Manliligaw Daw?!

7.4K 195 0
                                    

NAPAKAGAAN ng pakiramdam ni Yumi nang magising kinaumagahan kahit pa halos hindi siya nakatulog sa kakaisip sa nangyari nang nagdaang gabi. Nang maalala iyon ay agad na namula ang kanyang pisngi. Reality suddenly dawned on her. Hinalikan siya ni Pete. Sa lips. Ng matagal. She didn't know what to think.

Mabuti na lang at sabado ngayon. Hindi niya kailangan mamroblema kung lumipad man ang isip niya buong maghapon.

"You're unusually quiet this morning," puna ng nakababatang kapatid na si Habagat o Habi nang sumalo siya sa mga ito.

"Tahimik talaga ako, hindi lang halata."

"Coffee, Yumi?" singit ng kanyang ina. Ini-offer nito ang isang tasang kape.

"Thanks, Ma," pagkatapos ay binalingan niya ang amang nagbabasa ng diyaryo. "Pa, ano'ng bagong balita diyan ngayon?"

"Nothing interesting," itiniklop nito ang binabasa at hinarap siya. "Mas interesting pa iyong tungkol sa late-night visitor mo kagabi."

"Aw!" biglang napaso si Yumi sa hinihigop na kape.

Her father just chuckled. "So, sino ba iyong bisita mo kagabi? Manliligaw ba? Bakit hindi mo pinapasok dito at nang nakilala namin?"

Both her father and mother were looking at her expectantly. Si Habi lang ang mukhang walang interes sa pinag-uusapan nila pero alam niyang nakikinig ito.

"Paano ninyo nalaman na may bisita ako kagabi? Hindi ba tulog na kayo?"

"Anak, hindi dahil nakapatay na ang ilaw sa kuwarto namin ay tulog na kami."

"Yup," sang-ayon naman ni Habi. "Actually, gising pa din ako nung lumabas ka."

"Gabi na 'yun ah, bakit gising ka pa?"

Her brother made a face. "Hello? Friday kaya kagabi kaya pwede akong magpuyat." Nag-aaral pa kasi ito kaya may curfew ito kapag weekdays.

"Saka narinig ka naming may kausap. Naturally, your mother and I got curious. Lalo na nang lumabas ka," dagdag pa ng kanyang ama.

Bigla siyang napipi sa narinig. Yumi had thought that no one saw her last night. Wait a minute, did they see...?

Naramdaman nanaman niya ang pag-iinit ng mga pisngi. She knew that the memory of Pete's kiss last night was visible on her face kaya bahagyang yumuko siya.

"Hindi ko po manliligaw iyon."

"Talaga?" Hindi niya alam kung ang ibig sabihin ba ng ekspresyon ng mga mukha ng magulang niya ay hindi naniniwala ang mga ito o disappointed ang mga ito.

"Opo, kaibigan ko lang po 'yon. Si Pete, remember him? Classmate ko siya nung college at officemate ko naman siya ngayon."

Tila naman nagkaroon ng interes si Habi sa usapan dahil sa pagbanggit sa pangalan ni Pete. "Oo, kilala namin si Kuya Pete. Nanliligaw na ba siya sa'yo, Ate Yumi? Well, it's about time!"

"Habi, hindi ka naman nakikinig eh. Hindi siya nanliligaw. As a matter of fact, walang nanliligaw sa akin. O bakit mukhang disappointed ka?"

Nagkibit ito ng mga balikat. "Akala ko nagkaroon na din siya ng lakas ng loob sa wakas."

"Ha?"

"Nevermind. Kung hindi siya nanliligaw, ano ang ginagawa niya dito kagabi?"

"Ah wala, nagsabi lang siya na uuwi siya sa probinsiya nila sa Aurora."

"At kailangan pa niyang personal na pumunta dito para lang sabihin 'yan sa'yo? Hindi ba pwedeng magtext na lang o tumawag?" singit ng kanyang ama.

Now that Yumi thought about it, ni minsan ay hindi iyon ginawa ni Pete. 'Yung sa text lang ito magsasabi ng mga importanteng bagay. He had always told her personally. Kahit na nasaan pa siya ay pupuntahan siya nito para sabihin ang kung anumang importanteng bagay na kailangan nitong sabihin. At para sa kanya ay importante iyong tungkol sa pag-uwi nito sa probinsiya.

"Ganoon lang po talaga si Pete, Pa."

"Palagi siyang nagpapaalam sa'yo?" dagdag tanong ng kanyang ina.

"Ma, it's not like—" she suddenly stopped at the middle of her sentence. Totoo naman kasing nagpapaalam palagi sa kanya si Pete. Pero ano na lang ang implikasyon niyon kapag kinompirma niya sa mga ito. "I... well... can we talk about this some other time?"

Tinitigan siya ng ina bago nagpatiunod. "If you say so."

LALO pang naguluhan si Yumi pagkatapos ng pag-uusap nila ng kanyang pamilya. Before today, she had never really given much thought about Pete's behavior toward her.

Para sa kanya, kung mukha man silang masyadong magkalapit ni Pete, iyon ay dahil madaming taon na silang magkakilala kaya madami na silang shared experiences. They are friends.

"Friends? May friend bang ganoon kung magbigay ng goodbye kiss?"

Speaking of that kiss, ano na ang tawag sa kanila ngayon? Kissing friends?

"Tigilan mo na 'yan, Yumi. You're just driving yourself crazy."

But she had to admit, she always enjoyed the extra attention that Pete gave her. Sa totoo lang ay nakakaramdam siya minsan ng inis kapag may ibang tao itong pinapansin o kaya naman ay kinakausap kapag kasama niya ito.

"Halata nga, pinagswimming mo nga ang cell phone niya dahil inaagaw niyon ang atensiyon ni Pete mula sa'yo."

"Tama lang naman 'yon," depensa niya sa sarili. "Dapat lang na sa akin niya ituon ang atensiyon niya kapag kasama niya ako at kausap. Parte iyon ng pagkakaroon ng kagandahang asal."

Pero ang isang bahagi ng kanyang isip ay hindi parin kumbinsido.

"Si Pete ang pinag-uusapan dito. This is ridiculous! Kinakausap ko na din ang sarili ko. This is really crazy! I can't possibly be thinking that... that I'm starting to like him... in a romantic way. It's just not possible!"

My Bright Star (COMPLETE) - Published under PHRWhere stories live. Discover now