CHAPTER 9

6.1K 180 15
                                    

Nilibot ko yung paningin ko sa SC Room at may nakita akong full-length mirror na nakapatong mismo sa shelf. Oo nakita ko to kahapon ehh. Tumayo ako at lumapit dun.

Nang nasa tapat nako ng salamin, tinanggal ko yung scarf ko. Ginamit ko yung xray vision kung may camera ba sa katawan ko o wala. Pero wala naman akong nakita. Wala din akong nakitang kakaiba. Tas yung mark sa leeg ko, simpleng mark lang naman siya. Parang namamaga pero di naman masakit. Binalik ko na yung scarf ko at inayos yung buhok ko.

Pabalik na sana ako sa sofa nang biglang magbukas yung pinto at niluwa nun si Nicco at may kasama siyang dalawang lalaki. Di ko kilala. Baka ka dorm niya o kaya kaklase. Pumasok sila at nang makita niya ko, kumunot yung noo niya.

"Bat ka naka scarf?" Tanong niya sakin.

"Ahh wala, nilalamig lang ako." Sabi ko at ngumiti. Ngumiti din siya at naglakad na palapit kay Izzie.

Nag usap lang sila saglit at saka siya ulit lumapit sakin. "Bat di mo kasama sila Allen at Andie?" Tanong niya. Naalala ko na naman yung mga asungot na yon.

"Wala. Tara na." Yaya ko kaya kahit naguguluhan man, sumunod nalang si Nicco.

Sinundan ko lang silang tatlong maglakad hanggang sa tapat ng isang room. Base sa section na nakasulat sa taas ng pinto, eto na yung room namin.

'3-A' <<yan yung section namin. Pumasok na kami sa room namin at nakita kong nandun na din yung iba naming kaklase.

Pagkapasok ko pinagtinginan agad kami, ahy ako pala. Nakita ko sila Ayumi at Bianca na naka upo sa may pinakalikod at kumakaway sakin. Napangiti ako at lumapit ako sa kanila.

"Dito ka uupo ha." Sabi ni Bianca at tinuro yung bakanteng upuan sa gitna nila.

"Bakit ka naka scarf?" Tanong Ayumi.

Ngumiti ako sa kanya. "Wala nilalamig lang ako" palusot ko.

"Eh nasan sila Andie at Allen?" Tanong naman ni Bianca.

"Wala. Hintayin nalang natin." Sabi ko at umupo na sa upuan. Tinanggal ko yung bag ko at sinabit sa hook na nasa gilid ng mesa.

*kriiiiiiiiiinnnnggggg*

Nagring na yung bell at sunod sunod nang pumasok yung mga kaklase namin. Wala pa sila Allen ahh. Tss sabi ko kasi sa kanila ehhh. Tsk tsk

Maya maya pumasok na din yung Adviser namin. Alam kong adviser yun kasi pag first subject adviser yung magkaklase.

"Goodmorning class. Siguro naman alam niyo nang may bagong estudyante dahil kahapon palang nandito na sila. Nandito na sa room yung isa pero mukang malelate yung dalawa. Now please proceed ms. Davis" sabi ni sir at habang nakatingin sakin. Tumayo ako at oumunta sa harap.

Hihi lahat sila nakatingin sakin. Magsasalita na sana ako nang biglang dumating sa may pinto sina Allen at Andie na hingal na hingal. Si Andie at gulo ng buhok at si Allen naman hawak hawak pa yung necktie niya. Parehas sila naka uniform na at naka bag.

"Dito po ba yung----" naputol yung sinasabi ni Allen nang makita niyako kaya naman tumawa ako ng malakas. Lahat tuloy nakatingin sakin.

Nakita ko si Andie at Allen na sinamaan ako ng tingin. "Sir excuse me po." At saka sila pumasok sa loob.

Nakita ko yung mga babaeng kaklase namin na kinikilig.

"ang gwapo nila"

"Ano kayang ability nila?"

"Ang gulo ng buhok nung isa pero ang gwapo parin nila"

"Yiieee kinikilig akooo"

At marami pang ibang bulung bulungan. Tumabi sakin si Allen at tinulak ako ng mahina kaya lalo akong natawa.

The Ability UserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon