(5 of 9) Meet the Campers

1.1K 53 2
                                    

Boys:

Jerron Jacob Jackson
-Ang "Disciplined Leader" ng kanilang klase, na mas kilala rin bilang Class President. Magaling at isang patas na pinuno. Ayan ni Jerron. Marunong tumayo sa sarili niyang mga paa dahil maagang naulila sa mga magulang. Kilala rin siya bilang si 'Triple J' o '3J' dahil sa kanyang pangalan. Ngunit mapanindigan niya pa kaya ang pagiging 'Class President' niya kapag natuloy ang camp?

Emmanuel Callis Xavier
-Basag-ulo, cutting classes, at cheating. Ayan ang mga salitang hindi maaaring mawala kay Emmanuel. Lahat ng mga ito ay gawain niyo noon pa man. Maraming naiinis sa kanya ngunit wala siyang pakialam sa iniisip ng mga ito. Kaya naman tinawag niya ang sarili niya bilang "The Rule Breaker" dahil dito siya magaling. Pero paano kung isang tao ang makapagpabago sa kanya dahil sa isang halik?

Girls:

Nina Jarrie Aristocrata
-Ang "Sophisticated Girl" ng buong campus. Hindi niya alam kung bakit tinawag siyang ganito ng buong school, laking bukid kase siya ngunit hindi halata dahil sa taglay niyang kagandahan. Marunong siyang magluto, maglaba at kung anu-ano pang gawain na hindi kayang gawin ng isang dalaga sa henerasyon ngayon. Kaya naman hanga ang karamihan ng mga kaklase niya sa kanya. Dahil dito, maraming lalaki ang nagkakainteres sa mga taglay niyang katangian. Paano kung isang lalaki ang magkagusto sa kanya? Hindi lamang basta lalaki, kundi isang lalaking may kasintahan na?

Shiela Marrusi
-Ang girlfriend ni Nikko na puno ng mga sikretong hindi alam ng buong klase, kaya nga tinawag siyang "The Great Pretender" ng buong campus. Kaakit-akit ang ganda nito kaya't kahit na may boyfriend na ito ay marami pa ring naghihintay dito. Pero paasa lamang daw ito sabi ng mga dating may gusto dito. Ngunit sabi nga nila, walang sikretong hindi nabubunyag. Paano na kung malaman ng lahat ang sikretong dati niya pa itinatago?

Genatto Teri Joaquin
-"The Horror Fangirl" ang tawag sa kanya ng mga kaibigan niya dahil sa hilig niya sa mga nasabing palabas. Halos i-apply na rin niya kase sa kanyang buhay ang mga napapanood niya sa mga ganitong klase ng pelikula. Minsa'y nilalayuan siya ng ibang estudyante dahil sa hilig niya ng mga madudugong eksena. E kung magkatotoo kaya ang lahat ng mga palabas na napapanood niya? At ang maganda pa roon, siya ang biktima!

Death Camp (COMPLETED)Where stories live. Discover now