Finale

337K 4.2K 366
                                    

Finale

_______________

KEI'S P.O.V


Abala kami nila Mama Sabrina sa pag aayos ng mga pagkain dahil ngayon na ang dating ni Kyle. Halo halong emosyon ang nararamdaman ko dahil sa wakas, makikita at mayayakap ko na ulit ang asawa ko.



Dito sa roof top ng studio ni Kyle ang venue namin, o sabihin nanating sa tapat ng Frog House.


"Sis...ano ba kasing surprise mo kay Kyle?" Pangungulit sa akin ni Marie, kanina pa niya itinatanong sa akin yan. May surprise kasi ako kay Kyle.


"Sweetheart. Hindi na surprise yon kapag sinabi sayo." Napatingin naman ako ng magsalita si Drake sa tabi niya, ang sweet lang... Sweetheart daw?


"Drake pwede ba." Naiiritang sabi ni Marie, pero napansin kong namumula ang pisngi niya. Napailing na lang ako, palagi talagang magkasama yang dalawa na yan. Pero panay ang deny na hindi daw sila magboyfriend.



"Ahhh!Baaa!Daaadaaa!!" Napalingon ako ng marinig ko ang sigaw ng dalawang anak ko, karga karga ni Tom si Marcus habang si Ethan naman na kay Daddy Michael.


Kaagad akong lumapit sakanila at isa isa kong pinunasan ang laway na tumutulo sa bibig nila dahil sa paglalaro ng kamay nila. Ang gwapo gwapo ng mga anak ko, mag iisang taon na sila next month.


"Maingay na talaga itong dalawang apo ko. Mukhang pilyo rin 'to kapag nagsalita na." Natatawang sabi ni Daddy Michael.


"Sobra nga pong ingay Dad, nagpapaligsahan pa sila pag iingay." Nakangiting sabi ko.


"Maganda na rin na maging bibo sila." Dagdag ni Tom, habang nilalaro ang mga paa ni Marcus.


"Baaa! Ahhh!Daaa!!" Napatawa nanaman ako sa pag iingay nila.


"Ate! Heto na yung usb! Nanjan na rin yung karaoke nung kantang pinahanap mo sa akin!" Nakangiting ibinigay sa akin ni Misha ang usb, kaagad ko namang kinuha sakanya yon.


"Kakanta ka?" Hindi makapaniwalang tanong ni Tom sa akin.


"Bakit ba?!"


"Hahaha! Wala naman, talaga namang nag eeffort sa asawa ah..." Pang aasar sa akin ni Tom.


Ngitian ko na lang siya... Lumapit ako sa mga anak ko at isa isang hinalikan sa pisngi. May yaya naman ang anak ko na katulong ko sa pag aalaga pero gusto nila Daddy Michael na sila muna ang mag asikaso sa kambal habang abala rin ako sa paghahanda para sa asawa ko.


Pumasok na ako sa kwarto at nalgpalit na ng damit, napangiti ako dahil bumalik na sa dati ang katawan ko. At nag init ang pisngi ko ng mag echo nanaman sa isip ko ang pang aasar sa akin ni Kyle na gagawa ulit kami ng kambal, napakapilyo talaga ng asawa ko.


Inilugay ko lang ang buhok ko at nag apply ng kaunting make up. Nagpabango na rin ako.


Tinignan ko ang wall clock sa sala at halos magwala sa pagtibok ang puso ko ng makita kong alas siyete na ng gabi. Nakababa na siya ng eroplano, hindi nanamin siya susunduin dahil sabi niya mas gusto niyang sasalubungin namin siya dito na mismo sa bahay, nung una nga ayoko pang pumayag, pero dahil mapilit ang asawa ko pinasundo na lang namin siya sa driver nila Mama Sabrina...


Lumabas na ulit ako ng bahay at lahat sila napatingin sa akin.



"Wow..." Bulalas ni Drake, napangiti na lang ako. Napansin ko lang na siya yung tipo ng lalaki na mabilis maka-appreciate sa lahat ng bagay.

Akin Ka [Published under Sizzle/Summit Media]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon