Together Again

7.7K 223 2
                                    

MAGANDA at malaki ang bahay nina Pete. If Yumi went there under different circumstances, mas maa-appreciate siguro niya ang ganda ng bahay at ng lugar.

Nang pumarada ang sasakyan sa tapat ng bahay ay may nakaabang na agad na isang katulong. Inihatid siya nito patungo sa isang sala at saka tahimik na umalis. Sandali pa lang na nakaupo doon si Yumi nang makarinig siya ng mga yabag at boses.

"Ma, I can't tolerate this. And Pat, you disappoint me. Hindi ako makapaniwalang magagawa ninyo ang ganitong klase ng kalokohan." Boses iyon ni Pete. "You scared her!"

"Kuya, we didn't mean to scare her. Saka ipinagpaalam naman namin siya sa Mama niya." Nabosesan niya ang kapatid nitong si Patty.

"Kahit na ipagpaalam niyo pa siya sa presidente ng Pilipinas. The point is that she herself did not know anything about it. That's considered kidnapping."

"All right, we're sorry, Kuya."

"Hijo, we didn't want it to turn out this way but you gave us no choice. You've been working like a slave."

"Ma—"

"Gusto lang naman namin na magpahinga ka paminsan-minsan. So we invited Yumi over. Alam naming kapag nandito siya ay hindi ka na magpapakakuba sa pagtratrabaho."

"I don't work twenty-four hours a day. Natutulog din naman ako," tila napipikang sagot ni Pete

"Don't you use that tone on me, son. Sarcasm doesn't suit well with you. Alam mo kung ano ang ibig naming sabihin. Ilang linggo ka na dito pero ni anino mo ay halos hindi namin nakikita. Madilim pa daw kapag umaalis ka tapos ni hindi mo magawang umuwi ng maaga para sabayan kaming kumain sa gabi. As a matter of fact, tulog na kaming lahat kapag umuuwi ka." Mahihimigan ang disappointment sa boses ng ina ni Pete.

"Tama si Mama, Kuya. What happened to you? You've been acting like a workaholic monster."

Namataan na ni Yumi ang anino ng mga ito habang naglalakad. Nauuna si Pete habang ang dalawang babae ay nakasunod dito.

"Sisimulan nanaman ba natin ito? I grew up, okay? I became responsible, that's all."

Tumikhim si Yumi upang kunin ang atensiyon ng mga ito.

"You're already here?" sinilip ni Pete ang relo sa bisig nito. Hindi niya maiwasang makaramdam ng simpatya para dito. Mukhang harrassed na harrassed ito.

"H-hi, Yumi," nahihiyang bati ng kapatid nito.

Nang bumaling siya sa ina ni Pete ay isang satisfied na ngiti lang ang ibinigay nito sa kanya.

"Come here, babe," inilahad nito ang kamay.

Normally, Yumi would complain about him ordering her around. Pero hindi normal ang sitwasyon ngayon at pakiramdam niya ay hindi na din siya normal. Kaya naman tahimik na naglakad siya palapit dito at tinanggap ang kamay nito. Hindi niya inaasahang bigla na lang siya nitong hihilahin patungo sa kung saan. Ni hindi na siya nito binigyan ng pagkakataong batiin ang ina at kapatid nito. Nang lingunin niya ang dalawang babae ay sabay pang kumaway ang mga ito na tila tuwang-tuwa sa ginawa ni Pete.

Sa wakas ay tumigil si Pete sa paglalakad. Binuksan nito ang isang pinto at pinapasok siya doon.

"You'll stay here. Maghintay ka lang dito at dadalhin ko ang mga gamit mo."

"Teka lang, Pete. This is your room," Yumi said matter-of-factly. Hindi na niya kailangan pang sipatin ang kabuuan ng kuwarto upang malamang si Pete ang may-ari niyon. Just one breath and she already knew, because the room smelled just like him.

"Yeah, and you'll stay here."

"Pero—"

"'Wag na natin itong pagtalunan, please?" tila hapong-hapong tumitig sa kanya si Pete. Pagkatapos ay lumapit ito sa kanya at hinawakan siya sa magkabilang balikat. "You have no idea how worried sick I was when you called me a while ago." Madamdaming pahayag nito.

She could see so many emotions dancing in his eyes. Hindi tuloy malaman ni Yumi kung ano ang isasagot. Sa halip ay inboluntaryong umangat ang isa niyang kamay upang haplusin ang noo nitong kanina pa nakakunot.

Napabuntong-hininga ito saka siya niyakap ng mahigpit. At tulad noong yakapin niya ito sa ospital, it felt so natural to be held by him

"I'm so sorry, Star." Pete kissed her in the head. Siya naman ay lalo pang ibinaon ang mukha sa dibdib nito. Muli siya nitong hinalikan sa ulo bago bumitiw sa pagkakayakap sa kanya. "Mamaya na tayo mag-usap. Magpahinga ka muna."

"Pero kuwarto mo ito."

"Yes, it is. And you will use it. 'Wag kang mag-alala, I'll move out. At bago ka pa magprotesta ulit, may double lock ang kuwarto ko." Idinemonstrate ni Pete ang double lock na sinasabi nito. "'Wag ka nang kumontra, please? This is for my peace of mind," tila nagmamakaawang pahayag nito. "Gusto lang kitang protektahan. Hindi ko alam kung ano pang kalokohan ang niluluto nila Mama at Pat. Pati si Manong Manny ay naidamay nila," tukoy nito sa driver na sumundo sa kanya kanina. "Sigurado akong halos lahat ng katulong dito ay kakuntsaba na din nila. I don't want you staying in any other room except this room. Sigurado akong walang ibang pumapasok dito sa kuwarto ko."

"Kung magsalita ka ay para namang may gagawin silang masama sa akin. Na para bang bigla na lang nila akong papasukin sa ibang kuwarto sa kalagitnaan ng gabi."

"Nothing like that, of course. Pero sa sobrang wild ng imagination nila Mama at Pat, I don't want to take any chances. You will stay here." Iyon lang at lumabas na si Pete.

Nang maiwan siyang mag-isa ay saka lang naramdaman ni Yumi ang matinding pagod. Nakakadrain din ng energy iyong nangyari kanina nang akala niya ay nakidnap na siya. So she removed her shoes and walked toward the big bed. It really smelled like Pete. She was just about to close her eyes when her phone rang.

"'Lo?"

"Yumi, are you okay?"

"Candy?"

"I'm sorry, pinaulanan na ako ng sermon ni Pete kanina. Galit ka ba?"

"Kanina oo, ngayon hindi na masyado."

"Sorry na, I just can't pass up this opportunity. Alam mo naman fan niyo ako."

"Seriously, Candy, Pete and I don't have that kind of relationship. Kaya alisin mo na yang mga romantic notions sa isip mo."

"Alam mo, Yumi, wala ka nang masasabi pa na pwedeng makapagpabago sa isip ko. Basta pakisabi na lang kay Pete na 'wag na siyang magalit sa akin. I'm sure pasasalamatan din niya ako sa ginawa kong pakikipagsabwatan sa mama niya at kapatid in the future. Sige, ingat si Pete sa'yo."

"At bakit si Pete ang mag-iingat sa akin?"

"Alangan namang ikaw ang mag-iingat kay Pete eh sigurado namang ni hindi ka padadapuan ng lamok nun," natatawang sagot ni Candy pero mahihimigan ang kaseryosohan sa boses nito. "Accept it, Yumi, it's a given fact na hindi ka pababayaan ni Pete kahit na ano ang mangyari."

Candy was right, of course. How come she never noticed that before? It's not that you don't notice it, Yumi, sagot ng kanyang isipan. Pinipili mo lang na 'wag pansinin.

Yumi was just turning off her phone when she heard a soft knock.

"Hey," sumilip muna si Pete bago pumasok sa kuwarto dala ang mga gamit niya. "You look tired."

Isang ngiti lang ang ibinigay ni Yumi kay Pete. Pagkatapos ay tahimik na pinanood niya ang pag-aayos nito sa kanyang mga gamit sa isang panig ng kuwarto. Now that she was observing him, she could easily see how much he really cared for her. Kailangan lang talaga niyang buksan ang kanyang mga mata.

Nang matapos si Pete sa ginagawa ay masuyong bumaling ito sa kanya. He caught her staring at him. Pero sa halip na mahiya ay nginitian niya ito. Mukhang natuwa si Pete sa kanyang ginawa dahil agad na nawala ang pagkakakunot ng noo nito. Lumapit ito at naupo sa gilid ng kama.

"I've never been this glad to see someone in my life. Na-miss kita," nakangiting hinaplos ni Pete ang kanyang pisngi.

"Hmm."

"Even though I don't approve of how you got here, I'm still so damn happy."

"Me too."

"Talaga?"

Tumango si Yumi.

"Sige na, magpahinga ka na muna."

Pagkatapos muling haplusin ang kanyang pisngi ay hinalikan siya nito sa kanyang noo. Yumi slept soundly after that.

My Bright Star (COMPLETE) - Published under PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon