Chapter 36

303K 3.4K 272
                                    

Chapter 36


KEI'S P.O.V




Napaubo sila Jade sa sinabi niya, tinignan ko si Kyle at nakumpirma kong alam na niya ang tungkol saamin ni Marie.



Sandali niya akong tinitigan sa mata matalim at galit ang tingin niya sa akin. Padabog siyang tumayo at umalis, tumakbo ako at hinabol ko siya!




Pagkabukas na pagkabukas ng elevator sumakay kaagad siya doon, magsasara na ito pero agad akong nakasakay at mabilis ko siyang niyakap! Nag unahang tumulo ang luha ko!



"I'm sorry Kyle!!" Sigaw ko, naramdaman ko ang paghinga niya ng malalim, hindi niya pa rin tinatanggap ang yakap ko sakanya! Nanatiling nakababa ang mga kamay niya.




Tanging pag iyak ko lang ang naririnig ko ngayon dito sa loob ng elevator, ng tumunog ito at nagbukas naramdaman ko ang pilit na pag alis niya ng yakap ko sakanya, kaya mas lalo kong hinigpitan ang yakap ko!



"No Kyle...please...Patawarin mo ako..." Umiiyak na bulong ko! Basang basa na ang damit niya dahil sa luha ko.




"Bitawan mo ako Kei." Para akong pinaso ng marinig ko ang sinabi niya, nanghina ako at hindi ko na namalayan na natanggal na niya ako sa pagkakayakap ko sakanya!



Nagmadali siyang lumabas.



"KYLE!" Hinila ko ang braso niya pero itinataboy niya ako!



"Magpapaliwanag ako Kyle!Makinig ka naman!" Sigaw ko sakanya! Halos pumiyok na ang boses ko dahil sa pag iyak!



May nagbukas ng pinto dahil sa ingay namin dito sa hallway, kaya naman hinila ko siya papasok sa kwarto namin nila Jade.



"Ano pang ipapaliwanag mo? Malinaw na ang lahat sa akin Kei..." Dun ko lang napansin na umiiyak na rin siya, magkaharap kami ngayon... Ang bilis ng paghinga niya dahil sa pinipigilang paghikbi.



"Kyle... Natakot lang ako... Kasi...kasi..."



"Kasi ano?!Nak ng putcha naman Kei!Sigaw mo na yan!Kasi mahal mo si Tom!!" Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at umiling iling ako.



"Hindi Kyle...ikaw lang ang mahal ko..."



"Ha! H'wag na tayong maglokohan Kei! Nagpapalit nga kayo ng kakambal mo di ba?! Para makasama mo si Tom! Tangina naman Kei, sana dinahan dahan mo na lang yung pang iiwan sa akin kesa ginago mo ako ng ganito!" Nanginginig ang boses niya sa pagsigaw! Nagtangka akong hawakan ang kamay niya pero itinulak niya ako!



"Kyle hindi..."



Mas lalo akong natakot ng hilahin niya ang kamay ko at isinandal niya ako sa pader, kinorner niya ako at mariin niyang pinagtagpo ang mata naming parehong hilam na sa luha! Punong puno ng sakit at galit ang mga mata niya dahil sa akin!




"Pwes ano?!Gulong gulo na ako Kei!Higit sa lahat sobrang sakit na!Hindi mo lang alam kung ilang araw na akong parang gago na isip ng isip sayo!!"



"Si Marie!Si Marie ang matagal mo ng mahal Kyle!Siya yung kakambal ko na kaklase mo nung kinder ka at hindi ako!!" Ipinikit ko ang mata ko at naramdaman ko ang pag agos ng luha don, nanginginig ang buong katawan ko sa takot sakanya at sa sakit na nararamdaman ko.



"W-What?" Naguguluhan na tanong niya... Tinignan ko siya sa mata niya, nakakunot ang noo niya at mas lalong nag unahang tumulo ang luha niya.



"Natakot ako na baka pag nalaman mong hindi ako yung matagal mo ng hinahanap iwanan mo ako..." Umiiyak na bulong ko.



"Natakot ako na sayo ko mismo marinig na hindi mo talaga ako mahal! Dahil Kyle mahal na mahal kita..." Halos pumiyok ako sa huling sinabi ko.



Tinalikuran niya ako at ginulo niya ang buhok niya! Nahilamos niya rin ang palad niya sa mukha niya.



Napapitlag ako ng sipain niya yung side table sa kama at ibinato niya yung lamp shade!



Humarap siya sa akin na pulang pula ang mata at mukha. Frustration is written all over his face.



"Tangina talaga." Matigas na bulong niya, nakakuyom na ngayon ang kamao niya at napapikit ako ng lumapit siya sa akin at sinuntok niya yung pader sa gilid ko.



"Ikaw yung minahal ko!Ikaw yung kasama ko! Putangina Kei alam mong baliw na baliw ako sayo kulang na lang ipamental mo ako sa pagkabaliw ko sayo tapos sasabihin mo iiwanan lang kita dahil sa walang kwentang nakaraan na yon?!!"



"Oo Kei, naniwala ako na ikaw yung babaeng una kong nagustuhan nung bata pa ako! Pero hindi ako gago para iwanan ka ng ganun ganun na lang kung malaman kong maling tao pala yung nahanap ko! Ikaw yung nakita ko eh!Ikaw yung nagpatibok nitong lintik na puso ko hindi yung kakambal mo!Ikaw lang yung babaeng kahit kailan alam kong hindi ko ipagpapalit!!" Galit na galit na sigaw niya sa akin! Ayaw tumigil ng luha ko at ganun rin siya!




"So-sorry Kyle...Sorry natakot ako... Sorry kasi pinangunahan kita..."



"Enough. Ayoko ng marinig yang lintik na sorry mo! Hindi ba sabi ko naman sayo tiwala lang? Putcha nasaan yung tiwala mo sa akin?"



Pilit kong hinawakan ang mukha niya at pinunasan ang luha niya, pero umiling iling siya.



"Sinabi ko sayo na yang pagmamahal na yan yung magiging ugat ng pagtitiwala natin sa isa't isa... Pero sa ginawa mo Kei... parang nilinaw mo na rin na hindi mo ako mahal dahil wala kang tiwala sa akin Kei...walang wala..." Umiiyak na bulong niya.




"Mahal kita Kyle!!!" Sigaw ko pero hinawakan niya ang kamay ko at marahan na pinisil yon, napapikit ako ng halikan niya ang labi ko, pareho kaming humihikbi sa pagitan ng halik naming dalawa. Bawat pag galaw ng labi namin ramdam ko yung pagkirot ng puso ko, ramdam ko yung sakit na idinulot ko sakanya... Yung mainit na labi niya alam kong dahil sa pag iyak yon... Pinaglayo niya ang labi naming dalawa at tinitigan ako sa mata.



"I'm sorry Kei...pero sobrang sakit kasi talaga...Hindi ko na nga alam kung paano mawawala 'tong sakit... Kasi tuwing nakikita kita mas lalo lang tumitindi yung sakit dito..." Itinuro niya yung dibdib niya...



"No Kyle! Please! Ayoko!!" Sigaw ko!



"Hindi baby...kailangan mo rin 'to... Kailangan nating dalawa...Hindi tayo babalik sa dati kung pareho tayong nasasaktan ng ganito..."



Niyakap ko siya! Naramdaman ko ang pagkulong ng bisig niya sa katawan ko! Iniyuko niya ang ulo niya sa balikat ko at naramdaman kong nag iwan siya ng halik don.



"I'm sorry..." Bulong niya.


"Kyle parang awa mo na...ayoko..." Pero pilit niyang tinanggal ang kamay ko sa pagkakayakap ko sakanya! Sht. nararamdaman ko na ngayon yung ginawa kong pang iiwan sakanya nung bagong taon, nararamdaman ko na ngayon yung pagmamakaawang ginawa niya para hindi ko siya iwanan pero iniwan ko pa rin siya, ngayon ako na yung nagmamakaawa h'wag niya lang akong iwanan... Masakit nga, sobrang sakit...



Napapikit ako ng dumampi ang mainit niyang labi sa noo ko, naramdaman ko rin na tumulo yung luha niya sa mukha ko... Nakakapit ako sa dibdib niya at pilit ko siyang hinahampas pero nanghihina ako.


"Goodbye baby..."

Akin Ka [Published under Sizzle/Summit Media]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon