Chapter Ten - Who's The Killer

573 30 9
                                    

MAHIGIT isang oras din ang naging paglalakad nina Laidge at Ashley bago nila nahanap ang ikalawang grupo. Agad silang kumilos upang mabalaan ang mga kaklase tungkol sa nangyari kay Sky.

Nasa malayo pa lamang ang dalawa nang makakita sila ng ilaw na nagmumula sa apoy. Marahil ay nakapaghanap ang mga ito ng mga kahoy at lighter na magagamit nila panlaban sa lamig.

"Bilisan na natin, Laidge, baka mamaya, sila na pala ang susunod na pupuntiryahin ng baliw na 'yon." Wika ni Ashley na seryoso ang mukha. Naunang tumakbo ang dalaga kaya't sumunod na lang sa kanya si Laidge.

Mahimbing na natutulog ang lahat ng mga nasa ikalawang grupong kahit pa sa dayami lamang na pinatungan ng kumot sila nakahiga. Pagkarating na pagkarating ng dalawa ay agad nilang ginising ang iba pa nilang mga kaklase.

"Oh, Ashley? Laidge? Anong ginagawa niyo rito? Hindi ba ibang group kayo? Nandito ba kayo para manghingi ng mga stocks namin?" Tanong ni Celine habang kinukusot pa ang kanyang mga mata.

"Kailangan niyong sumama sa amin, aalis na tayo rito! May kung sinong psychopath na nakisali sa camp natin!" Nakakapit pa ang isang kamay ni Ashley sa kanyang ulo habang ginigising pa ang iba pa nilang kaklase.

"Ha?! Psychopath? Ano ba talagang nangyari? Nangti-trip yata kayo e." Nakisingit na rin si Anya. Halata ang pagkabalisa niya dahil sa sinabi ng dalawang kaklase.

"Hindi namin kayo pinagti-tripan, maniwala kayo sa amin! Tara na, buhatin na natin 'yung mga gamit niyo para makabalik na tayo sa kanila!" Pagkatapos na magising ni Laidge ang lahat ng kaklase ay kumuha na siya ng ilan sa mga bag at binuhat ang mga ito.

Paalis na silang lahat nang may mapansin ang leader ng grupo na si Anya. Napaangat ang kanyang hintuturo habang tinuturo ang lahat ng mga kagrupo at saka nagbilang. Tila may nawawala sa mga kasama niya.

"May nawawala sa atin! Wait lang!" Sigaw niya.

"Guys, i-check niyo ang isa't-isa para malaman kung sino ang kulang sa inyo." Kalmadong wika ni Ashley.

"Nawawala si Cloud!" Bulalas ni Lavander.

"Sino ba sa atin ang huli niyang kasama kanina?" Tanong ni Anya. Nagkatinginan lang sila pero walang nagbalak sumagot.

"Huwag naman sana... B-baka kinuha na siya noong psychopath na tinutukoy niyo." Natatakot na sabi ni Celine na bumasag sa saglit na katahimikan.

"Pwede rin, Celine. Pero hindi rin malabong siya pala ang tinutukoy nila Ashley at Laidge na psychopath. Wala namang ibang nakakaalam na nandito tayo e. Tayo-tayo lang din." Wika ni Red habang nataas ang hintuturo.

Nagulat ang lahat sa sinabi ng binata. Tama siya, maaaring si Cloud ang may gawa ng lahat ng iyon. Kahit pa kaklase nila ito at naging magkakaibigan sila ay hindi malabong may iba pa siyang motibo para gawin iyon kay Sky.

"Pero kilala ko si Cloud! Hindi siya ganoong klase ng tao, huwag muna kayong gumawa ng mga deductions niyo dahil wala pa naman tayong alam!" Sigaw ni Lawrence.

"Sige, Lawrence! Hold on to that chance that your friend is not that psychopath trying to annihilate our camp!" Diniinan pa ni Red ang pagbigkas sa salitang "friend". Hindi na lamang sumagot sa kanya si Lawrence.

"He that makes himself a sheep shall be eaten by wolves..." Wikang muli ni Red. Nanatiling tahimik ang lahat. Balak pa sanang sumagot ni Lawrence pero nagsalitang bigla si Anya.

"Mag-iiwan na lang ako ng note dito para aware siya kung nasaan na tayo, kung babalik man siya rito." Nagsimula nang magsulat si Anya sa malaking piraso ng papel at inilapag ito sa dayami. Pinatungan niya ito ng mga bato para hindi liparin ng hangin.

"Tara na, umalis na tayo!" Sigaw ni Laidge. Agad silang umalis upang balikan ang iba pa nila mga kaklase.

Habang nasa kalagitnaan sila ng paglalakad ay isang bagay ang nakakuha ng atensyon nilang lahat. Nagdalawang-isip pa si Ashley kung kukunin niya ba ito.

Isang puting tela ang nakadikit sa isang puno. Idinikit ito gamit ang dalawang piraso ng push pins. Nakatiklop ito ngunit halata na mayroong nakasulat sa loob nito dahil bumakat sa likuran nito ang ink ng pen na ginamit. Siguradong may nagkabit nito rito upang maghatid ng mensahe.

Tinanggal ni Ashley ang mga push pins upang makuha ang tela. Bumuo pa sila ng bilog bago ito tuluyang nilantad ni Ashley. Tama nga sila ng pagkakaintindi. May nagbibigay sa kanila ng babala ayon sa nakasulat rito.

Count from 1-20 to save your souls!

F-Y-O-N-D-Y E-M-O Y-H
H-U-Q V-S-U-T-L-X

"It looks like he wants us to play with him..." Wika ni Laidge. Lahat sila'y nakatitig pa rin sa mga letrang nakasulat sa maliit na piraso ng papel.

"Walang kuwenta. He's just messing with our minds! Huwag na nating intindihin 'yan!" Sigaw ni Garrie.

"Mabuti pa't maglakad na tayo! Kailangan na natin makabalik doon as soon as possible!" Dagdag pa niya.

"Sa palagay ko, hindi natin 'to dapat balewalain. There's a hidden message behind these letters! Kailangan na natin 'tong i-decode!" Kontra ni Lavander na parang may pagkasabik sa mukha saka kinuha kay Ashley ang piraso ng tela.

"Mamaya na natin ito i-decode kapag nakabalik na tayo sa kanila. Tama si Garrie, kailangan na nating umalis." Sabi ni Anya sabay kapit sa balikat ni Lavander. Wala na silang nagawa pa dahil ang leader na nila ang nagsabi. Naglakad na sila ulit papunta sa grupo nina Ashley at Laidge.

"Kahit anong tingin ko rito, wala talaga akong maintindihan." Wika ni Lavander na tila kinakausap ang katabi na si Celine.

"Huwag mo na kasi 'yan sagutin, feeling ko naman wala lang 'yan e. Nanti-trip lang 'yung may gawa niyan!" Sabi ni Celine.

"Nanti-trip? Nagsayang siya ng effort sa pagsusulat sa tela? May tiwala ako sa instincts ko. Ang kailangan ko lang talaga ngayon ay isang tao na may alam sa mga codes..." Wika niya habang binabali-baliktad ang piraso ng tela.

Ilang segundo silang nanahimik na parang napaisip. Maya-maya pa ay bigla silang nagkatinginang dalawa.

"Si Ian!"

Author's Note:

Hello! sagutin niyo 'yung code para malaman niyo kung sino 'yung killer. Ang dami ko nang clues na pinamimigay ah, comment niyo nga kung sino guess niyo. Haha!

Death Camp (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon