CHAPTER 13

6.6K 166 27
                                    

"Bibili lang kami ng pagkain namin. Pakabusog ka ha. Ubusin mo yang pagkain mo." Pamamalaalam ni Allen saka ako tumango. Umalis na din siya.

Yung mga estudyante nagpatuloy lang sa pag iingay at pagdadaldalan. Yung iba nakatingin sakin, yung iba nakatingin sa mga kasama ko habang umoorder sila.

Tinignan ko yung pagkain ko. 3 hotdog sandwich, dalawang burger, isang katamtamang laki ng mangkok na may lamang sopas, isang plato na puno ng kanin, tapos yung ulam nilagang baboy, yung mag mais din, tapos tatlong coke in can. Waaah napansin ng ni manang na gutom na gutom ako kaya dinamihan niya yung pagkain.

Kinagatan ko yung hotdog sandwich pero hindi talaga sapat. Kaya sunod sunod kong kinagatan yun, di ko pa nalulunog yung iba pero kumakagat na agad ako. Kaya napuno yung bibig ko. Bumukas ako ng isang coke at saka sinabay yun sa kinakain ko kaya napabilis yung paglunok ko. 1 sandwich down, 2 more to go.

Nasa kalagitnaan ako ng pagkain ng pangalawang sandwich nang biglang dumating yung mga kasama ko na may kanya kanyang tray.

Dahil nga panglimahan lang tong bilog na mesa, ang ginawa nila, inusog nila yung isa pang bilog na lamesa at yung mga upuan kaya naging pangsamou na. Pfffft~

Umupo na sila. Nakita ko naman yung mga pagkain nila. ehhhh???? Akin yung pinakamadami =_____=

Patuloy lang ako sa pagkain.

"Buti di ka binibilaukan jan Haruna. Takaw mo" sabi ni MM kaya nagtawanan sila. Pabiro ko lang siyang inirapan at nagpatuloy lang ako sa pagkain.

Nang maubos ko na yung 3 sandwich at dalawang burger, inubos ko na yung isang coke saka ko kinain yung sopas. Nang maubos ko na yung sopas, nilaklak ko agad yung isang coke. Wala akong pakialam sa paligid ko. Maya maya nawala yung ingay. Di ko nalang pinansin at inubos ko nalang yung kanin at ulam. Pagkatapos, nilaklak ko ulit yung isang coke.

Habang umiinom, muntik nakong masamid dahil nakita kong lahat nakatingin sakin. As in lahat. What I mean is, lahat ng kasama ko, lahat ng estudyante at pati narin yung mga tindera. Nakanganga sila at halatang gulat na gulat.

"Nande?" Tanong ko nang maubos ko na yung coke.

"Ang lakas mo kumain." Bulong sakin ni Allen na katabi ko. Nakita ko naman yung mga kasama ko nagpipigil ng tawa habang nakatingin sakin. Kumunot naman yung noo ko.

"M-malakas kumain? Ako?" Tanong ko at tumuro pa sa sarili ko. Nakita ko namang tumango yung lahat. "G-gutom pa nga ako ehh." Reklamo ko. Totoo naman.

"EHHHHHHHH?!?!?!!" sabay sabay nilang tanong lahat, kahit yung mga estudyante at tindera naki react na din.

"Bakit ba?"sabi ko at inirapan sila. Tumayo ako at dinala yung tray ko.

Naglakad ako papuntang counter at nilapag dun yung tray ko na puro kalat at hugasan. "Manang, isa pa po. Parehas na parehas po nung inorder ko kanina. Please pakibilis. Nagrereklamo na yung ahas ko sa tyan. Sige ka ate, pag lumabas siya, papatuklaw kita." Sabi ko at humagikgik pa.

Muka namang natakot yung tindera kaya binilisan niyang iprepare yung mga order ko. Napakunot naman yung noo ko. Hindi ba siya aware na nagjojoke lang ako?

Para siyang si flash kung gumalaw. Ang bilis talaga. Yung mga estudyante bumalik na sa pag iingay pero yung mga kasama ko nakatingin lang sakin.

Sinuri ko yung tindera at namangha ako sa ability niya. Super speed. No wonder, natapos niya agad yung ginagawa niya kaya nasa harap ko na ngyon yung inorder ko. Kinuha ko na yun at bumalik sa lamesa namin at umupo na sa upuan ko.

Mabilis kong kinain yun at nakatingin lang sakin lahat ng kasama ko. Napapansin niyo bang laging nilaga yung inoorder ko? Hehe favorite ko kasi. Hihihi

The Ability UserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon