Chapter 48

286K 3.4K 169
                                    


Chapter 48

KEI'S P.O.V


Ngayon na ang alis ni Kyle, nandito na kami sa airport. Kasama ko ang Mommy at Daddy niya, gusto sanang sumama ng mga kapatid niya kaso may klase sila.



"Yung passport mo? Ticket?" Paalala ko sakanya.

"Eto na baby..." Ipinakita niya sa akin ang passport at ticket niya.

"Sigurado ka bang wala kang inalis sa maleta mo?"



Hinila niya ang kamay ko at hinaplos ang tiyan ko.


"Kumpleto na lahat baby...magaling yata mag ayos ng gamit itong asawa ko." Pagyayabang niya.


"Kyle ha? Kumain ka don... Felix ikaw na muna ang bahala sakanya ha? Kapag may lagnat siya wala siyang ibang gustong kainin kundi sinigang lang." Sabi ko, dahilan para halikan niya ako sa labi.


Kasama kasi niya si Felix, actually sabay pala silang nagpasa ng papers nila sa New York. Nakakaproud lang na talaga.



"Sobrang maasikaso nitong misis ko... Love, pasamahan niyo siya kay Misha." Bilin ni Kyle.


"Ano ka ba anak, sabi ko nga dito kay Kei sa bahay na lang siya tumira hangga't wala ka. Yung kwarto mo na lang ang gagamitin niya." Nakangiting sabi ng Mama niya.


"Oo nga baby, dun ka na lang muna." Pag sang ayon ng asawa ko, hinawakan ko ang likod niya.


"Hindi na po Tita--"


"Mama hija." Nakangiting pagtatama sa akin ni M...mama.


"Ah...Mama... Ayoko naman po kasing iwanan yung bahay namin ni Kyle." Ayoko talaga dahil baka mamaya magkamulto pa yon, biro lang. Pero mas gusto ko kasi tumira sa bahay naming mag asawa.


Maya maya pa narinig nanamin na tinatawag na ang flight nila. Humalik na si Kyle sa Mama niya at niyakap naman niya ang Daddy niya.


"Mag ingat ka don. Trabaho ang pupuntahan mo hindi yung mga models don." Bilin ng Daddy niya.


"Oo naman Dad. Hindi naman ako mambababae don." Natatawang sabi ni Kyle.


"Siguraduhin mo lang."


"Yes Dad." Nakangiting sagot niya, bumaling na ulit sa akin si Kyle, nakangiti siya sa akin, ikinulong ng palad niya ang magkabilang pisngi ko, tinitigan niya ang mukha ko na para bang kinakabisa niya ang bawat anggulo nito.



Tinitigan niya ang mata ko, hindi ko mapigilan ang mapaiyak, mamimiss ko siya ng sobra sobra! Mamimiss ko ang kayabangan nitong asawa ko. Pinunasan ng thumb niya ang luha ko.


"Baby, pagbalik ko dapat kabisado mo pa rin yung moves para sa susunod na kambal." Pang aasar niya, hinampas ko siya sa dibdib niya, nagtawanan naman sila Mama.


"Mag ingat ka dun ha? Tawagan mo ako kapag may oras ka... Yang mata mo gagamitin mo lang para sa trabaho ha!" Umiiyak na sabi ko sakanya.


"Promise baby..." Bulong niya at napapikit ako ng bigyan niya ako ng isang malalim at dahan dahan na halik sa labi, para bang ayaw na niyang paghiwalayin ang labi naming dalawa.


"I love you Kei..." Bulong niya at niyakap ako, maya maya pa napasinghap ako ng lumuhod siya at hinawakan ang bewang ko saka hinalikan ang namimilog kong tiyan.

Akin Ka [Published under Sizzle/Summit Media]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon