(4 of 9) Meet the Campers

1.2K 59 3
                                    

Boys:

Carson Lamitee Lacson
-Physically fit, maayos ang tindig, maputi, matangkad at singkit ang mata. Ayan si Carson. Naging fit ang katawan nito dahil sa pagta-track and field nito. Sa tuwing may mga ganitong aktibidad sa school ay siya agad ang ipinanglalaban ng section dahil sa galing nito sa takbuhan. Dahil dito, tinawag siyang "Dauntless Runner" ng klase. Paano kung dahil sa pagtakbo ay mawala ang isang pinakaimportanteng parte ng buhay niya?

Trevor Mawsoon
-Ang "Selfie Lord" ng klase. Kahit na anong lugar man ang kanyang kinalalagyan ay nag-popose ito para mag-selfie. Friendly naman ito pero masyadong linked sa mga social networking sites na nauuso ngayon. Pero paano kung isang bagay ang maging dahilan upang itigil niya ang pagse-selfie?

Haiyun Kit Watchmill
-Ang "Science Master" ng buong school. Sikat ito dahil sa magandang ipinakita niya sa siyensiya. Hindi mo ito matatawag na geek dahil kahit na palaaral ay guwapo at matangkad naman ito. Siya rin ang Top 4 ng kanilang klase. Pero saan kaya siya dalhin ng pag-eeksperimento niya sa siyensiya?

Girls:

Ryeline Ynstein Federal
-Ang pinakamatalinong estudyante ng klase a.k.a Top 1. Maamo ang mukha at masikreto, ayan si Rye. Madalas ay sumasama ito kahit sinong estudyante ng klase kaya naman masasabi mong hinding ito mapili sa kaibigan. Siya rin ang "Class Bookworm" dahil puro lamang libro ang dala nito at madalas magpunta sa library. Ngunit maganda kaya ang dahilan kung bakit siya nagsisikap sa pag-aaral?

Charlie Maris Saintsfield
-Maganda, maingay at ang "The Eyeful Gossiper" a.k.a. tsismosa ng campus. Halos lahat ng mga crush, problems at address ng kanyang mga kaklase ay alam niya dahil sa pagiging tsismosa niya. Pero hindi pala lahat ng sikreto ay alam niya. Paano kung sa pagiging tsismosa niya ay malaman niya ang lihim na pinakatatago ng isa sa mga kaklase niya? Ano kaya ang gawin nito sa kanya?

Death Camp (COMPLETED)Where stories live. Discover now