Chapter 14

376K 4.4K 278
                                    

Chapter 14

KYLE'S P.O.V

"Mahal kita, Kyle."

Parang may nagwawala sa loob ng dibdib ko. Damn, alam kong matagal nang may nagwawala sa loob nito simula nang makita ko siya, pero ngayong sinasabi niyang mahal niya ako gusto nang lumabas ng puso ko! Hindi ako makahinga ng maayos. Iniisip ko kung totoo bang nangyayari ito o isa lang magandang panaginip?

Nakatitig lang siya sa mata ko, at umiiyak pa rin siya. Ano 'to? Tears of joy ba 'to? Kasi hindi ko kayang makitang umiiyak siya, doble ang sakit para sa akin.

"Woohoo! Kei hindi namin alam na ganyan ka kakeso!" sigaw ng isang kasamahan niyang lalaki.

"Huy, sumagot ka naman," humihikbing bulong niya. Kinuha ko yung mic sa kanya tapos tinapat ko sa bibig ko 'yon. Hinawakan ko yung kanang kamay niya at hinalikan iyon. Isa sa pinakagusto ko sa kanya yung kamay niya, ang liit kasi ng kamay niya. Kayang-kayang ikulong iyon ng kamay ko at alam kong hindi ko siya basta basta mabibitawan.

Kinantahan ko siya.

"Sampung mga daliri nawala ang lima, hinanap ko, hinanap ko, hawak ko pala."

Natatawa siya dahil sa kakornihan ko. Ewan ko, pero sa kanya lang talaga lumabas ang lahat ng kakornihan sa katawan ko.

"Kailangan ko pa bang sumagot Kei? Alam mo naman na siguro ang sagot ko. MAHAL. NA. MAHAL. KITA," I said, emphasizing those four words.

Nagsigawan na naman yung mga kasamahan niya, pinakamalakas ang sigaw sa kanila si Jade. Napapikit ako nang sa unang pagkakataon, si Kei ang unang yumakap sa akin.

"I love you, Kyle." Bakit 'pag sinasabi niya ang mga salitang 'yon, naiestatwa ako? Hindi ako makapaniwala.

"Say it again..." hiling ko sa kanya.

"I love you, Kyle!!" sigaw niya sa tenga ko. Daig ko pa ang nanalo sa lotto dahil sa sobrang kasiyahan!


*

KEI'S P.O.V

Hawak pa rin ni Kyle ang kamay ko. Nag-iinuman sila. Ayaw akong painumin ni Kyle, kaya tinitignan ko lang siya nakikipagkwentuhan siya sa ibang kasamahan ko. Pero hindi niya kinakausap si Tom. Napapangiti na lang ako.

Siya na ulit yung tatagay. Tinitigan ko siya. Medyo namumula na yung mukha niya. Napatingin ako sa Adam's apple niya nang inumin na niya yung nasa baso, at napalunok din ako nang makita ko kung paano gumalaw yung Adam's apple niya. Naramdaman niya yatang nakatingin ako sa kanya kaya pagkatapos niyang uminom tumingin siya sa akin.

"Ang gwapo ko ba?" Napatawa ako nang malakas sa tanong niya. Ang lakas talaga ng apog nitong si Kyle.

"Kapal mo ha," natatawang sabi ko. Binitawan niya ang kamay ko at napapitlag ako nang pumulupot yon sa bewang ko. Nagtayuan ang balahibo ko nang bumulong siya sa tenga ko.

"Tinitignan ka ni Tom," bulong niya. Napatingin ako kay Tom na agad din nag-iwas ng tingin sa akin.

"Nagseselos ka naman kay Tom," panunuya ko.

"No. Bakit ako magseselos, kung alam ko namang akin ka?" Sobrang saya ko sa tuwing sinasabi niya 'yon. Lord, thank you sa blessing na 'to. Thank you sa pagbigay sa akin ng isang Kyle Briones Cando.

Mga ala una na rin natapos yung inuman. Pinapatigil ko na nga si Kyle kanina pero nakakahiya naman daw sa mga kasamahan ko kung basta lang kami umalis. Bagsak na rin yung iba dun sa inuman dahil naubos na nila lahat ng alak.

Nandito na kami sa kwarto naming. Nakahiga na siya sa kama at nakapikit.

"Baby..." tawag niya.

"Ewan ko sa'yo, lasenggo ka." Hindi naman siya yung lasing na lasing may tama lang, pero mukhang alam pa niya yung sinasabi at ginagawa niya.

"Sorry na, matulog na tayo." Baliko na ang pananalita niya.

Nanatili akong nakahalukipkip habang pinagmamasdan ko siya sa kama. Iminulat niya ang kanyang mata saka dahan-dahang tumayo upang lumapit sa akin. Napalunok ako nang ikulong ng kanyang palad ang magkabilang pisngi ko. Halos hindi ko makayanan ang malalim na pagtitig sa akin ni Kyle kahit pa namumungay iyon dahil sa kalasingan.

Akin Ka [Published under Sizzle/Summit Media]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon