CHAPTER 18

4.3K 117 8
                                    

3RD PERSON's POV

Nanlaki ang mga mata ni Shena ng makita niya ang clone maker. Ang lungkot sa muka niya, napalitan ng galit at pati ang mga kamao niya'y naikuyom na lamang niya,

"Nag eenjoy ka ba ngayon na napatay mo na ang mga kapatid ko?" Galit nitong tanong sa clone maker. "Marvin?" Dagdag pa nito, pagbanggit sa pangalan ng clone maker na si Marvin.

"Sige saktan mo na ako Shena... tatanggapin ko dahil kasalanan ko naman ang lahat..." umiiyak na sambit ni Marvin habang nakayuko at hindi maharap si Shena.

"Siguro iiwan muna namin kayo para makapag usap kayo ng maayos. Ilalabas muna namin itong mga tao. Sumunod na lang kayo." Sabi ni Haruna na sinang ayunan ng iba.

Lumabas na sila kasama ang mga bihag. Naiwan sa loob ang parehas na umiiyak na sina Marvin at Shena.

"Pwede ba kong mag explain?" Sabi ni Marvin habang umiiyak.

"Ano pang dapat mong i explain? Eh pinatay mo na yung mga kapatid ko diba?" Umiiyak na sambit ni Shena habang nakasubsob sa tuhod ang kanyang ulo.

"Alam mo namang hindi ko yun magagawa sa kapatid mo diba?" Sagot ni Marvin at niyakap ang umiiyak na si Shena.

"Layuan mo muna ako" mahinang sambit ng dalaga.

"Hindi ko alam na aabot sa ganto to. Hindi ko alam na hahantong sa ganto ang pagkontrol sakin ng mga clones ko. Alam kong buong buhay kong pagsisisihan tong kasalanan ko.. hindi ko ginustong mawala ang mga kapatid mo..." umiiyak nitong sambit habang nakayakap parin kay Shena at hindi pinansin ang sinabi nito kanina.

"Pero nangyari na, hindi na maibabalik ang buhay nila..." mas lalong napaiyak si Shena dahil hindi niya matanggap na wala na ang mga kapatid niya.

"Shena ... kinontrol ako ng mga clones ko... they threatened me ... papatayin nila tayong dalawa kapag hindi ko sinunod ang gusto nila ... alam mo namang ayaw ko yun hindi ba... pero di naman nila sinabi na papatayin din nila ang mga kapatid mo."

Sa di malamang dahilan, biglang pumasok sa isip ni Shena ang huling sinabi ng kapatid niyang lalaki..

"Ate, salamat, sana maintindihan mo siya..."

"Sana maintindihan mo siya..."

"Sana maintindihan mo siya..."

"Sana maintindihan mo siya..."

Paulit ulit sa isip ni Shena ang huling sinabi ng kapatid niya. Bigla siyang napaharap kay Marvin.

"Hindi kaya si Marvin ang tinutukoy niya?" Tanong ni Shena sa kanyang isip.

"Pwede bang ikwento mo sakin lahat?" Tanong ng dalaga sa binata.

"Anong lahat?" Naguguluhang tanong ni marvin.

"Lahat. Hindi ba't sinabi mo hindi mo naman ginusto ang pagkamatay ng mga kapatid ko... I just want to make sure na ikaw ang tinutukoy ng kapatid ko bago sila mawala..." naguguluhan man, ikwinento nalang ng binata.

"Bata pa lang ako, ramdam na ramdam ko na ang pagmamahal ng magulang ko, pero isang araw .. nabigla na lamang ako nang malaman kong patay na sila. Hinanap ko kung sino ang pumatay sa kanila .. nung una , nabigo ako. Pero hindi ako sumuko, hanggang sa isang araw ..

Nalaman ko na Loot ang pumatay sa kanila. Ginamit nila ang kapangyarihan nila para mapatay ang mga magulang ko. Nalaman kong pinatay nila ang mga magulang ko dahil gusto nilang kunin ang pera namin.

Dahil din sa kanila, nalaman ko kung pano gamitin ang kapangyarihan ko, pero nang ipapapatay ko na sila, nabigo ako .. akala ko kaya ko pero hindi pala . Imortal ang mga loots dahil pag naging 3 o lagpas pa ang mga kapangyarihan nila, magiging imortal na sila.

The Ability UserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon