Annoying Pete

9.7K 244 4
                                    

EVER since the first day of class ay nagkaroon na ng negatibong impresyon si Yumi kay Pete. Hindi lang dahil sa ginawa nitong pagtawa sa kanyang pangalan kundi dahil nayayabangan din talaga siya dito. Palagi na lang itong parang walang pakialam sa mundo. Ni hindi ito gumagawa ng homeworks nila at natutulog pa sa klase.

"Mr. Asuncion!" malakas na tawag ng kanilang math professor.

Nilingon ni Yumi ang kinauupuan ni Pete sa bandang likod ng classroom. Nakita niyang kinakalabit ito ng kaklase nilang si Ricky. Mukhang nakatulog nanaman ito.

"Mr. Asunsion," muling tawag ng kanilang prof.

"Present, Ma'am!" tila naalimpungatang sagot ni Pete sa malakas na boses. Itinaas pa nito ang isang kamay nito. Nagsitawanan naman ang kanilang mga kaklase. Medyo natatawa na din si Yumi pero pinigilan niya ang sarili lalo na nang ngumiti pa si Pete na may bahid ng kapilyuhan.

"Mr. Asuncion, kanina pa ako tapos magcheck ng attendance," nakasimangot na sagot ng kanilang prof.

Sa halip na mapahiya ay tila nagpapa-cute pang nagkamot sa batok si Pete saka ngumiti ng matamis. Napailing na lang si Yumi habang pinapaikot ang mga mata. Sometimes she didn't know if she should be amazed at how Pete could easily charm his way from any situation.

"Ganoon ba, Ma'am? Pasensiya na po kayo, medyo na-carried-away ako sa pagbeauty rest," nakangising sagot nito na lalo namang ikinatawa ng buong klase.

Napabuntong-hininga si Yumi. Ilang beses na ba niyang nawitness ang ganitong sitwasyon? Sigurado siyang any moment now ay makakalimutan na ng kanilang prof na pinapagalitan nito si Pete kani-kanina lang.

"Ikaw talaga, Mr. Asuncion, puro ka biro."

Sinasabi ko na nga ba, eh!

Akala ni Yumi ay doon na matatapos ang scene na iyon pero nagulat siya nang muling magsalita ang kanilang prof.

"Pumunta ka na sa board at sagutan ang example."

Napataas ang kilay niya nang makita ang example na isinulat ng kanilang prof sa board. Iyon ang pinakamahaba sa lahat ng examples sa kanilang algebra textbook. Mukhang mahirap sagutan iyon.

Muling tumingin si Yumi kay Pete na pangiti-ngiti lang habang naglalakad papunta sa harap. Ang mga kaibigan nitong nakaupo din sa bandang likod ay kanya-kanya ng cheer para dito. Natahimik lang ang lahat nang magsimula itong magsulat sa board. Kahit siya ay curious kung makakasagot ba ito.

Makalipas ang ilang sandali ay halos puno na ng solution ang kalahati ng board. Nang matapos si Pete ay binilugan pa nito ang final answer saka nakangiting humarap sa kanila at nagbow.

"Teka lang, Mr. Asuncion, 'wag ka munang bumalik sa upuan mo. Let's check your answer first," anang kanilang prof bago tiningnan ang solution ni Pete. Ilang beses din nitong ikinumpara iyon sa answer key na hawak nito. Maya-maya ay nakangiting bumaling ito kay Pete. "I'm impressed. Your answer is correct."

Nakangiting sumaludo si Pete dito saka eksaheradong nagbow ulit sa harap ng klase. Nagsipalakpakan naman ang kanyang mga kaklase maliban kay Yumi. Nagtataka siya kung paano nito nalaman kung paano sagutan ang algebra problem na iyon samantalang palagi na lang itong tulog kapag algebra na.

Binasa niyang muli ang solution ni Pete sa board. Baka kasi nagkamali lang ang kanilang prof sa pagche-check. Hindi tuloy niya napansin na sa tabi niya dumaan si Pete.

"Smile, pretty girl," bulong nito saka hinaplos ang kanyang baba.

Yumi was completely caught off guard. Ni hindi siya nakakilos o nakapagsalita. Para ngang natigil din ang pagdaloy ng hangin sa kanyang sistema. She just sat there, samantalang si Pete ay kumindat pa bago tuluyang nilampasan ang kanyang kinauupuan. Lalo tuloy siyang nainis dito.

My Bright Star (COMPLETE) - Published under PHRWhere stories live. Discover now