The Partnership

10K 247 0
                                    

THE day was turning out to be Yumi's worst day ever. It started from the algebra class to the design clas, where it slowly went from bad to worse. Kasi naman ay nabunot niyang kapartner si Pete sa kanilang project.

"Bakit ganyan ang itsura mo?" narinig niyang tanong ng kaklase at kaibigang si Dessa habang palabas sila ng Beato Angelico Building sa UST kung saan naroroon ang College of Architecture.

"Kapartner ko kasi 'yung mayabang na higanteng 'yun," inginuso niya si Pete na namataan niyang nakikipagkulitan sa mga kaibigan nito doon sa mga benches sa tapat ng building.

Nagpapadyak siya na parang bata. "Kasi naman eh, sa dinami-dami ng kaklase natin ay siya pa ang nabunot ko."

Natawa lang si Dessa sa inasal niya. "Bakit ba ayaw mong kapartner si Pete?"

"Ang tamad kasi niya. Baka mamaya mababa pa ang makuha naming grade. Major subject pa naman natin ang design."

"Ah, 'yun ba ang inaalala mo? Walang problema. Siguradong madaming gustong makipagpalit sa'yo."

Napaisip siya sa sinabi nito. "Oo nga 'no?" Mabilis na hinila niya pabalik sa loob ng building si Dessa. Pupunta sila sa faculty room upang kausapin ang prof nila kung pwedeng makipagpalit na lang siya ng partner sa iba niyang kaklase.

"UNFAIR naman yata 'yun, Ma'am," pangangatwiran ni Pete sa kanilang professor. Nasa klase sila ngayon at kasalukuyang pinag-uusapan ang tungkol sa project nila sa subject na design.

"Paanong naging unfair 'yun? Tinatanong ko lang naman kung pwede ba akong makipagpalit ng partner," mataray na sabat ng kaklase niyang si Yumi. The half American-half Pinoy beauty with a very interesting name.

"Para saan pa at nagkaroon ng bunutan kung pwede din naman palang makipagpalit ng partner? Wouldn't it defeat the purpose of drawing lots?" naghahamon ang tinging sagot niya.

Tila naman natahimik ito sa kanyang sinabi.

"You're right, Mr. Asuncion," pagsang-ayon ng kanilang prof. "So Ms. Carson, hindi ka na pwede pang makipagpalit ng partner. Sige na, pag-usapan na ninyo ang gagawin niyo para sa project. I'm giving you the rest of the time to plan."

Pete let out a triumphant smile. Bigla lang iyong naputol nang mapatingin siya kay Yumi. Mukhang pinagsakluban ito ng langit at lupa. Nawala tuloy ang ngiti sa kanyang mga labi. Bakit ba pakiramdam niya ay ayaw na ayaw nito sa kanya? Hindi naman niya sinasadya ang ginawa niyang pagtawa dito noong unang araw ng klase. Natawa lang talaga siya noon kasi nalinlang siya nito.

Noong unang araw pa man na iyon ay napansin na niya ito. She was a looker, all right. Kahit pa siguro sa isang mataong lugar ay madali niya itong makikita. Napakaputi kasi ng makinis na balat nito. It was a contrast to her long black hair. And her eyes were like a shining piece of jewelry. Then she spoke with that perfect American accent. Her voice was soft and a little husky. Tapos bigla itong nagtagalog. Doon na siya natawa. Napeke talaga siya. Lalo na nang sabihin nito ang buo nitong pangalan. Inakala talaga niyang hindi ito marunong magtagalog.

Mukhang walang balak na lumapit sa kanya si Yumi kaya siya na ang lumapit sa kinauupuan nito. Medyo nag-alangan pa siyang tawagin ito sa pangalan nito. They don't really talk to each other. 'Yun mga iilang beses na nakausap niya ito ay palagi lang niya itong tinatawag na pretty girl. The reason was very obvious. Yumi is a very pretty girl. "Mayumi."

"Pwede ba, the least you could do is call me Yumi," namumula sa inis na sabi nito.

"Sorry, Yumi," nahihiyang nginitian niya ito. Alam niyang maraming babae ang gustong-gusto ang ngiti niya. Maybe he should try his charms on her.

"Wipe that grin off your face. I don't want to see it."

Okay, that was weird. Iyon ang unang pagkakataon na may nagsabi sa kanyang ayaw nito sa kanyang ngiti.

"Bago ang lahat, I want us to lay down some rules. Okay ba 'yun sa'yo?" may pagkabossy na sabi uli nito.

Nagkibit lang siya ng balikat. "Okay, you're the boss."

Habang nagsasalita ito ay hindi niya mapigilang panoorin ang pagkibot ng mga labi nito. She was cute when she's talking like that. Parang nakikipag-usap ito sa isang bata. Kung alam lang nito na mas matanda siya dito ng ilang taon. Speaking of age, he was actually older than his classmates for about three to four years.

Pete was the perfect example of the phrase 'rebel without a cause.' He was a rebel all right, pero wala naman talagang mabigat na dahilan. Nagmula kasi siya sa isang mayamang pamilya sa maliit na bayan ng Aurora. His family practically owned everything in that small town. Kung hindi sila ang may-ari, sila ang major donator. He hated it.

Mahal niya ang kanyang pamilya at ang kanilang bayan pero hindi talaga niya gusto ang trato ng mga tao sa kanila na para bang may royal blood sila. Ang gusto niya ay tratuhin siya ng mga ito na tulad ng isang ordinaryong tao. The final straw was when he was given a special award aside from being on the top five of his class when he graduated from elementary. Alam niyang may pagkatamad siya. Wala siyang hilig sa pag-aaral kaya naman nagulat siya nang malamang mayroon siyang award na makukuha. Inisip niyang binibigyan lang siguro siya ng award dahil isa siyang Asuncion.

Doon siya nagsimulang magrebelde. Nang tumuntong siya sa high school ay talagang halos hindi na siya pumapasok sa eskwelahan. Lalo lang siyang nainis nang hindi man lang siya pinapagalitan ng kanyang teacher. Dahil doon ay nagpalipat siya ng eskwelahan sa kalapit na bayan. But his family was also well-known there. Maraming beses pa siyang nagpalipat-lipat. Kapag napansin niyang pinapaboran nanaman siya ng school o ng teacher niya ay agad na hihilingin niyang lumipat. Walang nagawa ang kanyang mga magulang. He was too spoiled.

Kaya tuloy inabot siya ng walong taon sa high school dahil sa ginawa niyang pagpapalipat-lipat. Finally, he was now in college. Sa totoo lang ay hindi niya alam kung paanong nakapasok siya sa UST sa kursong architecture. Isa ito sa mga tinitingalang unibersidad sa Pilipinas. Hindi niya alam kung nakialam ang kanyang mga magulang. Hindi naman siya bobo. Mataas ang nakuha niya sa entrance exam. Pero siguradong nakakabad shot ang kanyang track record noong high school.

"Pete!" kasunod niyon ay isang malakas na hampas sa balikat. "Ano ba? Hindi ka naman nakikinig eh."

"Ha?" hinimas-himas niya ang balikat na hinampas ni Yumi. Ang bigat pala ng kamay nito. He must remember that for next time.

"Ewan ko sa'yo. Gagawa na lang ako ng project ng mag-isa. Bahala ka na sa buhay mo."

My Bright Star (COMPLETE) - Published under PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon