Chapter 6

380K 4.6K 251
                                    

Chapter 6

KEI'S P.O.V

Napatakip ako ng bibig nang suntukin ni Tom si Kyle sa mismong harapan ko. Narinig ko namang ngumisi si Kyle at pinunasan ang dugo sa bibig niya. Lumapit muna sa akin si Kyle at pinahawakan ang bag ko sa akin sabay inilayo ako sa kanilang dalawa.

"Saglit lang, tuturuan ko lang ng leksyon 'tong gago na 'to," matigas na sabi ni Kyle. Hinila ko ang braso niya para pigilan siya pero marahas niyang tinabig ang kamay ko at inambangan ng suntok si Tom.

Naulit pa at nagpalitan silang dalawa ng suntok hanggang sa puro dugo na yung mukha nila.

"SHIT! TAMA NA!" inis na sigaw ko na nagpatigil sa kanilang dalawa. Hindi ko gusto na may nag-aaway nang dahil sa akin.

"Sinasabi ko na nga ba, isa kang sagabal sa buhay namin ni Kei," hingal na sambit ni Tom na nagpangisi kay Kyle.

"Sa ating dalawa, ikaw ang sagabal," pagbawi ni Kyle. "Wala ka pa man din sa buhay namin, alam ko na sa akin na siya."

Magsasalita na sana si Tom pero pumagitna na ako sa kanilang dalawa.

"Pwede ba? Tumigil na kayo! Hindi ako natutuwa sa ginagawa niyo. Tom, alam naman nating dalawa umpisa pa lang na walang patutunguhan ang panliligaw mo sa akin. I like you, pero bilang isang kaibigan lang," sambit ko na nagpabagsak sa balikat ni Tom. Narinig ko ang pasimpleng tawa ni Kyle kaya naman humarap ako sa kanya.

Tinitigan ko ang gwapo niyang mukha kahit na may dugo iyon ay napakakisig pa rin niya. Huminga ako nang malalim bago muling nagsalita.

"At ikaw naman, Kyle, tigilan mo na ang kaka-angkin mo sa akin. Maging ang paghalik-halik mo sa akin na walang pahintulot ko ay itigil mo na. Walang sino man ang nagmamay-ari sa akin! Hindi ako isang bagay na kahit anong oras pu-pwede mong angkinin! Kaya huwag na huwag ka nang lalapit sa akin," bulyaw ko na nagpa-angat sa labi niya.

"Kei..." Malambing na tawag niya sa akin. Inilingan ko siya at napahawak ako sa sintido ko dahil medyo nahihilo na ako sa mga nangyayari.

"Ihahatid na kita," offer ni Tom.

Umiling ako. "Simula ngayon, walang maghahatid sa akin. Kaya ko ang sarili ko," pagtatapos ko at naglakad na patungo sa parking ng mga taxi.

Kinabukasan hindi ako pumasok sa trabaho. Panay ang tawag sa akin ni Tom pero hindi ko sinasagot 'yon. Nagkulong lang ako sa kwarto ko at nanood ng TV. Natigilan ako nang magtext si Tom. Tutal naman text lang 'yon kinuha ko ang cellphone at binasa 'yon.

*

[Pumasok ka kapag okay ka na, h'wag ka lang magresign.]

*

Wala naman akong balak mag-resign. Saan ako kukuha ng panggastos kapag nag-resign ako? Ang hirap kaya maghanap ng trabaho, saka isa pa, ayoko nang umasa kela Mama. Nakakahiya. Mag-24 years old na ako. Sinabi ko lang kay Tom na magre-resign ako para naman matakot siya. Alam ko kasing hindi siya papayag na mag-resign ako.

Tumayo na ako at tiniklop ang kumot. Pumunta na ako sa kitchen para sana magluto pero pagkabukas ko ng ref wala akong stocks.

"Kung sinuswerte ka nga naman," bulong ko sa sarili. Biglang nahagip ng mata ko yung caldereta na dinala ni Kyle kahapon ng madaling araw. Itinalpak ko yung pinto ng ref saka umupo sa may lamesa. Tinignan ko ang cellphone ko. Ni isang text mula sa kanya wala. Bakit ba ako naghihintay ng text niya? Samantalang nilinaw ko sa kanya na huwag niya akong basta basta angkinin.

Tumayo na ako. Kesa isipin ko pa siya ay naisipan ko na lang na mag-grocery. Ngunit pagkalabas ko ng unit ay siyang labas din ni Kyle. Sandali pa kaming nagkatinginan pero mabilis akong nag-iwas ng tingin sa kanya. Dinig ko ang paghakbang niya patungo sa elevator at hindi ko maiwasan ang paghinga ng malalim dahil naaamoy ko ang mabango niyang katawan.

Akin Ka [Published under Sizzle/Summit Media]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon