May Namimiss

7.6K 201 5
                                    

ILANG araw na hindi inimik ni Yumi si Pete. Naiinis siya sa mga nangyari sa Jas Cafe at dito niya ibinunton ang lahat ng inis na iyon. Pero ito ay kuntodo lang sa panunuyo sa kanya kahit na wala itong ideya kung bakit siya naiinis.

She realized that it had always been like that with him. Kahit na noong college pa sila, he always tried to make her feel better when she wasn't in the mood. Totoo din ang sinabi nito na halos lahat ng sabihin niya ay ginagawa nito.

"Good morning, Star! Chocolate muffins for the beautiful lady," kararating lang ni Pete sa opisina at nakangiting iniabot agad nito sa kanya ang dalang box na puno ng muffins. "Nagbreakfast ka na ba? Tara, coffee tayo. Treat kita. Masarap isabay sa kape ang muffins."

"No, thanks," muli niyang ibinaling sa ginagawa ang atensiyon.

Narinig niyang napabuntong hininga ito sa kanyang tabi. "It's been a week, babe. Hindi ka pa ba nagsasawa sa pang-aaway sakin? Bati na tayo."

"Hindi kita inaaway."

"Okay, so bati na tayo?"

"Uy, LQ parin kayo?" biglang singit ng bagong dating na si Candy.

"Isa ka pa." inirapan ito ni Yumi.

"Hoy, Pete, ano'ng ginawa mong kalokohan, ha? Ngayon lang yata tumagal ng ganito ang LQ niyo. Nambabae ka ba?"

"Candy, naman, you know that's not my style."

"Oo na, para ka ngang may selective sight eh. Kahit na todo papansin na ang mga babaeng tagakabilang department parang wala ka paring nakikita."

Natawa lang si Pete sa tinuran ni Candy. Si Yumi naman ay napakunot ang noo. Bakit hindi niya alam ang tungkol sa mga babaeng tagakabilang department na nagpapapansin kay Pete? Padabog na ipinagpatuloy ni Yumi ang ginagawa.

Maya-maya ay nagulat siya nang maramdaman ang kamay ni Pete na humawak sa magkabilang tenga niya.

"Takpan natin ang tenga mo, Star. Baka kung ano pa ang marinig mo diyan kay Candy eh lalo pang uminit ang ulo mo."

Hayan tuloy at biglang trumiple yata ang lakas ng tibok ng kanyang puso dahil sa simpleng paghawak nito sa kanyang tenga. Sa totoo lang, nasa war mode parin si Yumi hanggang ngayon dahil hindi na niya maipaliwanag ang mga pabigla-biglang pagsalakay ng kaba sa kanyang dibdib sa tuwing nagkakalapit sila ni Pete. And it's getting worse every day.

Pinaikot lang ni Candy ang mga mata. "Bahala na nga kayo sa buhay niyo. Pero kung pwede lang sana ay magbati na kayo kasi hindi na makapagconcentrate sa trabaho ang mga tao dito. Puro na lang kayo ang pinapanood nila. Masyado na kasi silang invested sa love story ninyo kaya inaabangan nila ang susunod na mangyayari."

Inilibot ni Yumi ang paningin sa paligid at nahuli nga niya ang mga pasimpleng sulyap ng iba nilang mga kasamahan sa trabaho. Nahihiyang lumayo siya kay Pete.

"Candy, ano ang kinalaman mo dito?" ikinumpas ni Yumi ang kamay sa paligid.

Tila proud na ngumiti pa si Candy bago sumagot. "Ako lang naman ang president ng fans club niyo. Alam mo bang sikat kayo ni Pete? Hindi lang dito yan, may HR chapter din kami. Si Aira naman ang pasimuno doon."

"Candy!"

"Ano? Relax ka lang, Yumi. 'Wag kang high blood. Hayaan mo na kami. Kayo na nga lang ang kaligayahan namin eh. Saka malakas ang kapit namin sa taas. Alam mo bang may isa tayong big boss dito sa EcoUrban na fan niyo din?"

Natigagal siya sa narinig. Wala siyang kaalam-alam na ginagawa na pala silang entertainment ng mga ito.

"That's enough, Candy," singit ni Pete. "Don't mind her, babe. Wala lang 'yan magawa."

"Don't call me babe!" singhal niya dito saka nagmartsa palabas.

MATAPOS magpalamig ng ulo sa CR ay nagpasya nang bumalik si Yumi sa kanyang workstation. Nagulat siya nang makasalubong niya si Pete sa hallway na may kasamang dalawang lalaki.

"Star, mabuti at nakasalubong ka namin."

"Aalis ka?" bumaba ang kanyang paningin sa hawak nitong bag.

"Oo, nagkaroon ng emergency—" naputol ang pagsasalita nito nang tumunog ang cell phone nito. "Damn it!" He looked frustrated.

"Señorito, kailangan na po nating umalis," singit ng isa sa mga kasama nito.

Did he just call Pete señorito?

"I have to go, Star. I'll just call you."

"Pete, the elevator is waiting," singit ng isa pang lalaki.

"I'll be right there, Justin."

Iyon ba ang Justin na madalas kausap ni Pete sa cell phone?

Napansin naman ni Pete ang pagkalito niya, "I'll explain everything soon. I promise," pagkatapos niyon ay hinalikan siya nito sa noo at dire-diretsong sumakay sa naghihintay na elevator.

Naiwang tulala si Yumi sa hallway. Wala sa sariling umangat ang kamay niya upang haplusin ang noong hinalikan ni Pete. Why did she suddenly feel so lightheaded?

KINABUKASAN ay hindi pumasok si Pete. Takang-taka si Yumi dahil hindi naman umaabsent ito. Wala tuloy siyang ganang magtrabaho. Ganoon pala kapag wala si Pete. Parang walang kulay ang buhay. Napapabuntong-hiningang sinulyapan niya ang workstation nito.

"Uy, namimiss niya si Pete."

Inirapan lang niya si Candy pero mukhang hindi naman ito apektado sa kanyang ginawa.

"Ang balita ko ay isinugod daw sa ospital ang tatay niya."

"Ano? Sino ang may sabi?"

"Narinig ko lang noong sinundo siya dito kahapon ng dalawang lalaki. Nasa ospital daw ang tatay niya kaya siya pinapasundo. Mayaman pala talaga ang pamilya ni Pete ano?"

"Paano mo naman nasabi?"

"Kasi ngayon lang ako nakarinig at nakakilala ng tanong tinatawag na señorito. 'Yung seryoso talaga, hindi sarcastic."

Napatango na lang si Yumi. Siya man ay nagulat nang tawagin itong señorito ng isa sa mga kasama nitong lalaki.

"Alam mo ba ang tungkol doon, Yumi?"

"Medyo. Niregaluhan nga siya ng mga magulang niya ng Ferrari noong grumaduate kami eh."

"Wow! Bilib na talaga ako diyan kay Pete. Guwapo na, macho pa, may sense of humor din, super sweet at thoughtful, matalino at magaling na arkitekto, tapos mayaman pa!" tuwang-tuwang pag-e-enumerate ni Candy. "Kaya lang taken na siya."

"Taken?"

"Oo, taken for granted mo," pinanlakihan pa siya ng mga mata ni Candy pagkasabi niyon.

"Excuse me, Miss?" singit ng isang lalaki.

Nang lingunin ito ni Yumi ay namukhaan niyang ito ang tinawag ni Pete na Justin kahapon. "Yes?"

"Are you Ms. Bituin Mayumi Carson?"

Napangiwi siya nang marinig ang buong pangalan. "Oo, ako nga. Can I help you with anything?"

"Yes, I'm Justin. Kasama akong sumundo kay Pete dito kahapon. Kung hindi nakakaabala sa'yo ay gusto sana kitang imbitahing sumama sa akin sa ospital. Gusto kasi ni Tita Carmen na nandoon ka kapag nagising na si Pete."

"Nasa ospital si Pete? Bakit hindi mo sinabi agad? Tara na!" She immediately felt worried. Bakit ba ang haba-haba pa ng intro ng Justin na 'to? Sana sinabi na lang nito agad ang kalagayan ni Pete para nakaalis agad sila. Sayang ang oras.

My Bright Star (COMPLETE) - Published under PHRDonde viven las historias. Descúbrelo ahora