Another Gift

7.5K 232 12
                                    

HANGGANG nang gabing iyon ay hindi pa rin makalimutan ni Yumi ang mga nangyari kanina sa ospital. Nang masigurong maayos na nga ang kalagayan ni Pete ay nagpaalam na siya sa mga ito. Halatang ayaw pa sanang pumayag ni Pete kanina pero wala na din itong nagawa nang makitang hindi na siya komportable sa harap ng ina nito at kapatid. Paano naman kasi sa tuwing titingin siya kay Pat o sa mama nito ay nandoon ang mga makahulugang tingin at ngiti na ibinibigay ng mga ito sa kanya.

Hindi naman niya masisisi ang mga ito. Siya ba naman ang mag-iiyak doon kanina nang makita si Pete. It was really strange seeing him like that a while ago. Alalang-alala talaga siya. Nang yakapin siya ni Pete, it felt like it was the most natural thing to do. Nagpakawala siya ng isang malalim na hininga. Lately talaga ay kung anu-ano ang napapansin at nararamdaman niya tungkol kay Pete.

Sinusubukan na niyang matulog nang tumunog ang kanyang cell phone. Nakapikit na sinagot niya iyon.

"Hey, babe."

"Pete?"

"Yeah, bakit? May iba pa bang tumatawag sa'yo ng babe?" Hindi siya sumagot. Narinig niyang ilang beses na tumikhim ito sa kabilang linya bago muling nagsalita. "Ahm, Star, magpapaalam sana ako," biglang napadilat ang mga mata niya. "Are you still there, babe?"

"O-oo, nandito pa ako." Bakit biglang ang sarap naman yatang pakinggan ng pagtawag nito sa kanya ng babe ngayong gabi?

Napabuntong-hininga ito sa kabilang linya. "Ang hirap namang magpaalam sa telepono. Pwede ka bang lumabas sandali? I'm outside your house."

Napabalikwas siya ng bangon. Pagsilip niya sa bintana ay isang Pajero lang ang nakita niyang nakapark sa labas.

"Don't make fun of me, Pete. Wala naman sa labas ang kotse mo eh."

"I'm not using my car." Pagkatapos niyon ay nakita niyang bumukas ang pinto ng Pajero at bumaba mula doon si Pete. "I just wanna see you, babe. Kahit na 'wag ka ng lumabas. Sumilip ka na lang sa bintana or something."

Napakalambing naman yatang magsalita ni Pete ngayon. It's like he was using that boyfriend voice that she mentioned some time ago.

"Hintayin mo na lang ako diyan at lalabas ako."

Nang makalabas si Yumi ay lumapit agad sa kanya si Pete. Hindi ito nagsalita. He didn't even smile. He just looked.

Tumikhim si Yumi dahil naiilang na siya sa paraan ng pagtitig nito. Then she shifted her weight on her other feet.

"I just want to see you before I go. And to give you this," pagkatapos ay may inilabas ito mula sa bulsa at iniabot sa kanya.

"Ano 'yan?"

"It's a gift."

Wala sa sariling napaangat ang isa niyang kamay upang hawakan ang necklace na suot. The same necklace that Pete gave her before disappearing for about six months. At ngayon ay binibigyan nanaman siya nito ng "regalo." It was like deja vu.

"P-para saan 'yan?"

Pete just smiled. Pero siya ay hindi niya magawang ngumiti. She had a bad feeling about this.

"Come on, take it."

Bantulot na inabot niya ang regalong ibinibigay nito. It was a tiny bear. Halos kasing laki lang ng palad niya. Pero ang nakakuha ng pansin niya ay ang suot ng teddy bear sa leeg nito. It was a tiny necklace with a star pendant.

"S-salamat."

"You're welcome. Ahm, Star, pwede bang magrequest?"

"Ano?"

"Pwedeng payakap?" pero bago pa man siya makasagot ay nakapalibot na sa kanyang katawan ang mga braso nito. Gusto niya itong sawayin pero hindi naman niya magawa. She found that she liked the feel of his strong arms around her. Isa pa ay masarap sa pakiramdam ang ginagawa nitong paghagod sa kanyang likod. Then she felt him bury his face against her neck. Nanayo na yata ang lahat ng balahibo sa kanyang katawan nang maramdaman ang pagdampi ng hininga nito sa kanyang balat.

"P-pete?"

"Shh, let's just stay this way for a while."

Then she felt him squeeze her tighter. Pagkatapos ay hinalikan siya nito sa leeg! Bigla tuloy niya itong naitulak.

"Ahm, Pete," boses ba niya iyon? Why did it sound so husky? Tumikhim siya bago nagpatuloy. "Saan ka pupunta?" muling tanong niya.

"I'm headed to our province in Aurora tonight. Sumaglit lang ako dito para magpaalam sa'yo," hindi nakaligtas sa kanyang pandinig ang paglungkot ng boses nito.

Pagkatapos niyon ay pareho silang natahimik. Si Pete ay patuloy lang sa pagmamasid sa kanya samantalang siya ay nagsisimula nanamang mailang.

"Bati na tayo."

"Mamimiss kita."

Sabay pa silang nagsalita at sabay ding napangiti. Ganoon lang at nawala na agad ang munting tensiyong nabuo kanina sa pagitan nila. Back to normal na uli ang usapan. "Akala ko ba hindi ka nang-aaway?"

"Ang sabi ko lang bati na tayo, wala akong sinabing inaaway nga kita."

Isang ngiti lang ang isinagot ni Pete habang patuloy parin sa pagtitig sa kanya.

"Ahm, sabi mo kahapon bago ka umalis may ipapaliwanag ka sa akin."

"Yeah, pero hindi pwede ngayon. Nagmamadali kasi ako. I'll just call you, okay?"

"Okay, ingat ka sa biyahe. Teka, pwede ka na bang magdrive?"

Umiling ito. "I have a driver. Anyway, I have to go now. Mag-iingat ka habang wala ako ha? Kapag na-bore ka tawagan mo lang si Dessa at Ricky para lumabas. Pwede na din si Candy. Pero 'wag kang lalabas kasama ang kung sino-sino, okay? I'll check on you everyday."

"Tigilan mo nga 'yan, you're not my father."

Natawa lang ito at sa gulat niya ay bigla siya nitong hinapit sa bewang saka hinila siya palapit. "Just take care of yourself. Ngayon pa lang namimiss na kita."

Hindi na siya nakapagreact dahil mabilis nang bumaba ang mukha nito sa kanya. He covered her lips with his in a very gentle kiss. Yumi was too stunned to think. Kaya naman ginawa na lang niya ang ibinubulong ng kanyang instinct. Ipinikit niya ang mga mata at ipinaubaya kay Pete ang kapalaran ng kanyang first real kiss.

My Bright Star (COMPLETE) - Published under PHRWhere stories live. Discover now