SPECIAL CHAPTER

3.6K 109 3
                                    

"Mommy? Anong chord po ba ito?" Tanong ni Kaina, ang panganay naming anak.

"Ehhh? Kelan ka pa natutong maggitara, anak?" Tanong ko. Nakita kong naka-G yung mga daliri niya sa gitara eh.

"Mommy naman ehh! Syempre tinuruan ako ni daddy!" Natawa nalang ako sa sinabi niya.

"Osige. G yan anak."

"Mommyyyy!" Napatingin ako sa may kusina nang marinig kong sumigaw si Ken, ang bunso.

"Anak??" Tumakbo ako sa may kusina dahil di ko alam kung anong nangyari.

Pagkarating ko ay nanlaki ang mga mata ko nang makitang nakaupo sa counter si Ken at pilit na binubuksan ang chocolate na galing sa ref.

"Anak? Anong ginagawa mo?" Lumapit ako sa kanya at ako na ang nagbukas ng chocolate.

"Mommy! I want to eat that chocolate!" He said while pointing to the chocolate I'm holding.

"This? Okay." Kinakagat ko muna yung chocolate at saka ko binigay sa kanya.

Kinarga ko siya at pumunta ulit kami sa sala kung nasan yung ate niya at nag aaral mag gitara.

Ilang taon na ang nakaraan mula nang ikasal kami ni Allen. Hmm eto na nagbunga na nga yung pagmamahalan namin diba?

Kinasal na din sa isa't isa yung mga couples sa SC, pati si Mavis.

Akalain niyo bang nagkatuluyan pala sina Rio at Karma? Hayy buhay. Tapos ang balita ko kay Taiga, nasa ibang bansa na yata.

Eh si Aina? Ayun umuwi na yung parents niya 5 years ago. Ewan wala na din akong balita dun eh.

So yun nga, yung mga anak namin ay sina Kaina Hayasaka Allen, at si Ken Kazehaya Allen.

10 years old na si Kaina at 5 naman si Ken. Allen doesn't want many kids, he just want us to be happy as long as we can still handle our situations.

Nakarinig kami ng tunog ng sasakyan na dumating kaya lumabas kaming tatlo.

"Maam, anjan na po yata si sir." Sabi ni Manang.

"Sige po manang, pakibuksan na po yung gate." Pumunta na si manang sa may gate at binuksan yon.

Pumasok naman ang kotse ng asawa ko at inihinto iyon sa may garahe. Bumukas ang pinto at bumaba na si Allen.

"Hon." Sabi nito at hinalikan ako sa labi.

Hinalikan niya sa noo ang mga anak namin.

"How's your day?" Tanong ko habang naglalakad kami papasok.

"Hayy. Ayon nakakapagod, as usual. Pero bawing bawi naman kapag umuuwi ako eh." Di ko na din napigilang ngumiti dahil wala pading pinagbago tong mokong nato.

Pero kahit mokong yan, mahal na mahal ko yan.

"Oh, bat nandito yung gitara ko?" Tanong niya nang makitang nakahiga sa sofa ang gitara niya.

"Daddy! Diba tinuruan moko dati! Turuan mo naman ulit ako!" Hinila ni Kaina si Allen at umupo sila sa may sofa.

"Oh? Anong ituturo ko?"

"Ihhh. Daddy naman eh, syempre yung mga chords! Pero tugtog ka muna." Sabi ng anak namin at bumingisngis pa.

"Daddy, play the guitar now!" Galit galit na utos ni Ken kaya natawa kami.

"O-Opo! Opo!" Sagot ni Allen at nagsimula nang tumugtog.

Base sa tunog ay alam kong Break Free yon nila Jana Lee and Migs Haleco.

Pumunta muna ako sa kusina at naghanda ng meryenda.

Bumalik ako sa sala at nakita kong masaya silang nagkakantahan kaya kusa akong napangiti habang naglalakad.

"Oh kain muna kayo." Sabi ko at nilapag sa center table ang tray.

"Hon, kain muna kayo." I used telepathy to talk to Allen kaya napahinto siya at tumingin sakin. I just smiled.

"Oh mga anak kain muna." Sabi ni Allen at tumayo.

Lumapit siya samin at hinapit ako sa bewang. We watched our kids while they're eating.

"Hayyy. Ilang taon na din mula nang huli nating makita ang buong SC kasama si Mavis noh?" Sabi nito kaya napatingin ako sa kanya.

"Oo nga. Miss na miss ko na sila. Balota ko nga uuwi na sina Ayumi at Andie dito galing sa Japan eh."

"Talaga? Mag reunion naman tayo. Hehe" natigil kami sa pag uusap nang marinig naming nag aaway ang dalawa.

"Ihhhh! Akin nga kasi to ehh! Meron pa naman jan!!"" Sigaw ni Kaina habang inaagaw ang french macaroons mula sa kamay ni Ken.

"No!! This is mine! Go get yours!" Sigaw naman ni Ken at ayaw bitawan ang pagkain.

Hanggang sa nagulat kami ni Allen sa sumunod na nangyari...

Naging red ang mata ni Kaina at tinignan sa mata si Ken.

Omo...

Kumunot ang noo ni Kaina nang hindi manlang gumana ang ability niya sa kanyang kapatid.

Well, I guess alam na nilang gamitin ang abilities nila.

Kaina is an illusionista and Ken has an ability blocker. Nice abilities eh? Came from me. *smirk*

"Shh. Don't argue, babies. Ang dami pang macaroons dito oh."

Nagparaya nalang si Kaina at binigay kay Ken ang pagkain. Pero labis naming ikinatuwa ni Allen nang makitang hinati ni Ken ang pagkain at ibinigay sa kanyang ate ang kalahating parte.

Napangiti kami ni Allen sa nakita. Hinalikan naman niyako sa aking sentido.

"Hon, bihis muna ako." Pagpapaalam ni Allen at umakyat na.

"Alam niyo ba mga anak, marunong si mommy mag gitara." Nakangiti kong sabi na ikinagulat nila.

"Talaga mommy?!" Tanong ni Kaina.

"Oo naman."

Kinuha ko yung gitara at nagsimulang tumugtog. Tinugtog ko yung 'Our Song' ni Taylor Swift at nagsimula ding kumanta.

Sinabayan naman ako ng mga anak ko.

Bumaba na si Allen na nakapang bahay at umupo na din sa may isang sofa. Nakikanta din siya samin.

Haist.

I really love this family of mine.

Aside from the joy that they give me, I really love them because I know that they love me too.

Grabe... parang dati lang talaga isa lang akong normal na dalaga, naglalakbay, naghahanap ng abilities... at naghahanap ng kaibigan.

Pero ngayon... may pamilya na ko.

I totally promise that I will treasure them. I will love them with all of my heart just like what God did to us and still doing.

Sisiguraduhin kong magiging masaya ang buhay namin gaya ng inaasahan naming lahat.

~~~~~~~~~●END●~~~~~~~~

The Ability UserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon