"The Boyfriend Voice"

7.6K 203 1
                                    

DALAWANG taon ang mabilis na lumipas. Noong una ay hindi inakala ni Yumi na matatagalan niyang kasama sa trabaho si Pete. But surprisingly, he became really focused and serious about his work. Hindi na ito slacker na tulad noong college sila.

Totoo ngang kahit na ano pang klase ng pag-aaral ang gawin mo sa eskwelahan, it still wouldn't be enough for what was waiting for you in the real world. Hindi importante ang grades mo sa school, all the clients cared about was that you deliver quality results. And Pete was definitely stepping up. Sa katunayan, sa maikling panahon na nandoon ito sa EcoUrban Architects ay maraming beses na itong naging head architect sa mga projects kahit na isa pa lang itong junior architect. The two of them were currently the fast-rising junior architects in the firm.

"Good afternoon, Star! For you," iniabot ni Pete sa kanya ang isang box ng buko pie.

"Wow, thank you!" nginitian niya ito.

"Hi Candy!" binalingan naman nito ang katapat nilang workstation.

"O Pete, nakabalik ka na pala. Kumusta ang pagbisita mo sa site?"

"Okay naman. Siyanga pala pasalubong ko," iniabot nito kay Candy ang tatlong box ng buko pie na magkakapatong. "Yan lang ang nabili ko eh, nagmamadali kasi akong makabalik dito galing Laguna. Ikaw na lang ang bahalang magyaya sa iba pa nating kasamahan mamayang meryenda."

"Sure, thanks, Pete. Pero teka, bakit kami ay hati-hati lang dito samantalang si Yumi isang buong box ang kanya?"

Pinanlakihan niya ito ng mga mata. "Nagrereklamo ka? Gusto mong ipabawi ko kay Pete yan?"

"Sus, ito naman hindi na mabiro. Masyado mo namang ginagamit ang pagiging malakas mo kay Pete."

Tumahimik na siya. Kapag ganoon kasing nagkakaasaran sila ay alam na niya ang susunod nitong hirit. Papansin nanaman nito ang pagiging malapit nila ni Pete.

Oo, kahit paano ay naging malapit na sila sa isa't isa. Hindi na naman kasi siya nito inaasar na tulad noong college sila. Pero ang isang bagay na hindi na nagbago pa ay ang pagtawag nito sa kanya ng Star at babe.

Nilingon niya si Pete para tingnan kung bakit tahimik ito. Napakunot ang kanyang noo nang makitang nakapikit ito.

"Pete? Are you okay?"

"Hmm? Oo," sagot nito habang nakapikit parin.

"You don't look so good."

"Pagod lang ako. Tatlo ang ongoing projects ko ngayon."

Napalatak siya sa sinabi nito. "Masyado ka nang nagiging workaholic. Samantalang dati ay ni hindi mo nga alam kung ano ang gagawin mo pagkatapos nating grumaduate."

Napangiti ito. "Yeah, I remember that. Parang kailan lang ay ayaw mo pa akong makapartner sa school project dahil tamad ako. Ngayon naman ay parang ayaw ko nang tumigil sa pagtratrabaho. I just can't help it, you know. I think I finally found what I really wanted to do. And I'm actually good at it."

"Matagal ko ng alam na magaling ka. Tamad ka lang kaya hindi halata. Siguro kung naging masipag ka lang noong college ay baka grumaduate ka pa with honors at mas mataas pa ang rank mo sa board exam."

"Ikaw din nagbago ka na. Hindi mo na ako nilalait ngayon."

"Akala mo lang hindi. Mas gumaling na kasi akong sumimple ngayon sa panlalait sa'yo kaya hindi mo napapansin."

Natawa ito sa sinabi niya. "Sabi na nga ba hindi ko pagsisisihan ang ginawa kong pagsunod dito sa'yo. You always amuse me, Star. Hindi nasayang ang pinagdaanan kong hirap para lang makapasok dito."

"Pagsunod?" takang-tanong niya. "Saka anong hirap ang pinagsasabi mo?"

Biglang napadilat ang mga mata nito. "Ha?"

"Ano'ng ibig mong sabihin na sinundan mo ako dito tapos may hirap ka pang pinagdaanan para makapasok dito?"

"Talaga? Sinabi ko 'yon?"

"Oo."

"Ahm, wala yun. 'Wag mo na lang pansinin. Kung anu-ano lang ang nasasabi ko dahil sa pagod."

Diskumpiyado paring tinitigan niya ito. Hihirit pa sana siya nang biglang tumunog ang isa sa mga cell phones nito. Hindi talaga niya maintindihan kung bakit kailangan mayroon itong tatlong cell phone.

Bahagyang lumayo ito sa kanya at sumeryoso ang anyo. Nacurious nanaman si Yumi kaya lumapit siya dito.

"Yes, Justin?" sagot nito sa tumatawag. "Okay, just e-mail me the details. Call me anytime for updates."

"Sino'ng kausap mo?" usisa niya nang i-off ni Pete ang cell phone.

Mukhang nagulat pa ito na nandoon lang siya sa malapit. "Ha? Kanina ka pa diyan?"

"Oo, sino nga 'yung kausap mo?"

"Girlfriend ko."

Natawa na siya sa sagot nito. "Talaga? Justin pala ang pangalan ng girlfriend mo. Are you gay?"

"Hindi ba pwedeng maging pangalan ng babae ang isang pangalan na panglalaki? Uso naman 'yun ngayon ah."

Oo nga naman, may point naman ito. Maniniwala siguro siya kung hindi lang niya narinig ang napakapormal na usapan ng mga ito.

"'Wag ka nang magdeny diyan. Sigurado akong hindi mo girlfriend iyon. You didn't use that boyfriend voice."

Napataas ang kilay ni Pete sa sinabi niya. "What on earth is a boyfriend voice?"

"Hindi mo alam 'yun?" hindi makapaniwalang tiningnan niya si Pete. "Sa itsura mong 'yan hindi mo alam kung ano ang boyfriend voice?"

"Ano ang ibig mong sabihing sa itsura kong 'to? May problema ba sa itsura ko?" nagtatakang sinipat pa ni Pete ang sarili.

Hindi naman napigilan ni Yumi na sundan ang ginagawa nitong pag-assess sa sarili. Today Pete had on a simple cotton shirt paired with dark jeans. Then he had on a pair of sturdy-looking shoes. Ganoon ang karaniwang suot nito kapag bumibisita ito sa mga site. He looked so rugged and manly, and so... delectable. Nahindik si Yumi sa naisip. Delectable? Saan nanggaling 'yun?

It took her a minute before Yumi realized that Pete was asking her a question.

"Care to explain what you meant, babe?"

"I mean, you're not bad looking. So there must be quite a number of girls na napagpractice-an mo na ng paggamit ng boyfriend voice."

"Did you just give me a compliment?"

Yumi could see a grin slowly spreading across his face. "Of course not!"

"Hmm, bakit ko nga ba tinanong pa sa'yo? Never mind the question, I'll just take what you said as a compliment." 

My Bright Star (COMPLETE) - Published under PHRKde žijí příběhy. Začni objevovat