(6 of 9) Meet the Campers

1K 49 2
                                    

Boys:

Nikko Aluser
-Ang "Health Buff" ng klase. Maganda ang tindig ng pangangatawan at palaging nag-eexercise. Hindi ito kumakain ng mga street foods at mga pagkaing mamantika. Sa madaling salita, mapili ito sa pagkain. Gaya rin ng pagiging mapili niya sa babae. Ang kasintahan niyang si Shiela, ang madalas niyang kasama. Ngunit hindi siya ganoon ka-conscious sa pag-aaral niya kaya karamihan sa mga subjects niya ay bagsak. Pero kapag ba nalaman ni Shiela ang totoong ginawa nito noon ay ano kaya ang magawa sa kanya nito?

Quico Rodrigo
-Gitara, drums, lyre, saxophone at trumpet. Ilan lamang iyan sa mga instrumentong kaya niyang patugtugin. Marami ang bilib sa talento niyang ito hindi lamang sa kanilang classroom kundi pati na rin sa buong school. Maganda rin ang boses nito kaya madalas silang mag-jamming kasama ng mga kaklase niyang marunong ding gumamit ng mga instrumento. Kaya naman "Mr. Instrumental" ang bansag sa kanya ng mga kaklase niya. Anong instrumento kaya ang gamitin sa nalalapit na niyang kamatayan? Mapabilib pa kaya niya ang buong campus kapag nalaman ng mga ito ang ginawa nito noong nakaraang taon?

Lawrence Tan
-Ang "Class Singer" at kilala rin sa palayaw na 'Rence'. Madalas siyang sumali sa mga singing competitions sa loob ng paaralan. Marunong din itong makisama at madaling hingian ng tulong. Magaling itong umawit kaya't maraming babae ang napapaibig niya sa mala-anghel niyang tinig. Paano kung hindi lamang ang boses niya ang maging mala-anghel kundi pati na rin ang kanyang sarili?

Girls:

Anya Arita
-Ang estudyanteng hindi mawawala sa lahat ng klase. Ang "K-Pop Fan" na walang ginawa kundi ang mag-post ng kung anu-ano tungkol sa mga iniidolo niya. Marami siyang kaibigan ngunit hindi mawawala ang mga kaaway. Madaming tao ang naaartehan sa kanya dahil sa mga ginagawa niya kaya madalas siyang bully-hin. Madami ring nagagalit dahil sa porma niyang nakikita lamang na suot ng mga Koreano at hindi sa isang Pinoy na tulad niya. Ngunit hindi pala lahat ng api, palagi lang nasa ibaba. Paano niya kaya mapaaangat ang kanyang sarili sa kabila ng lahat ng mga taong nangmamaliit sa kanya?

Chloe Lozelle Faustus
-Marunong kumuha ng mga litrato na may anggulo. Siguro nga ay talento na niya ang pagkuha ng mga larawan kahit na hindi niya galingan ay maganda pa rin ang kinahahantungan nito. Artistic at detalyo kung gumawa ng mga projects at madalas din siyang gawing organizer at photographer ng mga events at programs sa schools. Dahil dito, tinawag siyang "The Class Photographer" ng kanyang mga kaklase. Sa kabila ng lahat, tamasahin niya pa kaya ang maganda niyang kinabukasan sa pagkukuha ng litrato o larawan na lamang din niya ang matitirang ala-ala sa obitwaryo?

Death Camp (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon