Chapter Eighteen - Surprises

528 21 0
                                    

"TUMAKBO na lang kaya tayo? Baka maabutan pa tayo ng pumatay kina Nina at Tamara kung maglalakad lang tayo nang ganito kabagal." Nagbubutil-butil na ang pawis ni Maycee dahil sa nadatnan nila. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala sa kanyang isip ang hitsura ng dalawa nilang kaklase na wala nang buhay. Duguan at halatang pinahirapan bago patayin.

"Tama si Maycee, what if pati tayo, balak din niyang patayin? Ano nang gagawin natin? Wala pa naman tayong kahit na anong panlaban sa kanya." Pagsang-ayon ni Teri.

"Take note, si Cloud ang may pakana ng lahat ng ito. Mabuti na lang at hindi siya aware na nahulog niya pala ang bracelet niya. Tsk! Naiinis ako sa kupal na 'yon! Napakasama. Akala mo naman, may nagawa tayong pagkasama-sama sa kanya para gawin niya 'to sa atin." Wika ni Trevor habang nakanguso at nakakuyom ang mga palad. Hindi sila makapaniwala na magagawa ito ni Cloud sa kanila. Ngunit lingid sa kaalaman nila, na ibang tao ang may gawa nito.

"'Wag muna tayong manghusga. Malay ba natin kung may ibang gumawa nito at pinagmukha lang niyang si Cloud ang gumawa nito para mapunta sa kanya ang lahat ng sisi." Wika naman ni Violet.

Napatahimik nito ang lahat ng kanyang kagrupo at nagpatuloy na lamang sila sa paglalakad. Ang mga kalalakihan ang nagbubuhat ng mga kagamitan nila samantalang ang mga babae naman ang may dala ng mga pagkain na isinilid nila sa mga damit na ibinuhol lamang ang mga butas.

"Kung alam ko lang talaga na ganito ang mangyayari sa camping natin, siguro hindi na lang ako sumama." Nakabusangot na wika ni Trevor.

"Sus, Trevs, wala naman sa ating may gusto na mangyari ito e. Lahat tayo biktima lang." Nangunguna sa paglalakad si Jerron at nasa gitna nila ang mga babae. Sa dulo naman ay nakamasid sina Trevor at Carson.

"Guys? Nakikita niyo ba 'yung liwanag na 'yon?" Nagtatakang tanong ni Carson habang itinuturo ang munting liwanag na makikita sa likod ng mga puno. Hindi ito napansin ng iba pa niyang kasama dahil nagpopokus ang mga ito sa daang tinatahak nila.

Napatingin ang lahat ng kagrupo niya sa kanyang itinuturo. Lahat sila ay napatigil sa gitna ng kagubatan. Sinusubukan nilang alamin kung saan nagmumula ang liwanag na iyon.

"Isa yata iyong bahay?" Wika ni Jenna habang naniningkit ang kanyang mga mata. Hindi kasi nila masyadong maaninag ang pinagmumulan ng liwanag dahil nakatago ito sa mga makakapal na dahon ng puno.

"Hindi iyon isang bahay. Mukhang isa iyong kamalig." Wika ni Maycee habang nakasilip sa telescope na nahanap nila.

"Tara, puntahan natin. Baka makahingi pa tayo ng tulong." Sambit ni Jerron na nauna nang maglakad papunta sa kamalig. Wala ring alinlangang sumunod sa kanya ang anim pang kagrupo.

***---***

"Teka lang, tumigil muna tayo. Napapagod na ako. Pahinga muna!" Wika ni Alexandre habang nakayuko. Napatigil din tuloy sa paglalakad sina Kit, Elinah at Eunice.

"Hindi tayo pwedeng magpahinga, Alexandre. Alam mo naman na kailangan pa nating mahanap 'yung ibang grupo." Kontra ni Eunice na halatang pagod na ngunit nagpapakatatag pa rin.

"Oo, alam ko naman 'yun. Kaso talagang napapagod na ako." Angal muli ni Alexandre na lalo pang nilakasan ang paghingal upang mapansin ng mga kasama niya na pagod na talaga siya.

"Pre, kaya natin 'to! Tingnan mo nga 'yung mga babae, hindi pa rin sumusuko. Mahiya ka naman, pre!" Biro ni Kit sabay akbay sa kaibigan. Sa sobrang hiya ay tumayo na lamang ulit nang tuwid si Alexandre at nauna nang naglakad.

"Bilisan niyo naman!" Biro niya habang sumesenyas pa. Napatawa na lamang silang tatlo at naglakad nang muli.

"Teka lang, ano 'yon?" Muli silang napatigil nang magsalita si Elinah. Napalingon sila sa dalaga na nakatitig sa isang malapit na puno. Nilapitan siya ng tatlo at sinundan ang kanyang tinitingnan.

"Mukhang may gustong makipaglaro sa atin ah." Makahulugang wika ni Eunice nang makita niya ang isang buong papel na nakadikit sa isang puno.

Mabilis nilang nilapitan at kinuha ang papel. Lahat sila'y may pagtataka sa kanilang mga mukha nang makita ang nakasulat dito. Hawak ni Eunice ang papel. Sina Alexandre at Elinah ang nasa tabi niya at si Kit naman ang nasa harap niya. Halos sumabog ang mga utak nila nang mabasa nila ang nakasaad dito.

"Saang numero nakaparada ang sasakyan?"

16 06 68 88 🚘 98

"Shit! Anong ibig sabihin nito?!" Naiinis na sigaw ni Alexandre habang pilit na iniintindi ang nakasulat sa papel.

"Mukhang kailangan siguro nating mag-solve nang walang calculator." Hula ni Elinah habang pinagdudugtong niya sa kanyang isip ang mga numerong nakasulat sa papel.

"Oops, mali kayo. Walang kailangang i-solve. Alam ko na ang sagot..." Wika ni Kit habang nakangisi. Napakunot na lamang ang kanilang noo sa sinabi ng kasama nila. Isang tanong lamang ang pumasok sa kanilang mga isipan. At iyon ay kung paano niya nalaman ang sagot.

Author's Note:

Short update muna. Haha! At least nakadalawa akong update sa isang linggo! Alam niyo ba ang sagot? Comment niyo naman oh. Di ko rin kasi alam e. Joke lang! Sana makapag-update ako next week! Thank you sa patuloy pa ring nagbabasa. Kung meron man.

Death Camp (COMPLETED)Where stories live. Discover now