Chapter 44

327K 3.5K 227
                                    

Chapter 44



KEI'S P.O.V


Parang may kung anong gumagapang sa hita ko...



"Uhmm..." Umiba ako ng higa pero mas lalo akong nakiliti ng lumipat sa leeg ko ang gumagapang na yon.


Dahan dahan kong iminulat ang mata ko at napangiti ako ng makita kong hinahalikan niya ang leeg ko...


"Good morning Mrs. Cando..." Halos lumundag ang puso ko ng tawagin niya ako sa ganung paraan.


Iniyakap ko sakanya ang kaliwang binti ko at nagsumiksik ako sa dibdib niya...


"Inaantok pa ako Kyle..." Nakapikit na bulong ko, naramdaman ko ang pag gapang ng kamay niya sa likod ko, suot suot ko ngayon ang white long sleeves niya, pagkatapos kasi nung nangyari saamin kagabi ito ang isinuot niya sa akin, ang sarap lang sa pakiramdam.


"Aalis tayo baby..." Bulong niya habang dahan dahan hinahaplos ang likod ko, umagang umaga naman 'tong si Kyle...



"Gusto ko pa matulog..."


"Alright baby..." Pag sang ayon niya.


Napangiti ako, inaantok pa kasi talaga ako... Pero nagulat ako ng halikan niya ang labi ko, nanatili akong nakapikit habang tinutugon ang halik niya, napangiti ako ng marinig kong hinila niya yung blanket para matakpan ang ulo naming dalawa.



"Hmmm..." Ungol niya at mas lalong bumilis ang paghaplos niya sa likod ko, napasinghap ako ng lumipat iyon sa dibdib ko... Dahan dahan niyang pinaghiwalay ang labi namin, iminulat ko naman ang mata ko at nakita kong titig na titig siya sa akin.


"Why?" Nakangiting tanong ko.


"Wala... Mas lalo kang gumaganda kapag suot suot mo ang damit ko..." Nakangiting sagot niya sa akin.


Niyakap ko na lang ulit siya! Ang sarap niya kasing yakapin ng ganito kahigpit! Tapos yung abs niya bumabalandra pa sa akin, ang swerte ko naman talaga!


"Baby...maliligo na ako..." Natatawang bulong niya.


"Ayoko... Tulog pa tayo."


"Baby kapag ganitong nasa kama tayo baka hindi kita patulugin." Pagbabanta niya, kaagad akong lumayo sakanya at tumalikod! Nakapikit pa rin ang mata ko, pumasok nanaman ang kamay niya sa loob ng suot ko at maingat na hinahaplos ang tiyan ko.


"Good morning mga anak... Aalis kami ngayon ni Mommy, kaya sana h'wag niyo naman hayaang antukin siya..." Biro ni Kyle, naramdaman kong humalik siya sa batok ko at doon bumulong.


"Maliligo na ako baby...dapat pag labas ko gising ka na, kung ayaw mong ako mismo ang gumising sayo..." Natatawang pagbabanta niya!


Naramdaman ko namang tumayo na siya sa kama at pumasok na sa cr! Kainis talaga! Inaantok pa kasi ako, anong oras na kaming natulog kagabi, hindi lang dalawang beses yung nangyari saamin, tatlo pa! Sinusulit niya lang daw yung honeymoon naming dalawa dahil alam niyang paglumaki pa lalo ang tiyan ko mamimiss nanaman daw niya ako, napaka talaga niyang si Kyle... Pero at least habang ginagawa namin yon pinaparamdam niya sa akin na nag iingat siya, hindi ko nga mabilang kung ilang beses niya hinalikan ang tiyan ko para iparamdam sa kambal namin kung gaano siya kasaya na mag kakaanak na kaming dalawa.



Nakaupo na ako sa paanan ng kama ng lumabas siya sa cr... Kaagad siyang lumapit sa akin, umupo siya sa harap ko, may nakapatong pa ngang towel sa ulo niya eh, pero nakatop less siya.



"Inaantok ka pa rin?" Nakangiting tanong niya... Tumango tango ako.


"Matulog ka na lang sa biyahe mamaya baby..." Suhestiyon niya...

Akin Ka [Published under Sizzle/Summit Media]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon