Chapter 39

365K 3.8K 135
                                    



Chapter 39


KEI'S P.O.V



Nagising ako dahil sa mahigpit na yakap na naramdaman ko . Tumingala ako para tignan siya, nakatulog na pala ako sa dibdib niya kagabi habang tinatapik niya ako sa likod ko, ganun lang pagkatapos ng pag uusap namin isiniksik na niya ako sa dibdib niya at niyakap ng mahigpit.




"Good Morning baby..." Bulong niya...




"Hmm, hindi ka natulog?" Tanong ko sakanya dahil medyo namumugto pa rin ang mata niya. Umiling iling siya.




"Natakot kasi akong baka pag natulog ako mawala ka." Seryosong sabi niya, tumungo ako sa dibdib niya at niyakap ko pa siya lalo, ang ingay pa rin ng puso niya, nagwawala parin ito kagaya ng dati.




"Hindi na ako mawawala Kyle, dahil naramdaman ko na kung gaano kasakit na mawala ka." Bulong ko sakanya. Naramdaman kong huminga siya ng malalim, itinaas niya ako sakanya at sumiksik siya sa leeg ko.




Napangiti ako ng maramdaman ko nanaman ang pilik mata niya tuwing pipikit siya. Namiss ko yon.




"Pasensya ka na kung naging duwag akong girlfriend. Pasensya ka na kung hindi kita ipinaglaban... Ewan ko Kyle, pero pagdating kasi sayo nanghihina ako sa sobrang pagmamahal ko sayo... Para bang hinihila mo lahat ng lakas ko."




Sakanya lang naman ako naging ganito kahina, alam niyo yung pakiramdam na imbis na maging malakas ka dahil sa pagmamahal mo para sakanya, mas nanghihina ka dahil alam mo sa sarili mo na matatakot kang masaktan siya.




"Wala na akong pakialam kung gaano ka kahina at kaduwag Kei...dahil kung hindi mo kayang lumaban ako yung lalaban para sayo, para satin... " Sobrang seryoso ng boses niya, pero nabigla ako ng marinig ko ang sexyng pagngisi niya.




"Bakit?!" Sigaw ko sakanya!




"Kasi naman po baby ang drama nating dalawa ang aga aga pa..." Natatawang sabi niya, napangiti naman ako dahil don, tama nga siya ang aga naming magdrama. Umupo ako sa kama at sumilip ako sa bintana at nanlaki ang mata ko dahil madilim pa.




Tumingin ako sa wall clock ko, 4:30 palang ng madaling araw.




"Bat ang aga kong magising?" Pagtataka ko.




"Baby alas siyete ka natulog kagabi, mukhang antok na antok ka nga eh... Napagod ka siguro sa biyahe mo kahapon...pati sa kaiiyak napagod ka." Naramdaman kong umupo rin siya at pinulupot niya yung braso niya sa bewang ko, napapikit ako ng halikan niya ang batok ko.





"Anong gusto mong breakfast?" Bulong niya... Parang biglang nagutom yung tiyan ko!




"Gusto ko ng siopao." Nakangusong sabi ko.




"Siopao?" Pagtataka niya.



Tumango ako.



"Yung tuna na siopao, gusto ko maanghang." Sabi ko.



"Alright. May 7/11 akong nakita sa kanto baby, alam ko may siopao dun." Sabi niya saka tumayo mula sa kama ko, napatingin ako sakanya ng buksan niya ang cabinet ko at parang may hinahanap.




"Anong hinahanap mo?!" Sigaw ko sakanya.




"Hmm, nasaan yung jacket na binili ko sayo?"




"Si Kerokeroppi?"



Tumango naman siya.




"Nandyan sa pangalawang cabinet ko." Sabi ko, agad naman niyang binuksan yon at kinuha yung jacket, inilahad niya ang kamay niya sa akin at inalalayan akong tumayo, pagkatapos sinuotan niya ako ng jacket.




"Dalawa na kayong aalagaan ko, kaya kailangan doble ingat tayo baby..." Nakangiting sabi niya.




Napansin kong ang gwapo niya lalo, itinaas ko ang kamay ko at dahan dahan kong nilamutak ang mukha niya.




"Aga ko naman makakita ng gwapo." Sabi ko habang pinipisil pisil ko ang pisngi niya.




"Aray! Baby...ngayon alam ko na kung bakit mo ako pianggigigilan nung exhibit ko, pinaglilihihan mo ba ako?" Nakangising sabi niya at hinayaan lang niya ako sa ginagawa ko sa pisngi niya.




"No...ang gwapo mo lang." Wala sa sariling bulong ko dahilan para mas lalo siyang matawa, hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan ang labi ko sandali.




"Okay lang na paglaruan mo yang mukha ko baby, sa ngayon kailangan na muna nating kumain." Suway niya sa akin saka lumabas na kami ng kwarto.




"Nasaan ang kotse mo?" Puna ko dahil yung sasakyan ko pala ang dala nila ni Marie.




"Nasa bahay, yung kapatid mo kasi sinundo ako, galit na galit sa akin dahil bununtis daw kita..." Sagot niya sa akin habang nagmamaneho na siya, napangiti naman ako, talaga bang si Marie ang gumawa non?...




Pagkadating namin sa 7/11 kaming dalawa lang yung customer, kumuha kaagad ako ng tatlong siopao.



"Baby ang lakas mo namang kumain." Natatawang sabi niya.




"Gutom ako!" Inis na sigaw ko sakanya, saka tinalikuran ko siya! Kainis kasi eh hindi niya alam yung nararamdaman kong gutom ngayon! Napaharap ako sakanya ng hilahin niya ang braso ko at nanlaki ang mata ko ng halikan niya ako sa labi.




Narinig ko ang pagbubulungan nung dalawang cashier.




Pinaglayo niya ang labi namin at kinindatan niya ako.




"Sungit naman ng misis ko, sorry na sige kahit bilin pa natin lahat ng siopao!" Nakangising sabi niya, para namang nagliwanag ang mukha ko!




"Talaga?!" Sigaw ko, nanlaki naman ang mata niya.




"Gusto mo talaga baby?!" Hindi makapaniwalang tanong niya! Ngumisi ako at pinisil ko ang pisngi niya.




"Hindi! Tara na! Bayaran mo na 'tong tatlo!" Sabi ko saka hinila ko na siya sa cashier.




Pagkabayad namin bumalik na kami sa sasakyan ko at dun ako kumain, titig na titig naman siya sa akin habang kumakain ako.




"Kalat baby..." Bulong niya saka pinunasan yung gilid ng labi ko, hindi pa siya nakuntento lumapit pa siya sa akin at yung mismong labi niya ang pinang alis niya ng dumi sa bibig ko.




"Yan okay na." Nakangiting sabi niya.




"Hindi ako makakain ng maayos nung wala ka." Nakangusong sabi ko.




"Baby naman...masama yon. Dapat kahit gaano kalala yung away natin kumain ka. Kahit hindi ka buntis kumain ka pa rin, kailangan yon ng katawan mo."



"Sorry..." Bulong ko.




"It's okay. Basta simula ngayon hindi pwedeng hindi ka kakain." Mariin na sabi niya saka pinaandar na niya yung kotse ko, at sa may dagat siya huminto.




Ibinaba niya ng kaunti yung upuan ko para makahiga ako. Nakatingin lang kami dun sa may bundok maya maya lang siguro sisikat na yung araw.




Tahimik lang kaming dalawa habang yung kamay niya hinihimas yung tiyan ko. Tinignan ko siya, nakapikit lang siya, may kaunting sakit pa rin sa mukha niya.




"Kyle..." Tawag ko sakanya...




"Hmm?" Sagot niya sa akin ng hindi iminumulat ang mata.




"Maging honest ka sana sa itatanong ko sayo ha? Pero...masakit pa rin ba? I mean yung kasalanan ko sayo..." Bulong ko, dahan dahan niyang iminulat ang mata niya at tinitigan niya ako ng matagal, lumipat ang kamay niya sa kamay ko at marahan na pinisil pisil iyon.




"I'm sorry baby..." Bulong niya ng hindi inaalis ang tingin sa mga mata ko. Ngumiti ako ng mapakla, kahit naman hindi niya sagutin alam ko na yung sagot, dahil nararamdaman ko pa rin yung pain na ginawa ko.





"Magsisinungaling ako kapag sinabi kong hindi... Pero hayaan mo lang yun baby, mawawala din lahat ng sakit ng 'to dahil kasama na kita ngayon." Nanginginig ang mga mata niya habang nagsasalita siya...




"Mahal na mahal kita...at kaya kong tiisin 'tong sakit na 'to hanggang sa mawala... H'wag ka ng masyadong mag isip, makakasama sayo yan at sa anak natin..." Sabi niya, tumango tango na lang ako... Binitawan niya sandali ang kamay ko para bumaba ng sasakyan, umikot siya at pinagbuksan niya ako ng pinto. Inalalayan niya akong makababa saka naglakad kami malapit sa dagat, umupo kami sa malaking bato.




Ipinulupot niya ang kanang braso niya sa bewang ko habang yung kaliwa naman inihawak niya sa ulo ko para mahalikan ang noo ko.




"I'm sorry Kyle...promise hindi ko na uulitin." Bulong ko at niyakap ko siya, sobrang nasabik akong yakapin siya ng ganito kahigpit yung parang wala akong kaagaw sakanya.





"It's alright baby... Hindi pa rin naman nagbabago yung nararamdaman ko para sayo, sa katunayan mas lalong tumindi yung pagmamahal ko para sayo...At hindi naman ako papayag na habang buhay dalhin yung sakit na 'to, mas mahalaga ka pa rin kesa sa pride ko."




Tumingala ako at inabot ko yung labi niya ng halik, kaagad niyang tinugon yung halik ko sakanya. Marahan kong ipinikit ang mata ko ng naramdaman ko nanaman ang mabilis na pagtibok ng puso ko na para bang sakanya lang nagiging ganito. Totoo nga ang sarap marinig mula sa taong mahal mo na mas mahalaga ka kesa sa ibang bagay.




"I love you..." Bulong niya sa pagitan ng halik naming dalawa. Pakiramdam ko lumulutang nanaman ako sa mga halik niya, dahan dahan pero mariin na halik na para bang miss na miss namin ang isa't isa.




Pareho kaming napangiti ng maramdaman ng pisngi namin ang sinag ng araw. Ang sarap lang sa pakiramdam na hinahalikan mo ang taong mahal mo habang sumisikat yung araw.




Dahan dahan niyang pinaghiwalay ang labi namin at pinagdikit niya ang noo naming dalawa. Titig na titig siya sa mata ko, nabasa ko nanaman dun ang pagmamahal niya sa akin.




"Hinihintay lang pala ni Haring araw na halikan mo ako bago siya sumikat." Natatawang bulong niya... Hinampas ko ang dibdib niya pero hindi manlang siya nasaktan, sa halip tinawanan niya pa ako.




"Hindi mo lang alam kung gaano kahalaga sa akin yang mga halik mo Kei. Sa tuwing hahalikan mo kasi ako awtomatikong nagwawala yung puso ko. Nakakaadik ka."




"Drugs ba ako?"




"Haha. Baby, sabi nga sa kanta ni Kesha, Your Love is my drugs." Natatawang sabi niya.



"Ang corny mo talaga!!" Sigaw ko sakanya...




"At dahil sa kakornyhan ko napasagot kita." Hindi pa rin nawawala yung ngiti sa labi niya.




"Hindi naman dahil dun eh... Siguro dagdag points na rin yung kacornyhan mo... Pero sinagot kita dahil pinaramdam mo sa akin na mahal na mahal mo ako." Bulong ko.




"Oo naman. Aminado naman ako dun, aminado ako na gusto kong maramdaman mo yung pagmamahal ko." Pagyayabang niya. Tinawanan ko lang siya at niyakap ulit ng sobrang higpit, thank you sa blessings na 'to Lord, kung hindi dahil sakanya hindi ko mararamdaman yung ganitong saya.


_____



KYLE'S P.O.V




"Anong plano niyo iho?" Biglang tanong sa akin ng Papa ni Kei.




"Pananagutan ko po siya." Kaswal na sagot ko na naging dahilan ng pagkunot ng noo nito.




"Hindi ba kayo magpapakasal?" Aniya, sandali akong natigilan... Kung magpapakasal man kami ni Kei gusto ko yung parehong puro pagmamahal na lang yung nararamdaman naming dalawa, hindi naman kasi tama na magpakasal kami kahit na nagkakasakitan pa rin kami dahil sa nangyari.




"Magpapakasal po, pero hindi pa po sa ngayon."




Huminga ito ng malalim at tinapik tapik ang balikat ko.




"Kyle iho, hindi naman sa ayoko. Pero sana pag isipan niyong mabuti ni Kei yan, ayos lang sa akin na hindi muna kayo magpakasal, mukhang may nangyari pang hindi maganda sa inyo nitong nakaraang araw dahil umuwi si Kei dito na umiiyak... Mahirap na, baka mamaya kung ano pang mangyari mahihirapan lang kayong kumawala sa isa't isa kapag pareho na kayong nakatali sa isang kasal." Alam ko naman yun, kailangan talagang pag usapan ng maayos.



"Matagal ko na pong itinali ang sarili ko para sakanya, kaya wala naman pong dahilan para kumawala pa ako."




Sa ngayon ang kailangan muna namin ni Kei, oras para mawala na lahat ng sakit. Tama rin naman ang sinabi noon ni Kei, masyadong mabilis lahat ng pangyayari kaya nauwi sa ganito, nagkasakitan kami hanggang sa dumating sa punto na halos isuko ko na siya. Ayoko na ulit maulit yon, ayoko ng dumating ulit sa punto na kinakailangan ko siyang iwanan para lang umiwas sa sobrang sakit, dahil hindi ko kayang makita ang sarili ko na tinatalikuran siya. Malaking torture yon para sa akin.


Akin Ka [Published under Sizzle/Summit Media]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon