PROLOGUE

32.3K 759 96
                                    

Ako nga pala si Haruna Davis.

Most of my friends call me.. uhmm.. my friends usually call me.. uhmm..

Oh I forgot, I don't have friends pala. Haist. I'm such a dreamer. Pano ako magkakaroon ng kaibigan eh hindi nga ako makapag stay sa isang lugar.

Hehe. Eto na.

Lahat ng tao may abilities. Pero most of us, hindi alam kung pano gamitin yun.

Pero ako, isa ako sa mga taong marunong gumamit at kontrolin yung kapangyarihan ko. Well kung meron nga ba talaga akong kasamang marunong din.

That's why I'm always traveling all around the world. My ability is Loot. The ability which is commonly known as 'ability stealer'.

Actually Loot lang naman talaga yung akin, mula nung pinanganak ako. Pero dahil kaya ko tong gamitin, nagkaroon ako ng iba't ibang kapangyarihan gaya ng

-Collapse (malalaman niyo mamaya kung ano to)
-X-ray vision
-super strength
-seer
-Pyrokinesis

And yung paborito kong nakuha dati..

-Telekinesis.

Haha of course paborito ko yan, I can make things move by just using my beautiful eyes. Hehe

Ayon sa nabasa kong prophecy dati, kapag daw more than 3 yung abilities mo (dahil alam nilang may loot na kayang makagawa nun), ibig sabihin magiging imortal ka na.

Kaya nga nandito ako ngayon sa may abandonadong building sa France. Oh yeahh, France, nasa France ako ngayon naglilibot. Pero huminto ako dito sa rooftop ng building nato para ma test kung imortal nako.

May dala akong dagger at saka balisong.

"Wooooooohhhh!!" Paghinga ko. Kinakabahan ako baka hindi totoo yung propesiya.

Pumikit muna ako at ginamit yung ability na Seer.

Nakita ko ang sarili ko na nandito sa building at lalaslasin ko yung braso at nagulat ako sa sumunod kong nakita. Yung sugat na pinaglaslasan ko, agad agad naghilom yung sugat. Waaaah naeexcite ako ah!!

Dali dali akong dumilat at may ngiti sa muka. Totoo nga siguro yun. Kasi yung ability ko na Seer, lahat ng makita ko sa future nangyayari talaga.

Hinawakan ko nang mahigpit yung dagger at saka sinimulang lagyan ng hiwa yung kamay ko. Syettt ang sakittttttttt!!!!!

It really stings! Nakapikit lang ako kasi ang hapdi. After ilang segundo nawala yung sakit. Dahan dahan kong idinilat yung mata ko at laking tuwa ko nang wala nang bakas ng sugat. Ohhhh. That's what they call immortality. Nagtatalon ako sa tuwa at di inaasahan na may tubig dun at nadulas ako.

Pagkatumba, naramdaman ko nalang ang biglang pagsakit ng ulo ko.

"ARGHHHHH!!!" napahawak nalang ako sa ulo ko at laking gulat ko nang may makapa akong basa kaya tinignan ko yung kamay ko at may dugo. Kinapa ko kung san galing yun at naramdaman kong may nakatusok dun kaya naman buong lakas ko yong hinila mula sa ulo ko.

"AHHHHHHH!!!!!" Naiiyak nako sa sobrang sakit! Pag ganto ang nangyari sa normal na tao, tiyak nakakamatay to. Ang lalim. Buong pwersa ko yung hinila at nagtagumpay naman ako. Pagkahila ko, agad agad nawala yung sakit sa ulo ko, kinapa ko at wala nang bakas ng sugat pero may dugo parin.

Tinignan ko kung ano yung tumusok at halos mahimatay ako sa gulat. Bakal lang naman na mahaba. For pete's sake! BAKAL!!!!!

**
End of Prologue.

Parang chapter one ito pero ginawa ko nalang prologue para may konting simula naman 😂 . Basta igets niyo nalang, ito na yung simula mismo ng kwento. Ganern

The Ability UserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon