Chapter 23

304K 3.6K 363
                                    

Chapter 23


KEI'S P.O.V

Ang kaninang luha na pinipigilan kong tumulo, bumagsak na. Nagtago ako sa gilid ng elevator nang makita kong natataranta siya sa pagtakbo habang buhat niya ang kapatid ko.


Naninikip yung dibdib ko. Hindi ko na nga alam kung paano ako nakakahinga ng maayos gayong alam kong sobrang layo na niya sa akin. Sila naman talaga, 'di ba? Ekstra lang ako. Pagkatapos ng mga nalaman ko, alam kong wala akong karapatan para sa kanya. Dahil unang-una, hindi naman siya sa akin. Hindi ako ang babaeng matagal niya nang mahal— minahal niya lang ako dahil sa mukha ko.

Dahil kamukha ko ang totoong Kei.


Ayoko na sanang maalala yung nangyari, pero kusang nagpapaulit ulit sa isipan ko...

*

Pagkadating ko sa tapat ng gate namin, mabilis akong bumaba ng tricycle. Hindi ko dinala ang sasakyan ko dahil coding ito ngayon.

Narinig kong parang may nag-uusap sa loob kaya naman nagmadali akong pumasok sa loob.

Nadatnan ko sila Mama na may kausap na dalawang babae. Nakatalikod ang dalawang ito sa akin.

"Nakita ko na siya, hindi ko napigilan ang sarili ko na yakapin siya, Kristina." Napakunot ang noo ko dahil pamilyar ang boses na iyon, hindi ko lang maalala kung saan ko narinig.

Narinig ko lang ang paghikbi ni Mama.

"Sigurado akong masasaktan si Kei kapag nalaman niya ang totoo." Pag-aalala ni Mama.

"Ma?" Napatayo silang lahat ng marinig ang boses ko. Pero ang dalawang babae na nakatalikod sa akin nanatiling nakaupo.

Parang biglang bumigat ang dalawang paa ko, para bang may pumipigil sa akin na h'wag lumapit sa kanila, pero yung sistema ko hinihila ako palapit sa kanila.

Mabibigat na hakbang ang ginawa ko upang makalapit kela Mama. Niyakap ko sila ni Papa pati si Lolo. Napansin ko ang pag-iwas nila ng tingin sa akin.

"Ma? Bakit ka umiiyak?" Kinakabahang tanong ko. Pero imbis na sagutin niya ako ay niyakap niya ako. Kinakabahan ako dahil kahit kailan hindi ko nakitang umiyak ng ganito si Mama.

"Kei, hija." Narinig ko na naman ang pamilyar na boses na iyon, at kahit ayokong humarap sa kanila, pinilit ko ang sarili ko.

Hindi ko alam pero napakunot ang noo ko nang makita ko kung sino ang nasa harapan ko ngayon. Siya ang babaeng yumakap sa akin sa resto at nagbigay ng isang mamahalin na damit. Nakangiti siya sa akin kahit na patuloy na tumutulo ang luha sa mga mata niya.

Napatingin ako sa katabi niya, at halos manigas ako sa kinatatayuan ko nang makita ko ang sarili ko sa kanya. Para akong humarap sa salamin. Iisa ang hugis ng mukha naming dalawa, maging ang tindig at pangangatawan niya parehong pareho ng sa akin—ang kulay ng balat, ang buhok, maging ang maliliit na parte ng mukha niya ay katulad na katulad ng sa akin.

Umiling-iling ako at hindi ko namalayan na tumulo ang luha ko. Nanginginig ang kamay ko at namamawis ang mga ito. Naramdaman ko na lang na inalalayan ako ni Papa dahil bigla akong natumba sa pagkakatayo ko.

"A-anong ibig sabihin nito? Ma?! Pa?!" Pilit kong pinapatapang ang boses ko pero bigo ako, narinig ko ang sarili kong paghikbi.

"Kei, anak..." Narinig ko na naman ang boses ng babaeng nasa harapan ko.

Inalis ko ang pagkakahawak sa akin ni Papa at pinilit kong tumayo ng maayos.

"Anak?" Nanginginig ang boses ko sa pagsasalita.

Hindi na ako bata para hindi maintindihan kung anong ibig niyang sabihin. Umiling ako.

"Hindi mo ako anak. Hindi totoo 'to, nagbibiro lang kayo, 'di ba?? Ma!" Halos sigawan ko na sila pero walang sumasagot sa akin. Napatingin na naman ako sa babaeng kamukhang kamukha ko. Titig na titig siya sa akin na para bang sinusuri niya rin ang pagkakapareho naming dalawa.

Ang duwag ko! Iniwanan ko silang lahat sa baba. Narinig ko ang pagsigaw nilang lahat sa akin, pero hindi ko sila pinakinggan.

Sunod-sunod na pagkatok ang narinig ko sa pintuan ng kwarto ko.

"Kei anak! Ang Mama ito, buksan mo ang pinto mag-usap tayo!" Pakiusap ni Mama. Binuksan ko ang pintuan ko. Sobrang hilam na hilam na ang mata ko dahil sa luha, at mas lalong nag unahang tumulo ang luha ko ng yakapin ako ni Mama.

"Ma, hindi totoo yun, 'di ba? Sino ba sila?" Para akong bata na nagsusumbong sa kanya.

Humiwalay sa pagkakayakap ko si Mama. Inalalayan niya akong maupo sa kama ko. Hinawakan ni Mama ang mukha ko at kahit umiiyak siya, pinilit niyang ngumiti.

"Anak... alam mo naman na mahal na mahal kita, hindi ba? At kahit kailan hindi ko pinaramdam sa'yo na iba ka..." Lalo akong kinabahan sa sinabi ni Mama, e di totoo nga ang kutob ko? Hindi nga sila ang magulang ko? Yung luha ko parang ayaw na maubos! Yung dibdib ko naninikip dahil sa mga nalalaman ko ngayon.

"Mama naman... H'wag mo namang gawing teleserye ang buhay ko... Paskong-pasko naman, Ma..." Para akong baliw na umiiyak habang pinipilit na tumawa.

"So-sorry, anak..."

Hindi pwede. Niyakap ko si Mama at umiyak ako nang umiyak. Para sa akin perpekto ang pamilya ko dahil buo kami. Kahit wala kaming masyadong magagarang gamit, alam kong masaya kaming lahat. Alam kong buo kami.

Nakahiga na ako ngayon sa hita ni Mama habang hinihimas niya ang buhok ko. Yung luha ko patuloy parin sa pagtulo. Sa bawat paghaplos niya sa buhok ko, pakiramdam ko ligtas ako, walang makakasakit sa akin.

"Yung babaeng nasa baba anak, pinsan ko siya, at siya ang tunay mong ina... Siya ang unang asawa ng Papa mo."

Akin Ka [Published under Sizzle/Summit Media]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon