Mother Knows Best

7.8K 211 9
                                    

NANG magising si Yumi ay agad na lumabas siya ng kuwarto upang hanapin si Pete. Pero sa halip ay naabutan niya ang ina nitong nakaupo sa sala. Hindi alam ni Yumi kung anong klaseng pagbati ang gagawin niya dito.

"Yumi, hija, gising ka na pala. Nakapagpahinga ka ba ng maayos?"

"Opo." Tipid na ngumiti si Yumi saka naupo sa harap ng ginang.

"Umalis sandali si Pete," the older woman said, answering her silent question. "May mga kailangan daw siyang ayusin sa opisina." Pagkatapos ay umiling-uling ito.

"You don't look like you approve."

Nagpakawala ng isang malalim na hininga ang ginang saka nagkibit-balikat. "There's something I want to tell you, Yumi." Sandaling tumigil ang ginang saka tumitig sa kanya. "I'm not gonna apologize for what Patty and I did. I can only say sorry that you got scared."

"So tama po ang interpretasyon ko sa mga narinig ko kanina? Kayo nga po ni Patty ang mastermind sa pagkidnap sa akin?"

Natawa ang mama ni Pete. "If you want to call it that way, it's okay. Kami nga ni Patty ang nagplano ng lahat. But we can't really take all the credit. We had a lot of help." Pagkatapos ay makahulugang ngumiti ang ginang. "Ang sabi mo ay narinig mo kami kanina?"

Tumango si Yumi.

"Then you heard the reason why I want you to come over?"

Muling tumango si Yumi. "Pero hindi ko po maintindihan kung ano ang maitutulong ko para mabawasan ang pagiging workaholic ni Pete."

The older woman just smiled softly. "How much of Pete's past do you know?"

That's not exactly related to her query. Pero hinayaan na lang niya ang ginang sa gusto nitong itanong. "Not a lot. Hindi siya mahilig magkwento ng tungkol sa sarili niya."

Tila nakauunawang tumango ang mama ni Pete. "He always found it hard to express his thoughts and feelings. Did you know that he used to be a rebellious teenager?"

Umiling si Yumi. "But knowing Pete, that's not so hard to imagine."

"Anyway, this may sound strange to you, Yumi. I'm not even sure if you'll believe me. Pero naniniwala talaga ako na nagiging madali para kay Pete na gawin ang lahat ng bagay kapag nasa malapit ka lang. That's why I wanted you to come here."

"P-po?"

"Let me start at the beginning. You see, tulad nga ng sabi ko kanina may pagkarebellious 'yang si Pete noong bata. I can understand why he turned out that way. He wanted everyone to treat him like an ordinary person. Pero hindi ganoon kadali iyon. Isa siyang Asuncion. At sa maliit na bayan na tulad ng Aurora, mahirap ibigay ang hinihingi niya."

Kahit paano ay napi-picture out na ni Yumi ang ibig nitong sabihin. Nang magdaan sila sa bayan kanina ay puro pangalan ng mga Asuncion ang makikita kahit saan siya bumaling.

"At first I thought he would grow out of it eventually. Pero nagkamali ako. He became really distant. Hanggang sa magpasya nga siyang mag-aral sa Maynila."

Bahagyang umiwas ng tingin ang mama ni Pete. It was like she was remembering that very same day when Pete left.

"When he left that first time, ang akala ko ay babalik din agad siya. I always thought he would just go back home pagkatapos niyang maranasan kung gaano kahirap mamuhay ng mag-isa sa Maynila. But he proved me wrong. He proved us all wrong."

Bahagyang napangiti si Yumi sa narinig. That sounded like Pete all right.

"That first time?" puna ni Yumi sa mga salitang ginamit ng ginang. "May second time pa po?"

My Bright Star (COMPLETE) - Published under PHRWhere stories live. Discover now