Call the Doctor!

7.3K 219 12
                                    

PAGDATING sa ospital ay malalaki ang hakbang na tinungo ni Yumi ang kuwartong kinaroroonan ni Pete. Pero nang makapasok naman siya doon ay hindi niya magawang lumapit dito. All she could do was stare at him.

Pete looked peaceful in his sleep. Pero may nakakabit na dextrose sa isang kamay nito kaya lalo pa siyang nag-alala. Ano ba ang nangyari dito? Bakit ito ang nakaratay doon? Ang akala niya ay ang tatay lang nito ang naospital.

"Tititigan mo na lang ba siya maghapon?" Marahas na napalingon si Yumi sa babaeng nagsalita. "Don't worry about him. Masyado lang maraming dugo ang nawala sa kanya pero okay na siya. Stable naman ang lagay ni Kuya Pete."

"Kuya?"

"I'm Patty. He's my brother," nakangiting itinuro nito si Pete.

"Ah, ako si Yumi. Ano'ng nangyari kay Pete?"

"Wala 'yan, matigas lang talaga ang ulo ni Kuya Pete. Sinabi na kasi ng doktor na 'wag nang damihan pa ang idodonate na dugo pero mapilit parin siya." Nagpatuloy pa si Patty sa pagpapaliwanag kung ano ang nangyari dito pero hindi na maintindihan ni Yumi ang mga iyon. She just walked closer to the bed. Her eyes focused only on Pete.

Nang eksaktong nasa tabi na siya nito ay saka naman nito napiling magmulat ng mga mata. Agad na napokus sa kanya ang tingin nito. Magkahalong relief at inis ang bigla niyang naramdaman. And until that moment, she didn't realize how worried sick she was.

"Hey, babe," malapad ang ngiting inabot ng kamay nitong walang pasak na dextrose ang kanyang kamay.

Noon na humulagpos ang kanyang tinitimping damdamin. Malakas siyang napahikbi habang humigpit naman ang pagkakahawak nito sa kamay niya.

"Hala ka, Kuya Pete, pinaiyak mo si Yumi."

"Hey, hey," sa panggigilalas niya ay bigla na lang bumangon si Pete at naupo. "Stop crying."

"Ano ka ba? Bakit ka bumangon? Mamaya niyan lalo pang lumala ang kalagayan mo," panenermon niya dito.

"As you can see, I'm okay. 'Wag ka nang umiyak diyan."

"Anong okay? Bakit nakadextrose ka pa? Tapos kaninang pagpasok ko tulog na tulog ka. Ni hindi ka gumagalaw na parang... parang..." hindi na niya naituloy ang sinasabi dahil sa sunod-sunod na paghikbi.

Pete just chuckled. He chuckled! How could he smile at a time like this?

"I'm okay, babe. Halika nga dito," hinila siya nito paupo sa tabi nito. "Okay lang ako, Star. Wala akong sakit." Ilang beses pa nitong inulit-ulit ang mga salitang iyon. Pero ang letseng utak niya ay ayaw talagang i-process ang impormasyong iyon.

She just couldn't shake away the image of him lying on that hospital bed ang looking lifeless. Kaya naman patuloy parin siya sa pag-iyak. Maya-maya lang ay naramdaman niyang nakapalibot na sa kanyang katawan ang mga bisig nito at nakaunan na din siya sa malapad nitong dibdib.

"Pat, tumawag ka nga ng doktor."

"Sige, Kuya. Ang iyakin pala ng girlfriend mo."

"PETE, anak, ano'ng problema? Bakit ka nagpapatawag ng doktor?" humahangos na pumasok sa kuwarto ang kanyang inang si Carmen. Nakasunod naman agad dito sina Pat at Justin. Pinakahuling pumasok ang doktor.

"Walang problema, Ma. Gusto ko lang na may magpaliwanag kay Star na wala akong sakit." Bahagya niyang naramdaman na natigilan si Yumi. So he looked down at her and tried to lift her face. As much as he was enjoying the fact that she was practically half-lying on top of him, ayaw parin niyang nakikitang umiiyak ito.

"Oo nga, Ma," sang-ayon ng kapatid niyang si Pat. "Bigla na lang siyang umiyak kanina nang makita si Kuya Pete. Hindi yata dapat natin siya basta na lang pinasundo papunta dito."

"Speaking of pagsundo, pag-uusapan natin ang tungkol doon mamaya. In the meantime, Doc," binalingan ni Pete ang ngingiti-ngiting doktor na nagmamasid lang sa kanila. "Pwede niyo po bang ipaliwanag na wala naman talaga akong sakit?" Labag man sa kanyang kalooban ay bahagyang inilayo niya si Yumi sa sarili upang makaharap nito ang doktor. "Look here, babe," he touched the side of her face. "This is Dr. Montecillo. Siya ang magpapaliwanag sa'yo ng kalagayan ko. Makinig kang mabuti ha?" tumango ito kahit na humihikbi parin.

Nakapokus lang ang mata niya kay Yumi habang nakikinig ito sa ipinapaliwanag ng doktor. His father had undergone a bypass surgery yesterday and needed a blood transfusion. Nang malaman niya iyon ay nagvolunteer agad siyang magdonate. Ngunit napasobra ang ibinigay niyang dugo.

Yumi had finally stopped crying. Natutuwa siya sa nakitang reaksiyon nito kanina. Mukhang nag-alala talaga ito ng husto sa kanya. Isa pa ay nag-eenjoy siya sa mahigpit na pagkakayakap nito sa kanya. Ang akala niya ay masarap nang pagmasdan si Yumi, mas masarap pala itong yakapin.

Ah! Bad thoughts, go away!

This is Yumi for goodness' sake! Hindi ito dapat minamanyak. But what can he do? The woman was freaking gorgeous! Well, ito lang naman kasi talaga ang maganda at sexy sa kanyang paningin.

"THANK you, Doc," nahihiyang ngumiti si Yumi sa doktor. Sa wakas ay naisaksak na din niya sa kanyang lumilipad na utak ang tunay na kalagayan ni Pete. "Pasensiya na po sa abala."

"You're welcome, and don't worry about it. It's my job." Ngumiti pa ito saka nagpaalam sa kanila.

Akmang lalayo na siya kay Pete pero lalo lang nitong hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya. Muli siyang napasubsob sa dibdib nito. Hindi na siya nagprotesta dahil nanghihina pa siya dahil sa ginawang pag-iyak. It felt really good to be held by him like this. Saka nahihiya pa siyang harapin ang mga taong nandoon. Napaka-OA talaga niyang magreact minsan.

"Sino sa inyo ang nagpasundo kay Star?"

"Hijo, you make it sound like it was a bad idea to call her," iyon marahil ang ina ni Pete.

"Kuya, nilagnat ka kasi kagabi tapos tinatawag mo ang pangalan niya."

Tama ba ang narinig ni Yumi? Tinatawag daw ni Pete ang pangalan niya?

"Okay, let me rephrase my question. Sino ang sumundo kay Star at nagsabing may sakit ako?"

"Pare, ako ang sumundo sa kanya pero hindi ko sinabing may sakit ka," sagot ni Justin.

"Pete, hayaan mo na 'yun," sinubukan niyang lumayo pero lalo lang humigpit ang pagkakayakap nito sa kanya.

"Hindi, hindi pwedeng hayaan na lang 'yon. You cried."

"Hindi naman nila kasalanan."

"Basta, umiyak ka parin." Hindi alam ni Yumi na pwede pa palang higpitan ang mahigpit nang yakap. He even kissed her in the head.

Natahimik na lang tuloy siya. She knew Pete was being unreasonable. Unreasonable but sweet.

My Bright Star (COMPLETE) - Published under PHRKde žijí příběhy. Začni objevovat