Special Update #1

315K 3.6K 192
                                    





Special Update Chapter 1

KEI'S P.O.V

Pagkatapos ng dalawang taon ano na nga bang nangyari? Marami, sobrang daming nangyari. Apat na taon na si Marcus at Ethan nagpaplano na kami ni Kyle na ipasok na sila sa school next year. Habang lumalaki sila mas lalo nilang nagiging kamukha ang Daddy nila. Si Troy at Monique naman magdadalawang taon na, si Monique masasabi kong ako talaga ang kamukha, habang si Troy halo kami ni Kyle.

Masyado na rin naging busy ang asawa ko sa studio niya na mas lalong dumami ang mga models, pati mga contract on TV. At napapadalas din ang pagseselos ko dahil sa mga model at artista na dumidikit sakanya.

Kagaya na lang ngayon, pagkapasok na pagkapasok ko palang sa office niya nandun nanaman si Georgina, model din siya. At kahit ang lakas makalalaki ng pangalan niya, masasabi kong maganda siya at may balingkinitang katawan.

"Baby!" Gulat na gulat na bati sa akin ni Kyle, tinaasan ko siya ng kilay na naging dahilan para ngumisi nanaman siya ng mapang asar.

"Ohh... Hi Kei..." Bati sa akin ni Georgina, ngumiti ako ng pilit sakanya pero kaagad ko ring ibinaling ang tingin kay Kyle.

"Hinihintay ka na ng mga anak mo. Naiinip na sila." Mariin na paalala ko sakanya, nangako kasi siya sa mga bata na mamamasyal kami ngayon.

"Anak mo rin baby. Anak natin!" Pagtatama niya sa akin habang nakangiti, lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa labi. Hah! Manigas ka diyang Georgina ka.

"Nasaan na ba sila?"

"Hihintayin ka namin sa baba..." Sabi ko sakanya saka lumabas na ako ng office niya.

Lahat ng tauhan ni Kyle kasundo ko naman eh, maliban lang talaga sa mga model niyang kung makadikit sakanya akala mo eh nilagyan ng glue.

"Mommy!" Sigaw ni Marcus.

"Where's Daddy?!" Nakakunot noong tanong ni Ethan at ang kilay niya magkadikit nanaman, kaagad kong pinaghiwalay ang kilay niya.

"Bababa na si Daddy..." Nakangiting sabi ko, bumili si Kyle ng Van na para saamin lang, para kapag mamamasyal kami hindi kami siksikan dun sa kotse niya.

Ang likot likot ni Marcus habang si Ethan naman seryosong naglalaro sa iPad niya. Si Troy naman karga karga ng Yaya niya, habang si Monique katabi kong nagngangatngat ng laruan niya. Haay, nakakaloka lang talaga na apat na makukulit ang inaalagaan ko, idagdag mo pa si Kyle bali lima. Pero sobrang gaan naman sa pakiramdam kapag naglalambing sila.

Maya maya lang dumating na rin siya.

"Ready na ba ang mga anak NAMIN?!" Sigaw niya pagkabukas na pagkabukas niya ng pinto ng Van.

"You are 20 minutes and 16 seconds late man!" Pilyong sabi ni Marcus na kahit medyo bulol pa eh halata mo namang ma-awtoridad ang boses! And yes, tama ang dinig niyo, tinawag niyang 'Man' si Kyle, madalas kasi ganun silang mag usap na mag aama.

"Hahaha! Sorry man! May inasikaso lang si Daddy..."

"With your models?" Halos magkasabay na sabi ni Marcus at Ethan na kulang na lang eh umabot sa tenga nila ang bibig nila sa sobrang pag-ngiti.

Napatawa na lang si Kyle, umupo na siya sa tabi ko. May driver na kami, mas gusto kasi ni Kyle na kapag namamasyal kami makakulitan na rin niya yung mga bata kapag nasa biyahe. Pero minsan naman siya din yung nagdadrive.

Bigla siyang humalik sa pisngi ko, pero hindi ko siya pinansin akala niya siguro nakalimutan ko na yung Georgina na nakatambay nanaman sa opisina niya.

Akin Ka [Published under Sizzle/Summit Media]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon