To See You Again

7.3K 216 3
                                    

INAKALA talaga ni Yumi na iyon na ang huling beses na makikita niya si Pete. Sa loob kasi ng halos anim na buwan ay wala silang nabalitaan tungkol dito. Hindi din nila ito makontak. Kahit si Ricky na siyang pinakamalapit nitong kaibigan ay hindi alam kung saan ito hahagilapin. Kaya naman gulat na gulat siya nang isang umaga ay makita niya itong nakatambay sa labas ng building ng pinagtatrabahuan niyang firm.

"Pete?"

"Good morning, Star!" Masayang bati nito sa kanya.

"Ano'ng ginagawa mo dito?" Dala siguro ng pagkagulat na nakita niya ito doon kaya hindi na niya napagtuunan ng pansin ang pagtawag nito sa kanya ng Star.

"Hinihintay kita."

"Ha? Bakit?"

"Gusto kong sumabay sa'yo pagpasok," pagkasabi niyon ay iginiya na siya nito papasok sa building.

"Saan ba ang punta mo?" tanong ni Yumi nang makasakay sila ni Pete sa elevator.

Inilabas nito ang cell phone at may binasa doon bago sumagot. "Sa tenth floor daw ako magpunta."

"Ah, mauuna pala akong bumaba sa'yo. Sa ninth floor lang ako."

"Okay, I'll just see you later."

Bago pa siya makapagsalita ay bumukas na ang elevator sa ninth floor. Kaya isang kaway na lang ang naisagot niya dito.

"YUMI, nakita mo na ba ang bagong hire na junior architect? Ang guwapo niya." Kinikilig na sambit ng kasamahang si Candy. "Nakita ko siyang tinutour ni Aira," tukoy nito sa isa sa mga HR personnel ng EcoUrban Architects.

"May bagong junior architect tayo? Hindi ko alam na hiring pala." Ang pagkakaalam kasi niya ay walang opening sa kanilang kompanya ngayon. Kaya nga hindi nakapag-apply doon ang iba pa niyang kaklase.

"Baka magkakaroon uli ng expansion."

"Siguro nga."

"Hi girls," putol ng isang tinig sa kanilang pag-uusap. "May bago na kayong makakasama dito." Paglingon niya ay napatda siya nang mamukhaan ang kasama ni Aira. "Candy, Yumi, this is—"

"Pete?" hindi napigilang singit ni Yumi.

"Magkakilala kayo?" kinalabit siya ni Candy.

Hindi siya agad nakasagot dahil sa pagkabigla kaya si Pete na ang sumagot sa tanong nito.

"Oo, magkaklase kami ni Star."

"Star?" naiintrigang tumutok naman sa kanya ang mga mata ni Aira.

"Ahm, ni Yumi pala," then he flashed his signature boyish grin. Kapagkuwan ay dumako ang mga mata nito sa kanyang leeg. Pagkatapos ay lalo pang lumapad ang ngiti nito. He must have seen the necklace he gave her.

Noon lang tila nakabawi siya sa pagkabigla. Tumikhim siya bago alanganing ngumiti.

"Ahm, oo, magkaklase nga kami ni Pete noong college," kumpirma niya.

"Kung ganoon ay pwede ko na palang iwan sa'yo si Pete," ani Aira. "Ikaw na ang bahala sa kanya ha? Magkatabi naman ang workstation niyo." Iyon lang at nakangiting umalis na ito. Si Candy ay bigla na lang din nawala sa kanyang tabi.

My Bright Star (COMPLETE) - Published under PHRWhere stories live. Discover now