr! Panay ang sabi mo ng martyr si Kei tapos ikaw rin pala!!" Sigaw ni Jade! Nagtawanan kaming lahat!




"Kaya nga bagay kami." Biglang sabi ni Tom, hinampas ko na lang siya dahil nakakailang na.




Pagkatapos naming kumain lumabas na kami ng restaurant, naisipan muna naming maglakad lakad.




"Jelly! Kailangan nating gumawa ng plano!!" Biglang sigaw ni Jade, pinagtitinginan na nga kami dito sa mall dahil sa ingay ni Jade.




"Ano yun?!" Excited na tanong ni Jelly sakanya.




"Kill her twin sister operation!" Sigaw ni Jade habang ngiting ngiti na nakatingin sa akin! Nanlaki ang mata ko!




Hinablot ko ang bag niya para hampasin ko siya!




"May sakit sa puso si Marie!" Sigaw ko sakanya, natigilan si Jade pero tumawa ng malakas.




"Baka ikaw ang may sakit sa puso!" Pang aasar niya sa akin, napailing na lang ako.




"Seryoso ako Jade...may sakit sa puso ang kakambal ko." Kinakabahang sabi ko, iba kasing mag isip yang si Jade eh! Dati nga nakipagsabunutan pa yan sa mall nung natapunan siya ng shake.




"So?" Nakataas ang isang kilay ni Jade.



"Pwede niyang ikamatay yon." Sabi ko.



"Uh-ow. Hindi ko siya papatayin sa sakit niya sa puso. Papatayin ko siya sa inis, may number ka ba niya?" Pero hindi pa ako nakakapagsalita hinila na niya ang bag ko at kinuha ang cellphone.




"Huy! Anong gagawin mo?!" Sigaw ko sakanya!




"Ah! H'wag na pala! Si Papa Kyle na lang ang tatawagan ko!" Sigaw ni Jade.



"Jade please..." Nakikiusap na ako ngayon. Tumigil kami paglalakad, lumapit sa akin si Jade at tinignan ako sa mata.




"Teh... Hindi ako mangingialam. Kakaibiganin ko lang naman yung kakambal mo." Seryosong sabi niya.




"Kakaibiganin o kakaawayin?" Naaasar na sabi ko.



"Oy grabe ka naman ang sama mo naman! Friendly ako h'wag kang mag alala!" Sigaw nito sa akin.



Mga hapon na rin ako naihatid ni Tom sa apartment ko.




"Iiyak ka nanaman ba pagkaalis ko?" Seryosong tanong sa akin ni Tom, tumungo lang ako.




Narinig kong huminga siya ng malalim, umupo siya sa tabi ko.




"Kung ganyan ka ng ganyan kakausapin ko na yung gago na yon." Naiinis na sabi niya. Tinignan ko siya at umiling ako.




"Tsk. Hanggang kailan ba yan Kei?! Hindi lang ikaw yung nahihirapan, ako rin nahihirapan akong makitang ganyan ka..."




"Alam mo naman kung bakit..."




"Dahil may sakit sa puso yung kapatid mo? Tss, Kei sa ginagawa mo ikaw ang magkakasakit sa puso... Alalahanin mo, buntis ka. At isipin mo rin anak rin ni Kyle yang bata." Nakita ko ang lungkot sa mukha niya ng sabihin niya ang tungkol sa ipinagbubuntis ko.




Siguro nga, may sakit na ako sa puso. Sobrang sakit kasi palagi.




"Bibigyan kita ng tatlong araw para mag isip Kei, kapag wala pa rin, hindi na kita pakikinggan sa mga gusto mo."



•••



KYLE'S P.O.V



"Ganito?" Natatarantang tanong ng model ko! Darn! Kanina pa kami dito sa studio wala pa akong nakukuhang matinong picture!




"Nakakaintindi ka ba ng tagalog?! Sabi ko itaas mo yang kamay mo!" Sigaw ko, nak ng putcha naman kanina pa!




"Kyle, kalma... Ako ng bahala..." Bulong ni Felix at kinuha sa akin yung camera ko.




Mariin kong ipinikit ang mata ko.



"Sige na, magpahinga ka na lang muna sa office mo."



Tinalikuran ko na sila at padabog kong isinara ang pinto ng office ko. Ibinagsak ko ang katawan ko sa mahabang couch dito at ipinikit ko ang mata ko. Kahit anong gawin ko nandito pa rin yung sakit. Lahat ng trabaho ko nitong nakaraang araw basura lahat ang kinakalabasan, tangina dapat hindi ko na lang hiniling na makita siya kung ganito naman kasakit.




Kasama ko palagi yung kamukha niya pero mas lalo akong nasasaktan dahil alam kong hinahayaan kong lokohin niya ako ng ganito. Para akong gago na sinusundan siya nung nakaraang araw, hatid sundo siya sa trabaho nung lintik na lalaki na ipinalit niya sa akin.




Kung dati pakiramdam ko sasabog na ako sa sobrang pagmamahal ko sakanya, ngayon naman sasabog na ako sa sobrang sakit na nararamdaman ko.




Galit ako sakanya, oo. Pero nak ng putcha mas galit ako sa sarili ko, dahil hanggang ngayon baliw na baliw pa rin ako sakanya sa kabila ng sakit na 'to!




Sinungaling siya. Bakit niya sinabing perfect boyfriend ako kung ipagpapalit niya rin pala ako.




Iminulat ko yung mata ko ng maramdaman kong may nagpunas ng luha ko.




"Love?"




Umupo ako at pilit kong iniiwasan ang mata ni Mama.




"Hinahanap kita dun sa studio 5 kasi sabi mo nandun ka, si Felix ang nandun. May problema ka ba?" Pag aalala niya, ngumiti ako at umiling. Niyakap ko na lang si Mama, langya ngayon lang medyo gumaan ang pakiramdam ko. Para akong bata psh.




"Ano bang sabi ko sayo anak? H'wag magsisinungaling hindi ba? Kaya ako nagpunta dito dahil ilang araw na ako tinetext ni Felix na hindi ka okay..." Bulong ni Mama, naramdaman kong tinapik niya ang likod ko habang yakap yakap ko siya.




Langyang tomboy yon napaka sumbungera.




"Si Kei ba?" Bullsht, pangalan palang niya yung narinig ko pero parang ang daming tumutusok na karayom sa katawan ko.




Hindi ko na namalayan na tahimik akong umiiyak sa balikat ni Mama, tangina bumalik ba ako sa pagkabata?!




"Shhh...Hindi ba sinabi ko naman sayo noon, masakit talaga." Suway niya sa akin.




"May nagawa ka ba?" Tanong niya... Mas lalo kong hinigpitan ang yakap ko sakanya... Ganito yata talaga kapag sobrang sakit wala na akong pakialam kung pagkatapos nito pagtawanan o asarin ako ni Love...




"Ma wala... Si-siguro may kulang sa akin kaya ayaw na niya..." Nahihirapang bulong ko.



"No anak... Para sa akin perfect ka." Pag aalo niya, tanginang perfect yan... Naalala ko nanaman yung mga kasinungalingan niya.




"Pero para sakanya Ma hindi... Para sakanya kulang pa... Lahat ng ginagawa ko hindi sapat, kasi...kasi kung sapat lahat ng yon, nandito pa rin siya, hindi niya ako iiwanan... Sobrang sakit Ma..."



Akin Ka [Published under Sizzle/Summit Media]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon