Chapter 18

408K 4.2K 162
                                    

Chapter 18


KEI'S P.O.V

Nandito kami ngayon ni Jade at Jelly sa mall. Halos magkakasabay na kaming nag-out dahil sa bagong schedule. 2nd week na ng December ngayon at malapit na kaming mag-isang buwan ni Kyle. So far, wala pa naman kaming nagiging problema bukod sa pagseselos ko sa mga naging ex niya na panay pa rin ang text sa kanya. Hindi niya naman mapalitan yung number niya dahil may mga hinihintay siyang tawag ng mga kliyente nila.

"Going strong pa rin ba kayo ni Papa Kyle? Ibigay mo siya sa akin 'pag nagsawa ka na!" natatawang sabi ni Jade habang hawak-hawak yung isang damit na pambata. Naghahanap kasi kami ng mga ipangreregalo sa mga inaanak namin, malapit na ang pasko at mayroon lang naman akong walong inaanak.

"Oy, ikaw talaga Jade, sa tingin mo ba maghihiwalay pa yang dalawa na 'yan? Samantalang nung nasa outing tayo kulang na lang buhusan sila ng isang timba ng langgam!" naaasar na sabi ni Jelly kay Jade.

"Hoy h'wag ka! Mayroon nga dyan ikakasal na dapat pero naghihiwalay pa rin!" sabi ni Jade saka isinauli yung hawak niyang dress na pambata.

Napalunok naman ako. Ikakasal na 'yon ha? Paano pa kaya kami ni Kyle wala pa nga kaming isang buwan na mag-boyfriend?

"Hoy! Ibahin mo si Kyle! Kitang-kita naman sa mata nung lalaki na 'yon kung gaano niya kamahal 'tong si Kei. Saka isa pa, tignan mo nga sumama siya sa outing natin last month kahit na wala naman siyang kakilala! Isa lang ibig sabihin non, si Kei lang talaga ang pinunta niya sa outing!" sigaw ni Jelly. Pinagtitinginan kami dito sa mall pero wala kaming pakialam. Tama rin naman si Jelly. Wala namang kaibigan o kakilala si Kyle sa outing namin kung hindi ako lang. Nakisama siya sa mga katrabaho ko para sa akin.

"Tama ka naman. Pero teh, lahat ng tao nagbabago!" sabi ni Jade saka umiling iling pa.

Si Kyle? Magbabago? Hindi naman siguro. Mahal ako ni Kyle. Mahal na mahal.

"Ibahin mo nga sinabi si Kyle!" sabi ni Jelly at saka sinulyapan ako ng tingin.

"Oo na! Ibahin na! Iba na si Kyle na boyfriend ni Kei!" tumatawang sabi ni Jade.

Wala namang dahilan para magbago si Kyle, 'di ba? Saka siya na rin ang nagsabi sa akin, gusto niya akong bigyan ng perfect relationship.

Tinignan ko ang basket na dala ko. Isa na lang ang kulang na regalo para sa mga inaanak ko, tapos sila Mama naman ang ibibili ko. Pati pala si Kyle saka ang Mommy at Daddy niya.

Napag-usapan kasi namin na sa kanila kami magno-noche buena, tapos sa 25 uuwi ako ng Laguna para makasama sila Mama. Ako lang yung makakauwi kasi ang daming projects ni Kyle ngayon sa studio dahil December. Kawawa naman dahil araw-araw siyang pagod sa trabaho.

"Pagkatapos nating mamili kumain tayo ng merienda ha! Nagugutom ako!" sabi ni Jade.

Tumango naman kaming dalawa ni Jelly. Nakahanap na ako ng ipangreregalo kela Mama, tapos sa parents ni Kyle naisip kong regaluhan sila ng comforter, para naman sigurado akong magagamit nila. Tapos si Kyle binilhan ko siya ng polo shirt na kulay pink. Hindi ko pa kasi siya nakikitang nagsusuot ng pink. Ano kayang itsura niya? Gwapo pa rin siguro? Kahit ano namang isuot ng boyfriend ko, gwapo pa rin siya.

Pagkatapos naming mamili dumiretso kaming tatlo sa isang coffee shop para mag merienda.

"Grabe buti na lang talaga at sale ngayon! Kung hindi, butas na naman ang bulsa ko!" reklamo ni Jade. Paano ba naman kasi siya ang pinakamaraming binili sa aming tatlo? Diyos ko sa pitong kapatid niya palang lugi na siya. Mabuti na lamang at solong anak ako.

"Okay lang yan, once a year lang naman," nakangiting sabi ko.

Napatigil ako sa pagkain nang marinig kong mag-ring ang phone ko. Naghagikhikan naman sila Jade. Sino pa nga bang tatawag sa akin?

"Hey baby, I just wanna know kung pauwi na ba kayo? Mukhang pwede ko kayong sunduin galing sa pag-sho-shopping niyo, maaga kaming natapos sa photoshoot," masayang bungad ni Kyle.

"Nagmemerienda pa kami, kumain ka na ba?"

"Hi! Papa Kyle!" sigaw ni Jade. Narinig ko naman ang pagngisi ni Kyle.

"Hindi pa, mag-dinner tayo sa labas pagkahatid natin kela Jade? Nami-miss na kita." seryosong sabi niya. Narinig kong nagliligpit siya ng gamit sa studio niya.

"Kung sa bahay na lang kaya? Mukhang pagod ka na," pag-aalala ko. Maghapon siya sa studio tapos ako naman maghapon sa resto. Tuwing gabi na nga lang kami nagkikita dahil sa trabaho namin, tapos parehas pa kami pagod.

"No baby, I'm okay. Gusto kitang makasama, matagal tagal na rin tayong hindi lumalabas." Pagpupumilit niya.

"Matagal? Parang 2 weeks lang?" Natatawang sabi ko.

I heard him sigh.

Akin Ka [Published under Sizzle/Summit Media]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon