Chapter Seven - Bottoms Up

656 48 2
                                    

KOMPORTABLE na ang grupo nina Ryeline at nagpapahinga na ang lahat nang biglang dumating sina Elinah at Charlie. Pawis na pawis ang mga ito at bakas pa rin ang takot sa mga mata nila. Nagsisigawan ang dalawa at hindi makausap nang maayos.

"Charlie, kailangan mong kumalma. Huminga ka muna. Para makuwento mo sa'men ang nangyari!" Wika ni Ryeline. Ginising na rin ni Kiko ang iba pa nilang kagrupo upang malaman ng mga ito ang nangyari sa mga nasa ibang grupo.

"Hindi... Ayoko na! Gusto ko nang umuwi! Itigil na natin 'tong camp na 'to! May killer na gumagala rito! Ayoko pang mamatay!" Umiiyak na si Charlie at nagpupumiglas mula sa pagkakahawak sa kanya ng mga lalaking kaklase.

"Elinah, ano ba talagang nangyare?!" Tumaas na ang tono ng pananalita ni Alexandre. Tiningnan siya ng dalaga saka sinimulang ikuwento ang nangyari.

Nang maisalaysay niya ang lahat ay tila hindi makapaniwala ang kanyang mga kaklase. May mga nagdesisyon na kunin at iligpit na ang kanilang mga gamit at magsiuwi na. Ngunit mayroon din namang naglakas-loob na hanapin ang lalaking tinutukoy ng mga kaklase.

"Hindi tayo dapat maghiwalay sa mga ganitong sitwasyon, hindi ba kayo nanonood ng mga horror movies? Mas napapabilis ang pagpatay ng killer pag naghihiwa-hiwalay 'yung mga biktima niya!" Paliwanag ni Yuan.

"Wala na tayong oras para sa mga jokes mo. At isa pa, kailangan kong bumalik! Nandoon pa ang kakambal ko! Hindi ko siya pwedeng iwan!" Naluluhang wika ni Pink.

"Hindi ako nagbibiro. Totoo ang mga sinasabi ko!" Pagpapaliwanag ni Yuan.

"Huwag na kayong magtalo, umalis na tayo rito para masabihan pa natin 'yung ibang mga grupo. Papalipasin muna natin ang gabi at bukas na bukas ay aalis na tayo!" Wika ni Kit.

"Ano?! Bukas pa tayo aalis? Hindi pwede! May lalaki nga na pumapatay rito! Ano bang hindi niyo maintindihan?" Galit na galit na wika ni Charlie.

"Huwag na tayong magtalo, umalis na tayo rito!" Sigaw ni Eunice. Natahimik naman ang lahat at nagmadali na sa paglisan sa lugar na iyon.

***---***

Mabilis na naglalakad si Thea. Hindi niya alam kung saan siya dadalhin ng mga paa niya. Hindi kase sinasadyang mapahiwalay siya sa mga kaklase nang habulin sila ng lalaking pumatay kay Andrea. Nahulog siya sa isang mababang bangin at saglit na nawalan ng malay. Pagkagising niya'y tahimik ang paligid at mag-isa na lamang siya. Agad siyang tumayo at naglakad papalayo sa parteng iyon ng gubat.

Madilim ang nilalakaran niya at nangangapa lamang ang kanyang mga paa upang walang kung ano na matapakan. Pero laking gulat niya nang makatapak siya ng isang trap. Isang alambre pala ang nakakonekta rito at nag-lock ang kanyang mga paa. Unti-unting humigpit ang pagkakatali nito. Sinubukan niyang paluwagin ang mga ito ngunit hindi umeepekto.

Sa pagmamadali niya ay nasugatan niya ang sarili niya sa isa sa mga dulo nito. Agad na tumulo ang dugo sa daliri niya. Lalo siyang nagmadali nang maalala niya na maaari siyang mapatay ng killer sitwasyon niyang ito.

Pero sadyang mapaglaro ang tadhana, hindi na niya namalayan na nasa likuran niya na pala ang lalaki na may hawak na isang bote.

Nang lingunin ito ni Thea ay wala na siyang ibang nagawa kundi ang sumigaw. At sa gitna ng pagsigaw niya ay siya namang pag-atake sa kanya ng lalaki. Gamit ang buong lakas ay puwersahang ipinasok ng lalaki ang bote sa bunganga ni Thea. Sa sobrang pagkakabaon nito ay nagsimula nang tumulo ang dugo sa labi ni Thea. Halos kalahati na ng bote ang nakapasok sa bibig ni Thea, ngunit hindi pa rin tumigil ang lalaki. Kinuha niya naman ang isang baseball bat na mula sa kanyang likuran. Alam na ni Thea ang mangyayari, pero nanigas na ang buo niyang katawan. Napako ang mga paa niya sa kanyang kinatatayuan at alam niyang wala na rin siyang takas. Ipinikit na niya ang kanyang mga mata. At unti-unting niyakap ang kanyang sarili...

At parang isang baseball ang bote na hinampas ng lalaki. Nagkabasag-basag sa loob ng bunganga ni Thea ang bote. Nagpasukan ang bubog sa loob ng bunganga niya at nagbigay ito sa kanya ng mga sugat sa loob ng bibig. Lalong lumakas ang tagas ng dugo sa kanyang bibig. Hindi na niya nakayanan pa ang lahat at napahiga na siya at unti-unting nanghina.

Napatingin siya sa buwan, at sa pagsulyap niya rito ay isang mukha ang humarang sa liwanag na nilalabas nito. Ang lalaking ito ay pamilyar para sa kanya. Hindi nga siya nagkakamali.

Hindi na nagdalawang-isip pa ang lalaki at muling hinampas nang hinampas ang dalaga sa iba't-ibang parte ng katawan. Napuno ng pasa ang kanyang binti, hita at braso.

"And for the finale..." Misteryosong wika ng lalaki, mabagal niyang ipinatong sa kanyang balikat ang baseball bat. At walang anu-ano'y pinakawalan niya ito nang may kasamang puwersa. Sapol sa tiyan si Thea. At doon na siya binawian ng buhay.

Umupo ang lalaki at nilapitan ang mukha ni Thea. Pinagmasdan niya ang bawat sugat na nilikha niya rito. Maya-maya lamang ay muli itong nagsalita.

"Umiinom siya ng alak, at pagkatapos niyang uminom ay pinipilit niya ang sarili niya na sumuka. At kapag naisuka niya na ito ay itinatabi niya ito at muli niyang iniinom. Sa ganitong gawain siya nare-relax. At ito ang addiction niya. Medyo baboy, ah. Pero, dahil 'yan ang trip mo, wala na akong magagawa pa. Nabisto kita." Wika niya saka tumawa.

"Mga mahal kong kaklase, pagmasdan niyo ang mga sarili niyong mamatay sa mga palad ko..." Misteryoso niyang wika.

Death Camp (COMPLETED)Where stories live. Discover now