Random Facts And Trivia About Death Camp

768 14 2
                                    

1. Ang lahat ng names at surnames ng characters dito na hindi kayo pamilyar, imbento lang at karamihan galing sa telebisyon. Hahaha! Halata naman 'di ba? Ang ilan dito ay Curten, Sather, Keithstub, Aristocrata, at Saune. O 'di ba? Waley na waley ako kapag sa pagbibigay na ng names kaya hayaan niyo na!
   
   
     
2. Wala akong idea kung saan ko isasaksak sa story ang lahat ng lines ng characters sa prologue na nabanggit. Buti na lang na-insert ko. Galing anu?
  
      
  
3. Nakakapag-publish lang ako ng chapter/s kapag may kinabubuwisitan ako. Sa tuwing may classmate akong naiinis ako, ang ginagawa ko, siya 'yung ini-imagine ko sa chapter na 'yon na papatayin. So alam niyo na kapag maraming chapters ang sunud-sunod na napa-publish, ha?
  
     
   
4. Ang dami kong notebook na pinagsusulatan ng mga pangalan at symbols kahit wala namang ibang nakaiintindi kundi ako lang. Magkakasama 'yung mga pangalan noong mga magkakasama sa camp. Tas may cross 'yung dedz na.
  
     
       
5. Ayokong umabot sa eight na lang 'yung natitira sa kanila kasi gusto ko lumampas pa sa sampu pero wala e. 'Yun 'yung naganap sa ending! :(
   
      
    
6. Walang maayos na papupuntahan 'tong story! Obvious naman. Kung ano lang 'yung masulat ko sa chapter na 'yun, basa lang ulit tas publish na! Bahala na sa susunod na chapter si Batman.
     
      
    
7. Si Garrie talaga dapat 'yung killer noong nasa first twenty chapters pa lang ako ng story. Pero napagtanto ko na papatayin ko na lang siya sa story at pasabog 'yung pagkamatay niya kasi mare-reveal na 'yung killer sa chapter din na 'yun.
     
   
       
8. 'Yung ganap sa epilogue, way ko lang 'yun para makagawa ulit ng bagong story kung saan sila pa rin ang characters pero wala na silang maaalala kasi basta. Basahin niyo na lang 'yung bagong story ko. Hahaha!
    
        
    
9. Dapat mayroon pang part sa story kung saan malalaman lahat ng pinakatatago nilang sikreto pero pili na lang 'yung binunyag ko kasi baka maubusan ako ng mga sikreto nila. Mema na lang kasi karamihan e.
    
       
    
10. Hindi lang walo ang bilang ng mga estudyanteng nakaligtas sa ending. Kung akala niyong sina Ashley, Elinah, Kirsley, Lavander, Lawrence, Luke, Teri, at Violet lang ang buhay, puwes, nagkakamali kayo! Abangan niyo na lang sa bagong story kung sino siya/sila.
     
     
     
THANK YOU SA PAGBABASA AT SA LAHAT NG SUPORTA! ❤

Death Camp (COMPLETED)Where stories live. Discover now