Umamin Din!

7.4K 185 6
                                    

"YUMI, gusto mong sumabay sa amin maglunch?"

"No, thanks, Candy. May nira-rush ako ngayon. Mauna na kayong kumain."

"Okay, see you later."

Nang makaalis ito ay saka lang tumigil si Yumi sa ginagawa. She looked around. Iilan na lang ang naiwan doon sa area nila. Ang karamihan ay nagsilabas na para kumain ng tanghalian. As for her, nagbaon na lang siya ng lunch dahil alam niyang wala siyang oras para lumabas.

Sa mga ganitong pagkakataon ay hindi niya maiwasang mamiss si Pete. She sighed as she looked over at his empty workstation. It had been a week since she last saw him. Namimiss na talaga niya ito.

Wala sa sariling dinampot niya ang cell phone nang tumunog iyon.

"Hey, babe, lunch time na. Are you eating?"

Napangiti siya nang mabosesan si Pete. "I'm about to, ikaw? Kumain ka na ba?"

"May lunch date ako," napataas ang kilay niya. "With clients."

Napailing siya nang mahimigan ang pang-aasar sa boses nito. "Ewan ko sa'yo."

"My, my, ang sungit mo ngayon ah. Siguro namimiss mo na ako."

"Whatever, sige na, baka busy ka diyan." Naipaliwanag na nito sa kanya na ito muna ang pansamantalang nag-aasikaso sa mga negosyo ng pamilya nito habang nagpapagaling pa ang kanyang ama.

"Okay lang. I'm never too busy for you, you know that." Nakagat ni Yumi ang kanyang labi. It was the only thing she could do to prevent herself from shrieking like a teenager.

Tinotoo ni Pete ang sinabi nito sa kanya noong gabing magpaalam ito. He checked on her everyday. Araw-araw siya nitong tinatawagan o tinetext. Pero maliban sa pangangamusta sa araw niya at pagpapaalala sa kanyang kumain ay wala na silang iba pang pinag-uusapan. Ni hindi na naopen-up ang topic tungkol sa halik na ibinigay nito sa kanya nang gabing iyon.

Pero kahit na walang pag-uusap na naganap sa pagitan nila, alam ni Yumi na may nagbago na sa kanilang dalawa. It was like they had an unspoken agreement. It was evident by the fact that Pete almost always acted like a boyfriend. And she was enjoying every minute of it.

"Babe, are you still there?"

"O-oo, sorry medyo nadistract lang ako. May nirarush kasi akong project ngayon."

"Kung ganoon, hindi na kita iistorbohin. Tatawag na lang uli ako mamaya, okay?"

"Okay, Pete. Bye."

"Bye, babe, I miss you."

Matagal na sandali nang naputol ang tawag pero nakatitig parin si Yumi sa kanyang cell phone.

"I miss you, too."

"OKAY ka lang? Kanina ka pa parang wala sa sarili," concerned na wika ni Dessa. Kasalukuyan silang nagdidinner sa paborito nilang bar and restaurant, ang Jas Cafe.

"Pagod lang ako," nagpakawala muna si Yumi ng isang malalim na hininga bago nagpatuloy. "Malapit na kasi ang deadline ko sa current project."

"Sigurado ka? Kanina ka pa kasi tahimik tapos bigla ka na lang mapapabuntong-hininga. You look... you look miserable."

"Dahil lang kanina pa ako napapabuntong-hininga miserable na ako? Come on, hindi ba pwedeng pagod lang ako?"

"Iba ang buntong-hininga ng mga pagod sa buntong-hininga ng mga miserable. Iyong mga pagod, mapapabuntong-hininga ng isang beses tapos magrereklamo. Iyong mga miserable, mapapabuntong-hininga tapos tutunganga. Then repeat ten times."

Napapailing na nagpatuloy na lang siya sa pagkain. Wala siya sa mood makipag-argumento ngayon kaya hindi na lang siya sumagot.

"You miss him, don't you?" Nakakunot ang noong sinalubong ni Yumi ang mga mata ni Dessa. "Namimiss mo si Pete kaya ka nagkakaganyan. Tama ako, diba?"

"Saan mo naman napulot ang ideyang 'yan?"

"Don't even try to deny it. Obvious naman na namimiss mo si Pete. Tingnan mo nga iyang inorder mong pagkain. You're eating fettuccine with pesto sauce. Yuck!" Napayuko naman si Yumi sa kinakain at tinitigan ang pasta na may mukhang lumot na sauce. "Hindi ka naman kumakain dati ng pesto diba? Sinisita mo nga si Pete kapag inoorder niya iyan."

"Ano'ng masama kung kumain ako ng pesto? Healthy naman ito ah. It uses extra virgin olive oil and organic herbs."

"It's so green," tila nandidiri paring komento ni Dessa. "Saka ang daming dahon. Pero teka, nilalayo mo ang usapan eh. Umamin ka na, namimiss mo si Pete kaya tinitiis mong kumain ng pesto ngayon dahil paborito niya iyan."

"That's nonsense." Ganoon na ba talaga siya ka-obvious?

"Anong nonsense? It actually makes perfect sense. Namimiss mo si Pete. The last time na nakita kitang ganito ay noong pagkatapos nating grumaduate. Naaalala mo 'yon? Noong bigla na lang hindi nagpakita sa atin si Pete tapos hindi natin siya mahagilap kahit saan. You were in a foul mood for six months until he finally showed up."

Nagbabanta ang tinging pinagtaasan ni Yumi ng kilay si Dessa pero hindi nito iyon pinansin.

"Yumi, walang masama kung aaminin mo sa akin at sa sarili mo na namimiss mo nga 'yung tao. I'm not gonna judge you."

"Fine, namimiss ko na si Pete. Happy now?"

"Kinda." Then her friend smiled gently at her. "See? Hindi naman mahirap aminin diba?"

Tumango si Yumi. Surprisingly, it felt good to say that out loud. Siguro nga ay tama si Dessa. Kailangan na niyang ilabas ang kung anumang gumugulo sa isip niya. Then maybe she would feel a lot better and her mind would be a lot clearer.

"He kissed me, you know."

"Ano?"

Parang gustong matawa ni Yumi sa itsura ni Dessa na para bang nakasagap ito ng multimillion worth na tsismis.

"Pakiulit nga ang sinabi mo."

"Ayoko. Kung hindi mo narinig, problema mo na 'yun."

"Narinig ko. Hindi nga lang ako sigurado kung tama ba ang pagkakarinig ko. Para kasing sinabi mo na hinalikan ka ni Pete." Pagkatapos sabihin iyon ay pinakatitigan siya ni Dessa. She must have seen whatever it was she was looking for because her eyes suddenly went wide. "Oh my gosh, hindi ako nag-iilusyon. Sinabi mo talagang hinalikan ka ni Pete!"

Tumango si Yumi.

"Hallelujah!" Ikinumpas pa ni Dessa ang dalawang kamay pataas. "So, tell me about it. Ano'ng feeling na finally, after all these years, nagtapat na din si Pete sa'yo? Ano'ng sinagot mo sa kanya? Please tell me you told him you've been in love with him for the longest time, too!"

Napatunganga si Yumi sa sinabi nito. What the hell was she talking about? "Wait, what? Dessa, masyado ka namang advance. Sinabi ko lang na hinalikan niya ako. What makes you think there's a confession of some sort?"

Tila nanlulumong ibinaba ni Dessa ang mga kamay. "Ay, you mean walang ganoong nangyari?"

"Wala! At hindi ako in love sa kanya!"

"Oh please," pinaikot nito ang mga mata. "You can't fool me, Yumi. Matagal na tayong magkaibigan. Ilang taon ko ng pinapanood ang pagpapatintero ninyo ni Pete. Yumi, you're in love with him. You have been for the past, I don't know, seven years?"

Yumi just stared at her friend.

"Hindi lang namin ino-open-up ni Ricky ang tungkol sa mga napapansin namin sa inyo."

"Wait, kasali din si Ricky dito?"

"Of course, he and Pete have been friends for a long time just like the two of us. Anyway, hindi lang kami nagrereact dahil obvious naman na hindi niyo pa nare-realize na may special connection nga kayong dalawa ni Pete. Or maybe Pete knew pero hindi lang siya nagsasalita."

Naramdaman ni Yumi ang pagkunot ng kanyang noo. She should be denying what her friend just said. Pero napagtanto niyang hindi niya magawa. O siguro ay sadyang hindi lang niya kayang itanggi because if she was being honest to herself, she could easily recognize that what Dessa was saying actually had a little ring of truth to it. 

My Bright Star (COMPLETE) - Published under PHRUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum