Chapter 31

309K 3.2K 355
                                    

Chapter 31

KEI'S P.O.V

Nagpaalam na ako sa parents at kapatid ni Kyle dahil nauna na silang umalis, hinihintay ko na lang siya dito sa may exit ng function area, kausap niya pa si Felix. Hindi ko pa rin makalimutan ang ginawa ni Kyle kanina, sa akin talaga siya nakangiti. Ako ang nginingitian niya sa picture na yon at hindi si Marie.

Napatingin ako sa kanila at napansin ko ang pagkabalisa ni Kyle, hinawakan ni Felix ang balikat niya na para bang pinapagaan nito ang loob niya.

Maya maya lang lumabas na rin silang dalawa, pero hindi katulad kanina na seryoso ang itsura, pareho na silang nakangiti.


"Let's go?" Nakangiting aya niya.

"Bye Felix..." Paalam ko, hinalikan ako ni Felix sa pisngi at marahan niyang pinisil ang kamay ko, nginitian ko naman siya.

Pinagbuksan na ako ni Kyle ng kotse niya, tahimik lang kami hanggang makarating kami ng tower ng condo namin.

Sinusulyapan niya ako pero sa tuwing mahuhuli ko siya bigla niya akong ngingitian. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Ngayon ko na lang ulit naramdaman na magwala ng ganito ang puso ko.

Magkahawak na ngayon ang kamay naming dalawa sa loob ng elevator, namiss ko 'to. Namiss ko yung sabay kami umuuwi. Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak niya sa kamay ko, pero ang nagpalasing sa akin ay ng gumapang ang kamay niya sa bewang ko.


"Kyle nasa elevator tayo." Bulong ko sa kanya, hindi niya pinansin ang sinabi ko, napapikit ako nang tumaas ang kamay niya sa dibdib ko. Hinawakan ko ang kamay niya at tinignan ko siya, umiling ako sa kanya. Pero imbis na sagutin niya ako.

Napapitlag ako nang bigla niya akong halikan sa labi! Sobrang bilis ng paghalik niya pero kaagad kong tinugon iyon, naramdaman ko ang mainit niyang kamay na humaplos sa kaliwang hita ko, isinandal niya ako sa elevator at pilit niyang ibinuka ang bibig ko para ipasok ang dila niya, nanghihina ang tuhod ko at pakiramdam ko babagsak na ako, pero kaagad niyang hinawakan ang magkabilang braso ko para suportahan ako, natigilan din kami ng tumunog ang elevator dahil nasa 8th floor na pala kami, hinila na niya ang kamay ko palabas ng elevator, napakunot ang noo ko sa ikinikilos niya pero hindi ko na lang pinagbigyang pansin iyon.




"Unit ko baby..." Malambing na sabi niya, hila hila niya pa rin ang kamay ko, pagkapasok namin sa unit niya kaagad niyang hinubad ang suit niya, naka-white long sleeve polo na lang siya at pants. Umupo muna ako sa couch niya.

Dumiretso siya sa kitchen at nakita ko ang sunod sunod na paglagok niya ng malamig na tubig. Nakita ko pa ang paghinga niya ng malalim na para bang hirap na hirap siyang hugutin ang paghinga niya.

Nakangiti siyang umupo sa tabi ko, niyakap ko naman siya, namiss ko talaga siya. Hindi ko na mabilang sa isip ko kung ilan beses ko sinabi na miss na miss ko na siya. Naramdaman kong yumakap din siya sa akin at hinahaplos niya ang ibabaw ng balikat ko.

"Mahal na mahal kita, alam mo naman siguro yon." Nabigla ako nang magsalita siya, tumingala ako para matignan ang mukha niya.

Seryoso ang mukha niya, pero kaagad din siyang ngumiti sa akin. Humilig na lang ulit ako sa dibdib niya, nagwawala ang loob ng dibdib niya. Naramdaman kong humugot siya ng malalim na hininga.

"Alam ko..." Bulong ko...

"Mahal na mahal din kita..." Patuloy ko. Mas lalong may nagwala sa loob ng dibdib niya, katulad noon, parang gusto na nitong lumabas mula sa loob.

"Mahal mo nga ako..." Ma-awtoridad na bulong niya na may halong pagbabanta, tinignan ko siya pero bago pa ako makasagot inangkin na niya ang labi ko.


Mariin at mapusok ang ibinibigay niyang halik sa akin, at sobrang init din ng labi niya, pero kasabay non ang kaunting pag iingat. Ipinikit ko ang mata ko at tinugon ko yon, narinig ko ang malalim niyang paghinga sa pagitan ng labi naming dalawa.




Nanghihina ako sa ginagawa niyang paghalik sa akin kaya naman kumapit ako sa braso niya. Napapadausdos na ako sa couch pero pilit niya akong iniuupo at mas pinapalalim niya ang paghalik niya sa akin, hindi ko na namalayan na binuhat niya ako at iniyakap niya ang dalawang binti ko sa bewang niya, halos mahibang naman ako sa maya't mayang paghaplos niya sa hita ko! Pinutol niya ang halik namin at napansin ko ang pagdako ng mata niya sa dibdib ko, napalunok ako pero napatingala ako nang maramdaman kong sinimulan niyang halikan ang ibabaw ng kaliwang dibdib ko.

Akin Ka [Published under Sizzle/Summit Media]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon