Special Update #2

273K 3.5K 266
                                    





Special Update Chapter 2

"Mommy! I'm up here!" Sigaw ni Marcus Liam! Kanina ko pa kasi siya hinahanap dahil hindi pa niya tapos ang assignment niya, kinder na sila ngayon ni Ethan Luke, five years old na ang dalawa.

Umakyat ako sa kwarto nila ni Luke at nakita ko siyang nagpapalit ng damit, hindi niya malaman kung paano niya isusuot yung tshirt na napili niya. Nakabrief lang siya ngayon kaya napatawa ako.

"Aish..." Hay nako, ke bata bata pa nitong anak ko kung mag aasta akala mo binata. Madaming natutuwa sakanila dahil hindi bulol magsalita ang kambal kahit na ang bata bata pa, kung kausapin kasi sila ni Kyle akala mo matatanda na, lalong lalo na si Marcus.

Ang sabi naman ni Mama Sabrina, ganyang ganyan daw si Kyle nung bata pa, pero si Ethan Luke daw mukhang nagmana sa Tito ni Kyle na si Shane, dahil palagi lang tahimik.

"Hey," Tawag ko sakanya!

"Ah! No! Close your eyes Mom!" Sigaw niya sa akin!

"At bakit?" Tanong ko sa pasaway kong anak, "Mom, can't you see? Nagbibihis ako." Gusto kong matawa sa anak ko, lumapit ako sakanya at saka binuhat ko siya saka iniupo sa kama.

"Itong anak ko, feeling binata." Nakangiting sabi ko, kinuha ko ang tshirt niya at binihisan ko siya kasabay ng short.

Tumalon siya mula sa kama at sinilip sa salamin ang itsura niya.

"Spell gwapo Mom..." Ang liit liit ng boses niya.

"Gwapo? Hmm, g-w-a-p-o." Ngiting ngiting sabi ko!

"Haha! Gwapo na lang hindi mo pa alam ang spelling Mommy?!" Napatinging ako sa may pintuan, dumating na pala ang asawa ko, lumapit siya sa akin at sandali akong hinalikan sa labi.

"Remember Mommy, ang spelling ng gwapo ay... K-Y-L-E!" Sigaw niya!

Tinignan ko siya ng masama, napakayabang pa rin talaga nitong asawa ko!

"Hahaha! Mali ka rin Daddy, dahil M-A-R-C-U-S! Ang tamang spelling ng gwapo!" Sigaw ni Marcus, napahagalpak ang tawa ko! Maging si Kyle natawa sa kalokohan ng anak niya,

"O? Ano ka ngayon?" Pang aalaska ko. Magsasalita sana si Kyle pero biglang may sumigaw sa may pintuan.

"Ingay!!" Isang maliit na boses din, at kunot na kunot ang noo! "Hey man!" Sigaw ni Marcus sa kapatid at inakbayan ito, umupo sa tabi ko si Kyle at ipinulupot niya ang braso niya sa bewang ko. Humilig ako sa balikat niya at nakangiting pinanood ang dalawang anak namin... Naramdman kong hinalikan ng asawa ko ang buhok ko.

Bumaba na ulit ang dalawang kambal para sabay gumawa ng assignment, naituro ko nanaman sakanila kung paano ang gagawin sa assignment nila. Nakakatuwa lang dahil ang bilis nilang matuto.

"Kumusta ang araw ng misis ko?" Biglang bulong ni Kyle sa akin, yumakap ako sa bewang niya at tumingala ako para matitigan ko ang gwapo niyang mukha.

"Masaya. Sinundo ko sa school sila Luke, malaki na talaga sila Dad...si Marcus manang mana sayo." Sabi ko sakanya.

"Mukha ngang gustong higitan ang kagwapuhan ko." Aniya, kinurot ko naman ang tagiliran niya!

"Mommy! Daddy!" Napatingin kaming pareho sa pintuan ng makita namin si Princess at Prince, tatlong taon na sila, at silang dalawa ang nagkakalat sa bahay namin. Mabuti nga at medyo nabawasan ang kalat simula ng lumaki sila Luke, dahil napagsasabihan na sila, pero sila Princess, haaay, matutulog na nga lang kami ni Kyle mahihigaan pa namin yung mga laruan nila sa kama.

May mga katulong pa rin naman ako pag aalaga sakanila, pero syempre gusto ko rin na masanay sila na ako ang kasama nila. Binuhat ni Kyle ang nag iisang Prinsesa niya...

Akin Ka [Published under Sizzle/Summit Media]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon