(2 of 9) Meet the Campers

1.9K 71 5
                                    

Boys:

Laidge Curten Adams
-"Mr. Speechless" ng kanilang section. Puro negative vibes ang dala sa classroom nang hindi niya sinasadya. Palaging may hatid na masamang kaganapan sa klase. Palaging malungkot at 'yung tipong kapag tinabihan mo, mamaya mapapaiyak ka na lang. Paano kung may magtapat sa kanya ng nararamdaman nito? Magbago pa kaya ang emosyon na palagi niyang dala?

Trent David Quintos
-"The Boy Next Door" ang madalas na palayaw niya sa campus. Isa siya sa mga dahilan kung bakit sikat ang section nila. Bukod sa guwapo ay mapagkumbaba rin daw ito. Madali rin niyang nagiging kaibigan ang lahat dahil magaling itong makisama at palaging nakangiti. Sa kabila ng mga ngiting ito ay mayroon palang nagbabagang sama ng loob sa isa sa mga kaklase niya. Sino kaya ito at bakit?

Girls:

Maycee Lazaro
-"The Guitarist" ang tawag sa kanya ng buong klase dahil sa tuwing may free time sila ay nagpapatugtog ito gamit ang kanyang gitara ng mga magagandang awitin at kakaibang musika. Maganda rin ang boses nito at mayroong maamong mukha. Dahil dito ay marami ang humahanga sa kanya sa ibang mga section. Pero paano kung isang hindi inaasahang pangyayari ang maganap sa kanyang buhay ngayon?

Ashley Kate Maraguillas
-Kilala dahil sa positibo nitong pananaw sa buhay. Walang inaatrasang mga dagok sa buhay at game sa lahat ng bagay. Friendly rin ito hindi lamang sa mga kapwa babae kundi pati na rin sa mga lalaki. Dahil dito, tinawag siyang "The Happy-Go-Lucky" ng kanilang seksyon. Pero isa lamang pala itong paraan para itago niya ang kanyang tunay na saloobin. Ngunit bakit niya kaya ito pinagtatakpan?

Lavander Summers
-Kung volleyball lang din naman ang pag-uusapan, tiyak na bida siya rito. At siya ang "Volleyball Superstar" ng section. Siya ang team captain ng grupo nila at siya rin ang Top 3 ng klase. Maganda rin ito at elegante kung pumorma. Ngunit paano kung may iba pa pala itong pinagkakaabalahan bukod sa volleyball?

Death Camp (COMPLETED)Where stories live. Discover now