Walkout

8.4K 212 1
                                    

PAGKALABAS ni Yumi sa opisina ng kanyang boss ay agad na tinext niya sina Dessa at Ricky upang magpatulong sa paghahanap kay Pete. Nagreply naman agad si Ricky. Ayon dito ay nagyaya daw si Pete na magpunta sa Jas Café pagkatapos ng trabaho.

Yumi looked at her watch. May dalawang oras pa bago ang uwian kaya nagpasya siyang umuwi muna at magbihis. Pagkatapos ng mga narinig niyang sinabi ni Pete kay Architect de Guzman ay mas confident na siya ngayong harapin ito at kausapin. Hindi kasi niya maintindihan kung bakit bigla-bigla na lang itong nagresign. After fighting to be with her all these years, ngayon pa ba ito susuko?

She tried to think of everything that happened these past days. Wala naman siyang natatandaang nangyari na maaaring maging dahilan upang bigla na lang itong sumuko sa kanya. No, she can't let that happen. Perhaps it's time that she did the fighting. Palagi na lang kasing si Pete ang gumagawa niyon.

"DESSA, sorry na-late ako. Nagbihis pa kasi ako eh. Nandiyan na ba sila Pete?" agad na bungad ni Yumi paglapit niya sa naghihintay na si Dessa.

Pinasadahan naman siya nito ng tingin bago ngumiti at tumango. "You look like you came dressed for battle."

Napangiti din si Yumi. "Siyempre, I plan to make him regret ever thinking of moving away from me." Pagkatapos ay hinawi niya ang kanyang mahabang buhok. Yumi was glad she had the habit of occasionally buying nice clothes when she's in the mood. Ngayong gabi ay napili niyang isuot ang isang venus cut na dress na kulay krema. Lalo tuloy tumingkad ang kanyang kaputian. At dahil matangkad siya, sa halip na hanggang tuhod niya ang damit ay umabot lang iyon sa kalahati ng kanyang legs. Then she paired it with a four-inch killer pumps.

"Ready?" tanong ni Dessa.

Isang tango ang isinagot ni Yumi. "Let's go."

NAKATALIKOD si Pete kaya hindi nito nakita ang paglapit nila ni Dessa. Yumi motioned Ricky to keep quiet.

Ang plano ni Yumi ay bigla na lang lalapit sa mga ito para hindi na magkaroon pa ng pagkakataon si Pete na umiwas. Pero nang malapit na sila sa table ng mga ito ay biglang natigilan si Yumi nang marinig ang sinasabi ni Pete.

"Let me ask you something," ani Pete kay Ricky.

"Sure, go ahead."

"What do you call a guy who has been in love with the same girl for, like, forever?"

"Ha?" bahagyang napalingon si Ricky sa kinatatayuan nila ni Dessa. "Ahm, romantic?"

Pete made a buzzing sound. Iyong tulad ng ginagamit sa mga game show na nagsasabing mali ang sagot. "No, the correct answer is pathetic."

"I don't think so. Sa tingin ko tama si Ricky. That guy is romantic." Hindi napigilang sabat ni Yumi. Agad namang lumingon si Pete. Nagtama ang kanilang mga mata. She could see admiration in his eyes. Then it was replaced with longing.

"Yumi," then Pete glanced at Dessa then back at her again. "Ano'ng ginagawa niyo dito?"

"We need to talk."

Sa halip na sumagot ay bumaling si Pete kay Ricky. "Sinabi mo sa kanilang nandito tayo?"

"Outnumbered ako, pare. Saka hindi ko naman alam na secret lang pala ang lakad nating ito."

Pete just scowled at Ricky who simply grinned. "Dessa, kuha tayo ng drinks?"

"Mabuti pa nga, kanina pa ako nauuhaw eh." Iyon lang at iniwan na sila ng dalawa.

"Nagresign ka daw." Yumi didn't even try to hide the distaste in her voice.

"Yeah," matipid na sagot ni Pete.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin?"

"I didn't have time to tell you."

"Didn't have time? Hindi ba magkasama lang tayo kaninang umaga? Saka ano ang ginagawa ng cell phone mo? Alam mo namang pwede mo akong tawagan anytime."

"Biglaan lang ang naging desisyon ko. I decided to just submit my resignation letter before I back out again."

"Again? You mean nag-attempt ka ng magsubmit dati pa?"

Nagpakawala ng isang malalim na hininga si Pete saka tumango. "I did. But I always back out at the last minute."

"Pero hindi ka nagback-out kanina."

"Yeah, I finally had the guts to..."

"To what?"

"To let you go," and then he looked directly into her eyes. "I'm sorry. Plano ko namang pumunta sa inyo mamaya pagkagaling dito. I was going to tell you before I go back home."

"Home? Saan, Pete? Sa Aurora ba?" hindi ito sumagot. "Ang sabi nila your home is where your heart is." Nag-iwas ng tingin si Pete at hindi iyon nagustuhan ni Yumi. Kaya bago pa siya makaramdam ng hiya ay iniangat na niya ang isang kamay upang ihaplos sa pisngi nito. Then she forced him to look at her again. "Kung tama nga ang kasabihang iyon, aren't you supposed to be going home to me?"

Yumi thought she saw a flicker of hope cross his eyes. Pero mabilis din iyong nawala. "You don't have to say these things to make me feel better, babe."

"I'm not saying these things to make you feel better. I'm saying them to make myself feel better."

"Ano'ng ibig mong sabihin?"

"Alam mo, Pete, for a really smart guy, you're quite dense."

"I'm not smart."

"Yes, you are."

"I'm not." Tinignan siya nito ng masama. "If this is your definition of talk, then I'm going." Pagkasabi niyon ay bigla na lang tumayo si Pete at umalis.

Agad namang lumapit sina Dessa at Ricky na nakaupo lang sa kalapit na mesa. "Ano'ng nangyari?"

"Bakit nagwalk-out 'yun?"

"Ewan ko sa kanya. Ang hirap niyang kausap."

"Hay naku, naman, kayo talagang dalawa. Hanggang sa huli ba naman ay pahirapan pa ang pag-amin ninyo sa isa't isa." Reklamo ni Dessa.

"Bakit sa akin ka nagrereklamo? Hindi naman ako ang bigla na lang nagwalk-out dito."

"Yumi, I suggest na sundan mo na si Pete. Sandali pa lang kami dito pero nakarami na 'yon ng inom. Baka kung ano pa ang mangyari don kapag nagdrive 'yon—" hindi na pinatapos ni Yumi si Ricky ang sinasabi nito. Agad na sumunod siya sa dinaanan ni Pete kanina.

My Bright Star (COMPLETE) - Published under PHRWhere stories live. Discover now