WTH, Pete!

7.3K 200 5
                                    

PAGKATAPOS kumain ay tahimik na inihatid siya ni Pete sa kuwarto nito. Habang kumakain kanina ay napansin ni Yumi na parang may kakaiba dito ngayong gabi. He wasn't acting like his normal self. Napakatahimik nito at ni hindi man lang ngumingiti.

"Magpahinga ka na. Maaga tayong aalis bukas pabalik sa Manila."

"Tayo?"

"Oo, ako na ang maghahatid sa'yo."

Napangiti si Yumi sa narinig. "Okay, ano'ng oras tayo aalis?"

"Okay lang ba sa'yo ang four am?"

Tumango-tango si Yumi. "Thank you, Pete." She reached out to touch his arm but he already moved away. Napakunot ang kanyang noo.

"You're welcome," tanging sagot nito.

"Pete," tawag niya dito bago pa ito tuluyang makalabas ng kuwarto. "Okay ka lang ba?"

"Oo naman, bakit?"

"Parang ang tamlay mo. May sakit ka ba?" hindi na hinintay ni Yumi na sumagot si Pete. Agad na lumapit siya dito at sinipat ang noo nito.

"I'm okay, Yumi. You need to rest."

Napakunot naman ang noo ni Yumi sa isinagot nito. "You called me Yumi."

"Ha?"

"You didn't call me babe or Star," tila nag-aakusang sagot niya.

"Hindi mo gusto kapag tinatawag kita ng babe o Star diba?"

"Pete—"

"You really need to rest. Goodnight, Yumi." Iyon lang at iniwan na siya nito. Parang gustong sumigaw ni Yumi sa frustration. What the hell was that all about?

HINIHINTAY ni Yumi si Pete habang kinukuha nito ang kotse sa garahe nang biglang may lumapit sa kanya.

"Good morning, Miss Yumi."

"Justin? Bakit nandito ka? I mean, ang aga mo naman yata."

"Ganito talaga kapag may boss kang malakas ang topak."

"Si Pete ba ang tinutukoy mo?"

"Wala ng iba pa," natatawang wika nito. "May importante daw siyang ibibilin sa akin na hindi pwedeng sa telepono na lang sabihin."

"Are you Pete's assistant or something?"

"Or something." Sa halip na madiscourage sa sagot ni Justin ay tinignan lang ito ni Yumi na tila ba hinihintay niyang magpatuloy ito. Hindi naman siya nabigo. "Technically, yes, I'm his assistant. Pero mostly, I'm the acting vice president whenever he's not around. I'm his stand-in guy."

"Okay lang 'yun sa'yo?"

"Of course, it's my job."

"Justin, pwedeng magtanong?"

"Kanina ka pa nagtatanong eh. Sure, fire away." He grinned.

"Ano'ng mangyayari kapag umalis uli si Pete dito sa Aurora?"

Sandaling natahimik si Justin. Tila pinag-iisipan nito ang sagot sa kanyang tanong. "Parang mali yata ang tanong mo. Hindi mo dapat tinatanong kung aalis ba siya dito. Ang tamang tanong ay kung kailan siya aalis."

"Ano'ng ibig mong sabihin?"

"Aalis at aalis 'yan, Yumi. That's a given fact. The only question is when."

"Paano mo nasabi 'yan?"

"Dahil wala ka dito." Justin answered matter-of-factly. Hindi na siya nabigyan pa ng pagkakataong sumagot o kahit magreact man lang bago ito muling nagsalita. "Nandiyan na si Pete." Pagkasabi niyon ay bumaling agad ito sa papalapit na si Pete. "Pare, ano ba 'yung kailangan nating pag-usapan bago kayo umalis?"

Hindi na napansin ni Yumi nang bahagyang lumayo ang mga ito upang mag-usap sandali. She felt lightheaded. Basta ang alam niya ay masarap sa pandinig ang mga sinabi ni Justin.

DAHIL maaga silang nakaalis sa Aurora ay naging mabilis ang biyahe nina Pete at Yumi pabalik sa Maynila. Ni hindi na nga nagkaroon pa ng pagkakataon si Yumi na makipagkwentuhan kay Pete dahil pinatulog lang siya nito sa biyahe. Nang magising siya ay nasa tapat na sila ng bahay nila.

"Pete, pasok ka muna sa bahay."

"I can't, babe. May mga aasikasuhin pa ako."

Napangiti si Yumi pagkarinig sa pagtawag nito sa kanya ng babe. Baka nga tinotopak lang ito kagabi tulad ng sabi ni Justin.

"Ano'ng mga aasikasuhin mo?"

"Since nandito na din naman ako, I might as well visit the office and check on the projects I left."

"Ahh, sige. Will I see you later?" Yumi looked at Pete with hopeful eyes.

"Maybe."

"Tawagan mo na lang ako ha?"

"We'll see," ani Pete saka tumalikod.

Hindi na nagugustuhan ni Yumi ang mga sagot ni Pete. Kailan pa ito natutong sumagot sa kanya ng maybe at we'll see? He never answered her that way. Palagi itong sigurado kung sumagot. And he never failed to do what he says.

"Teka, aalis ka na?"

"Ahm, yeah."

"You're not gonna say goodbye?"

Napansin niyang natigilan si Pete saka umiwas ng tingin sa kanya. Maya-maya ay lumapit ito at hinawakan siya sa magkabilang balikat. "In case I don't see you again... later." Tumigil pa ito ng matagal bago idinugtong ang later. "Goodbye, babe. You'll always be my bright star." Then he kissed her lightly on the lips.

Pagdilat ni Yumi ng kanyang mga mata ay wala na si Pete sa harap niya. He was already getting back in the car. Then he sped away.

Nanatiling nakatayo si Yumi at nakamasid sa papalayong kotse ni Pete. Pakiramdam kasi niya ay parang may masamang mangyayari ngayong araw na ito. Kanina pa iyon nagsimula bago sila umalis sa Aurora. And she was feeling frustrated already because she can't shake that feeling away.

HAPON na nang makatanggap ng tawag si Yumi mula kay Candy. Pinapapunta siya nito sa office dahil may emergency daw. Ayaw naman nitong sabihin kung tungkol saan ang emergency. Basta ang sabi lang nito ay gusto daw siyang makausap ng big boss nila na si Architect de Guzman. Pagkabanggit sa pangalan ng kanilang boss ay dali-daling nagbihis si Yumi upang magpunta sa office.

Si Candy ang agad na pinuntahan ni Yumi pagkadating niya sa opisina.

"Candy, ano ba 'yung emergency na sinasabi mo? Bakit kailangan pa akong kausapin ni Sir?"

"Ha? Ano, kasi..." tila hindi malaman ni Candy kung ano ang isasagot sa kanya. Napansin niyang naglakbay ang paningin nito sa likod niya.

Nang sundan niya ng tingin ang tinitingnan nito ay agad na napako ang kanyang mata sa workstation na katabi ng sa kanya. Iyon ang workstation ni Pete. Bakit ang linis-linis naman yata niyon?

"Yumi, nagresign si Pete."

"Ano?"

My Bright Star (COMPLETE) - Published under PHRWhere stories live. Discover now