(1 of 9) Meet the Campers

2.9K 85 4
                                    

Boys:

Sky Rayvince Arcega
-Mas kilala siya sa tawag na "Mr. Good Boy" dahil sa pagiging gentleman at matulunging estudyante nito. Dahil dito ay marami siyang mga nagiging kaibigan hindi lamang sa classroom nila, kundi pati na rin sa ibang section. Ngunit sa likod ng kanyang maamong mukha, ay isang lihim ang matagal na niyang pilit na kinalimutan. Matuklasan pa kaya nila ito?

Prince Yuan Calderon
-Ang tinaguriang "Cute Hunk" ng buong campus. Maamong mukha at malaking pangangatawan. Iyan ang mayroon siya. Pero ang sabi ng iba'y isnab daw ito at walang ibang alam kundi ang magpa-cute. Ngunit isang sikreto pala ang nagtatago sa likod ng kanyang malaking pangangatawan. Ano kaya ito?

Girls:

Thea Louise Cristoval
-"The Traitor" ang bansag sa kanya ng mga taong nakakikilala sa kanya sa campus dahil sa ginawa niya dalawang taon na ang nakalilipas. Traydor daw ito sabi ng dati nitong kaibigan na si Shiela matapos nitong agawin ang boyfriend niya na si Nikko. Kaya marami ang may galit sa kanya mula nang mangyari iyon. Ngunit isang gawain pala ang hindi nito maiwasang hindi gawin, na magiging dahilan upang pandirihan siya ng lahat. Pero paano kung may makakita sa kanya habang ginagawa niya ito?

Celine Del Rosario

-Ang "Talented Dreamer" ng klase. Bukod sa magaling ito sa pag-awit at pagsayaw ay magaling din ito sa pagdo-drawing. Kaya marami sa mga kaklase niya ang naiingit sa talento niya. Marahil daw ay naggagala ito nang magpaulan ng talento ang Diyos sa sanlibutan. Pero hindi lamang pala ito ang mga pinagkakaabalahan niya sa buhay. Anong sikreto kaya ito?

Eunice Trinidad

-Isang "Loner" kung tawagin ng karamihan. Madalas na earphones na nakasalpak sa kanyang tenga ang palagi nitong pinagkakaabalahan. Hindi rin siya yung tipo ng tao na palasalita kaya't maraming lumalayo sa kanya. At isa lang pala ang dahilan ng lahat ng ito, at iyon ay ang nangyari sa kanya ilang taon na ang nakalilipas. Ibalik pa kaya ito ng mga mangyayari? O mananatili na lamang itong hidden kagaya ng mga nararamdaman niya?

Death Camp (COMPLETED)Where stories live. Discover now