"I'll Find You"

7K 208 0
                                    

"PETE, what the hell is going on?" agad na tanong ni Yumi nang sa wakas ay sagutin ni Pete ang kanyang tawag.

"Ha?" tanging naisagot ni Pete bago niya ito pinaulanan ng sangkatutak na sermon. "Whoa, whoa! Slow down, babe. Hindi kita maintindihan. Ano'ng ibig mong sabihin na on the way ka na dito?"

"It means exactly what it means."

"Papunta ka dito? Sa Aurora?" tila gulat na tanong nito.

"Yes! Halos dalawang oras na kitang tinatawagan pero hindi ka naman sumasagot."

"I'm sorry, iniwan ko ang cell phone ko dito sa opisina dahil nagpunta ako sa farm kanina. You should have told me earlier para naipasundo kita."

"Ano bang sinasabi mo? Your driver picked me up."

"Ha? Paano nangyari iyon?"

Kung kanina ay naiinis lang si Yumi, ngayon ay may kahalong kaba na din ang nararamdaman niya.

Bahagyang hininaan niya ang boses para hindi marinig ng driver ang kanyang sinasabi. "Are you telling me na hindi ikaw ang nagpadala ng driver sa bahay para sunduin ako?"

"No!" maigting na sagot ni Pete sa kabilang linya na siyang nagpatindi ng kabang nararamdaman ni Yumi.

"T-teka, eh sino itong sumundo sa akin?" agad na bumaling ang paningin ni Yumi sa driver. He looked harmless enough, but looks can be deceiving. "Pete, please tell me you're joking."

"Yumi, seryoso ako. I have no idea what's going on."

Parang gusto nang umiyak ni Yumi dahil sa kaba. Pete called her by her name. He wouldn't do that if he wasn't serious.

"Pete, you're scaring me. Kanina pa kami nakalabas ng Maynila. Hindi ko na alam kung saan 'tong dinadaanan namin."

"Damn! Okay, listen to me. Ibababa ko muna ang phone, okay? May tatawagan lang ako. Don't turn off your phone no matter what."

"Okay," tumango-tango si Yumi kahit na alam niyang hindi naman siya nito nakikita.

"And babe, try to look around sa mga dinadaanan ninyo. So you can figure out kung nasaan na kayo. I'll call you back."

"Okay. Ahm, Pete..."

"Don't worry, I'll find you."

WALA pang limang minuto ay tumunog na ang cell phone ni Yumi. Nakahinga siya nang maluwag nang makita ang pangalan ni Pete sa caller ID.

"Babe, ibigay mo sa driver ang cell phone mo. I'll talk to him."

"Ha? Sigurado ka?"

"Oo, 'wag ka ng mag-alala. Just give him your phone."

Alanganing tumitig muna si Yumi sa driver bago niya kinuha ang atensiyon nito. "Ahm, manong," inilapit niya dito ang hawak na cell phone. "Pwede po bang pakitabi muna ng sasakyan? Gusto ka daw makausap ni Pete."

Agad namang tumalima ang driver. Nakangiti pang tinanggap nito mula sa kanya ang cell phone. Habang nakikipag-usap ito ay inobserbahan ni Yumi ang driver

Mukha namang mabait ang may katandaan ng driver. Palangiti din ito at malumanay magsalita. Maya-maya pa ay napansin niyang tila natigilan ito.

"Eh Sir Pete, pasensiya na kayo," narinig niyang wika nito.

Noon lang nakahinga ng maluwag si Yumi. So totoo ngang driver ito nina Pete. Muli niyang itinuon ang atensiyon sa pakikinig sa sinasabi nito.

"Señorito, pasensiya na talaga. Ano ho ba ang gusto niyong gawin ko? Ibabalik ko na ho ba sa Maynila si Ma'am? Ah sige, sir, walang problema." Pagkatapos niyon ay ibinalik na sa kanya ng driver ang kanyang cell phone.

"Pete? Ano na?"

"'Wag ka nang mag-alala, driver nga namin ang sumundo sa'yo. Siya si Manong Manny. Sinabihan ko na siyang dumiretso sa bahay. I'll just meet you there."

"Ano? Teka, hindi ko maintindihan, Pete."

"I'll explain everything later. Sabi sa akin ni Manong Manny malapit na kayo. You'll be here in about an hour. Pero kung gusto mong bumalik sa Manila, okay lang din. But it will be another two hours. That is if there's no traffic when you get there."

"Sigurado kang driver niyo nga ito?"

"Oo," narinig niyang napabuntong-hininga si Pete sa kabilang linya. "Listen, babe, it would be better kung didiretso na kayo dito sa Aurora. It's been a long drive, sigurado akong pagod ka na. You can go back to Manila tomorrow once you've rested."

"Okay."

"Good, I'll see you later."

My Bright Star (COMPLETE) - Published under PHRWhere stories live. Discover now