Chapter 2

461K 6.1K 500
                                    

Chapter 2

KYLE P.O.V

Nakakatuwa yung reaction niya nang halikan ko siya sa pisngi. Maski ako pakiramdam ko nag-iinit yung mukha ko. Ganito pala ang pakiramdam kapag ang nahalikan mo yung talagang gusto mo, hindi yung hinalikan mo lang siya para lang sa ibang bagay. Pisngi pa lang 'yon pero pakiramdam ko naka-jackpot na kaagad ako!

Tinitignan ko siya ngayon habang kinakain yung bignay na kinuha ko sa puno. Kinagat pa nga ako ng mga langgam sa puno. Tsk, naranasan niyo na bang ma-rape ng langgam? Takte ako kasi oo, pinapak nila ako! Swerte nila ah!

Maganda rito sa probinsya nila Kei, kasing ganda niya. Maganda kasi fresh yung hangin tapos madaming mga nangingisda d'on sa dagat. Ang isa pang kinaganda rito, kasama ko si Kei, kasama ko ang pamilya niya at mas lalo ko siyang nakikilala.

Lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi niya. Para namang hindi siya mapakali nung tinabihan ko siya.

"Ang putla na ng lips mo," puna ko. Paano ba naman, ang dami na niyang nakakain na bignay. Tinikman ko kanina yun, maasim pala.

"Ano naman?" iritadong sagot niya sa akin. Ang cute niyang mainis.

"Ano naman?" ulit ko sa sinabi niya. Napangiti na naman ako nang makita kong nanlilisik yung mata niya. Kaya gustong-gusto ko siyang inaasar eh.

"Ginagaya mo na naman ba ako?"

"Ginagaya mo na naman ba ako?"

"I hate you!"

"I love you!" nakangising sabi ko. Napansin kong namula na naman ang mukha niya. Takte ang cute niya. Pakiramdam ko kahit anong oras mahahalikan ko na naman yung namimilog niyang pisngi dahil sobrang pula. Ang lambot pa naman ng pisngi niya, sarap halik-halikan!

"Hijo! Nakahanda na yung CR. Maligo ka na at pawis na pawis ka na," nakangiting sabi ng Mama ni Kei.

"Sige po, Ma! Salamat po!"

*

KEI P.O.V

"Sige po, Ma! Salamat po!"

Nanlaki ang mata ko. Ano raw? Ma?! Kailan pa siya naging anak ng Mama ko?

"Maliligo muna ako. Gusto mong sumabay?" nakangiting tanong niya sa akin. For Pete's sake! Bakit pati pagligo niya gusto niya akong isama?

"Pwede ba maligo ka na lang! Ang baho mo na!" sigaw ko sa kanya, pero tinawanan niya lang ako. Ang totoo niyan, hindi naman talaga siya mabaho eh, para ngang pati pawis niya ang bango-bango. Naalala ko na naman tuloy yung pawis niyang tumutulo sa abs niya. Grabe, hindi ko maiwasang hindi mapanganga.

Tumawa lang siya at umalis na.

Bigla na namang pumasok sa isip ko yung nangyari kanina. Oo, masasabi kong dalawang taon na niya akong inaasar dahil ako raw yung matagal na niyang hinahanap. Nakakairita lang dahil bakit kailangan niyang gayahin ang bawat sasabihin ko. Saka, bakit bigla na lang siyang naging ganyan? Yung parang nagising na lang siya bigla at naging bolero na sa akin. Saka isa pa, hindi ko matandaan kung paano kami naging magkaklase nung kinder pa lang kami, samantalang hindi naman ako nag-kinder sa Manila.

Sabay-sabay kaming kumain ng hapunan. Nandito na kami ngayon sa sala.

"Eh kung sa kwarto na lang ni Kei patulugin si Kyle? Doon may aircon. Hindi siya maiinitan," suhestiyon ni Mama. Nanlaki ang mata ko. Seriously?! Patutulugin nila 'tong damuho na 'to sa kwarto ko?

Akin Ka [Published under Sizzle/Summit Media]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon