Goodbye, Cellphone

7.6K 211 6
                                    

NANG mga sumunod na araw ay lalo pang napansin ni Yumi na palaging may kausap si Pete sa cell phone. Kung hindi naman ay palagi itong may katext. Sa tuwing tinatanong niya ito ay palagi na lang nitong sinasabi na wala lang ang mga iyon.

Sa totoo lang ay hindi na dapat niya pinapansin ang mga ginagawa ito. It was none of her business. Pero hindi talaga niya maiwasan, lalo na at tila palagi itong pagod. Ayaw man niyang aminin ay nag-aalala siya para dito. Kaya naman naisipan niyang magyayang lumabas para makapag-unwind sila. She also invited Dessa and Ricky, who were their closest friends in college.

"Pete, let's go."

"Huh?" tila takang-takang nilingon siya nito.

"Uwian na. Diba may lakad tayo ngayon? Don't tell me you forgot about it?"

"Oh, right," sumulyap ito sa tinatapos na trabaho. "Pwede bang humingi ng fifteen minutes? Malapit ko na din kasing matapos itong ginaga—"

"Hindi pwede."

"Star, babe, come on. Fifteen minutes lang. Mabilis lang 'yun."

"Tigilan mo ang kaka-babe mo. Naku!" nanggigigil na pinanlakihan niya ito ng mga mata. "At tigilan mo na din ang pagpapacute. Hindi parin ako papayag sa fifteen minutes na 'yan."

"Ang sungit mo yata ngayon. Kaya lalo kang gumaganda eh." Then he touched her cheeks.

"Pete?" Nagulat siya sa ginawa nito. Sa halip tuloy na umiwas ay nanatili lang siyang nakatitig dito. It was the first time that he had done that affectionate gesture.

"Yes, babe?"

"Okay ka lang?"

"Oo naman. Bakit naman ako magiging hindi okay?"

"You said I'm beautiful."

"Lagi ko naman sinasabing maganda ka ah. And it's true. You are beautiful, babe."

Palagi nga siyang sinasabihan nito ng maganda pero puro pabiro. But now, he was looking at her like he really meant what he said.

"Stop calling me babe."

"Okay," ang kanyang buhok naman ang hinawi nito.

"And stop touching me."

"Hmm."

Biglang tumunog ang kanyang cell phone. She should be thankful for the distraction. Pero bakit parang nainis pa siya dahil naistorbo sila niyon?

"Tara na. Nandoon na daw si Dessa sa Jas Café," aniya pagkabasa sa text message pagkatapos ay nagpatiuna na siya sa paglabas.

"YUMI, matanong ko lang," itinuon ni Yumi ang tingin kay Dessa. Kasalukuyan silang nagkukwentuhan habang kumakain. "Hindi ka ba nagsasawa na kasama itong si Pete? Aba, halos pitong taon na din kayong araw-araw na nagkikita ah!"

"Pitong taon na ba?" singit ni Ricky.

"Oo, limang taon noong college tapos dalawang taon ngayon sa trabaho," kumpirma ni Dessa.

"Ang tagal ko na palang pinagtitiisan ang mukhang 'to," itinuro ni Yumi si Pete.

"Guwapo ako kaya hindi 'yon mahirap gawin."

Muntik na niyang maibuga ang iniinom nang marinig ang komento ni Pete. Pero inihit parin siya ng ubo. Mabilis naman siyang dinaluhan nito.

"Star, naman, grabe ka kung makaprotesta sa pagsasabi kong guwapo ako."

"Heh, akala ko pa naman nagbago ka na talaga kasi workaholic ka na ngayon."

Tinawanan lang nito ang sinabi niya. Sa totoo lang ay namimiss na din niya ang Pete na ganito. She liked the serious and more mature Pete. Pero parang mas gusto parin niya ang masayahin at palabirong Pete. Lalong mas nagiging kapansin-pansin ang ipinagyayabang nitong kaguwapuhan.

My Bright Star (COMPLETE) - Published under PHRWo Geschichten leben. Entdecke jetzt